MADALAS na nakasungaw ang kakatwa na bungkos ng salita, "nauwi sa mainitang pagtatalo" bilang pasakalye sa mga kasong serious physical injuries, homicide o murder.
Gasgas na nga ang "mainitang pagtatalo" sa pahinang panlunsod at panlalawigan ng alinmang peryodiko-- sa aking bansa. Pilipinas. Ganoon ang palaging panimula ng krimen.
Payak ang tinatawag na operating parameters o balangkas na napapalooban ng pagtatalo. Laging pagtatalo. Hindi kailanman naging talakayan. Hindi kailanman naging paliwanagan.
Masisipat na susulpot lagi sa balangkas ng pagtatalo ang natalo at nanalo. Win-loss ang tuwinang kahihinatnan ng pingkian ng magkasalungat. Hindi kailanman nagbunga ng win-win o parehong nagwagi ang dalawang panig, pwe-he-he-he!
(Now, let me share my two cents worth as a cold-blooded reptilian. You read that right: reptilian. A highly evolved sort of reptile akin to the serpent, the basilisk, the dragon, the dust-crawling kind. See me as something less than the human species. So I could be wrong-- and I can take both lowly pride and magnificent meekness in that.)
Kutob lang naman: baka parehong utak abo ang mga nagtatalo. Hindi naiiba sa dapugan o lutuan sa sinaunang kusina: nakabaon sa bunton ng abo ang baga. Nakasindi pa rin. Kahit ilang tilad o mumunting tatal ang isusulong na gatong, uusok agad.
Saka tuluyan nang liliyab.
Kaya laging mainitin ang ulo. Puro baga't abo na kahit katiting lang na gatong, usok-sunog ang kasunod.
Kung hindi pataasan lang ng ihi, tiyak na pahabaan naman ng titi ang karaniwang pakay ng pagtatalo.
Walang mauungkat na paliwanagan. Kasi: sa utak na may liwanag lang magmumula ang liwanag. If you don't have it, you can't share it.
Walang makakalkal na kalinawan. Kasi: puro usok at abo lang ang aalimbukay sa kalooban ng tuktok. Kailan ba naging malinaw sa pananaw ang kulay ng abo't bulwak ng usok?
Walang masisipat na talakayan o masinsinang pagtutulungan para ugatin at himayin ang usapin.
Walang bukal ng lamig ni batis-tamis ng tubig na dadaloy mula sa ulunan.
At sa huling tuusan: walang aamin sa ganoon.
Kaya araw-araw na tatanggap ng ulat ang pahinang panlunsod ng paulit-ulit na pasakalye sa samut-saring alitan, sa mga walang patumanggang iringan. Iuulat sa bawat araw...na saanmang lunan sa lunsod nauuwi ang ganoong iringan, alitan, inggitan, kawalan ng unawaan at kakitiran ng pananaw...
"Sa mainitang pagtatalo."
(So, I've shared my two cents worth as a cold-blooded reptilian. You read that right: reptilian. A highly evolved sort of reptile akin to the serpent, the basilisk, the dragon, the dust-crawling kind. See me as something less than the human species. So I could be wrong-- and I can take both lowly pride and magnificent meekness in that.)

Comments