Skip to main content

Getting down to the naughty gritty/Putak-manok sa imahen (PJI editorial 5 May 2005)

ALLOW us to offer a truckload of thanks and tons of commiseration for one Journal Online reader— griped how she felt bad about a local TV teen-age couple after giggling pubescent male stole a snapshot at nubile female with mobile phone camera showing her taking a shower, rinsing her flower, and yelping at the naughty intrusion.

Reader also volunteered information that the audio-video sequence is being circulated in this neck of the woods. Probably that’s prima facie evidence of whatever sex scandal or show-and-tell value people can wrung off from that revealing footage.

With a view on the current water shortage that bedevils the metropolis, we can only hazard a guess this young couple set an example to audiences on an ingenious way to save water. It’s likely they took a shower together. They probably stumbled on a more innovative water saving scheme: young couple just exchanged bodily fluids.

We’re probably growing old such that the normal 20-20 vision we once had is being whacked out and is blurring into an atrocious 36-24-36.

We’ve probably seen much stack of statistics and an unending parade of fleshy images, we can now afford to eschew plain sight and chew on some meaty insights.

For instance, we’d rather pore over matters that affect the public weal. Res (matter) plus publica (the public) equates to whatever we extol as “republic.” It’s the res + privata (private) we’d often shun. Deprivation or loss of privacy is too closely akin to and spawns such grim realities as grinding poverty, bankruptcy, and penury.

We’re probably suckers for old-fashioned romance wreathed with verses from the likes of Ralph Waldo Emerson, same guy who plied this counsel: "What lies behind us and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us."

That’s probably one graceful way of rephrasing that crabby Greek sage Socrates: “Know thyself. The unexamined life is not worth living.”

Yeah, we’re not exactly Pro-Life zealots out to out-talk anyone.

That old goat Socrates probably got it right. The unexamined life ain’t worth living.



----------------------------------------------------------------------

SANTAMBAK na salamat at tone-toneladang pakikidalamhati ang nais naming ipahatid sa isang mambabasa ng Journal Online—sumama daw ang loob sa kabataang pareha sa TV. Nagtatawang kinunan ni lalaki ng nakaw-retrato (mobile phone camera ang gamit) si babae habang naliligo sa banyo, nagbabanlaw ng bulaklak, saka napahiyaw sa kabiglaanan, “Ay! Nahihiya ako.”

Iniulat din ng mambabasa na kumakalat na ang naturang audio-video sequence. Maituturing marahil na katibayang prima facie sa kung anumang sex scandal na mapipiga kung sinu-sino sa katakam-takam na daloy ng mga larawan at anyong kilala ng mahilig magmiron sa telebisyon.

Kung isasaalang-alang ang kakapusan ng tubig ngayong tag-araw, maiisip na nagpakita ng mainam na halimbawa ang pareha kung paano magtitipid sa tubig. Baka sabay na silang naligo. O baka mas mahusay na paraan ang kanilang isinagawa—nagpalitan ng kani-kanilang katas.

Tumatanda na yata kami kaya pati normal na 20-20 vision, natutuklap na’t nauuwi sa makatulo-laway na 36-24-36.

Tala-talaksang statistics at walang patid na prusisyon ng samut-saring korte marahil ang nahimod ng aming paningin. Kaya siguro ipagkikibit-balikat na lang namin ang mga tipak ng laman, higit na magtutuon sa kaalaman.

Halimbawa, mas angkop marahil maitutok ang tanaw sa mga bagay-bagay na nakaugnay sa kapakanan ng publiko. Res (usapin) at publica (sambayanan) ang ugat ng idinadambana nating republika. Kung maaari’y umiiwas na sa res + privata (private). Ang deprivation o kawalan ng privacy ay malalim na nakaugnay sa pag-iral ng matinding dalita, pagkalugi at paghihirap.

Mas umaangkop sa panlasa ang matulaing pagmamahal, kakawing sa tula ng tulad ni Ralph Waldo Emerson. Nabanggit niya: “Wala sa mga makikitang panlabas na anyo ang mga makabuluhang bagay kundi sa mga nakapaloob na diwa.”

Parang inulit lang ang madalas ipangaral ni Socrates: “Kilalanin ng lubusan ang sarili. Walang katuturan ang buhay na hindi lubusang sinuri ng sarili.”

Talagang mas matindi ang ganito sa ipinangalandakang Pro-Life.

Mas mapanuri kaysa mapanira ang damuhong Socrates. Walang kuwenta ang buhay na hindi lubusang sinuri ng sarili.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Cal y canto con camote

FENG shui (literally, wind water flow) lore has it root crops embody a hidden store of treasures. Say, a local food conglomerate needs yearly 35,000 metric tons of cassava for livestock feed-- the available local supply falls short of 13,000 tons. Cassava granules sell for around P9 a kilo. Demand for the same root crop to be used in liquor manufacturing is hitting above the roof. Why, raising cassava is a no-brainer task— this is one tough crop that can grow in the most hostile patches of earth, providing sustenance for ages to dwellers in sub-Saharan parts of Africa. While the hardy cassava is nearly pure starch, the lowly sweet potato or kamote is considered by nutritionists as a super food, the most nutritious of all vegetables— kamote levels of Vitamin A are “off the charts, rich in antioxidants and anti-inflammatory properties.” A fist-sized kamote can supply a day’s dose of glucose to fuel the brain, muscles, and organs, so they claim. Count the country lucky...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...