Skip to main content

Titinik na, kikiling pa

TO hold up a bank… bangenge sa todo tungga nang ibungad ang limpak-limpak na balak sa kausap… ‘kako’y punuan na ang pampang na nanganganib laging gumuho, matuklap, matibag… punuan ng kawayan to curb erosion.. to hold up that bank of the Zapote River .



Sa pagsiyasat sa bambang ng ilog na hatsing lang ang layo sa bahay ng kainuman, nagambala ng paghakbang ang sandosena yatang palaka,,, sinlaki halos ng tuta na bilis-kidlat ang igtad tungo sa ilog.



Magtatakip-silim na noon, pandalas na sa panginginain ng mga nagsulputang gamumu’t mumunting kulisap ang mga palakang nakatambang sa sukal at damuhan. That diet of insects provide frog legs a Spanish fly side effect on the gourmet who eats wild bullfrog legs… but as for me I take to eating what’s between the legs of a dilag…



Agad na inutusan ng kabungguang bote ang isang alalay na mamingwit mg palaka… talagang bigay-hilig sa tulad kong palaka… plog! plog! plog! ang sunod-sunod na tunog ng mga nabulabog, tuloy-lundag sa ilog. Ni walang sumagpang sa pain. Walang nabingwit.



Walang mabibingwit sa ganoong paraan, ‘kako’y magtanim na lang ng kawayan.



At laging may kalakip na masidhing kahilingan sa bawat itutulos na buko’t biyas. Kailangang nakasuksok sa lupa ang bahaging uukitan niyong hiling upang matupad. Sa ilang bahagi ng Mindanao , karaniwang kalakip na hiling sa itutulos na punla ay maubos, tahasang mapuksa ang angkan ng kaaway o kaalitan. Habang lumalago ang itinanim, unti-unting nagiging totoo ang ibinaong hiling.



Kaya ang haplos ng hangin sa kawayan, tinatawag na lawiswis—wish, wish, wish.



Maraming bagay at lagay ng buhay ang maisisimpan sa pagtatanim… pero mas maraming walang hilig sa ganoong gawain. Meron din na talagang mainit ang kamay kaya kahit sama ng loob ang itanim, laging patay.



Naipayo na kawayang kiling (na ang tunog sa dahon: wash, wash, wash) at kawayang tinig (tunog naman ng wasiwas-pantarak, swish, swish, swish) ang pagsamahing itanim. Kawayang umaatikabo kapag lumago. Titinik na, kikiling pa: matutugunan at matutupad ang matinding pagnanasa.



Payong bangenge—in vino veritas, sabi nga—pero nitong nakaraang ilang taon, nasagap ko na lang sa mga balita na nagtanim din pal ang kawayan sa kahabaang pampang ng Ilog Zapote. Na meron ngang prinsa o sinaunang dam para mag-imbak ng patubig sa mga dating palayan doon. Meron pa ngang ilang panig ng ilog na kairugan ng look kaya alat na ang tubig—na pinadadaloy sa mga irasan para humango ng asin.



Ni hindi binagsakan ng sisi ang antigong prinsa. Hindi rin masisi pati pagpapapasok ng tubig-alat mula Manila Bay . Nagbuhos din ng baha si Ondoy sa Ilog Zapote—pero walang nasagap na balitang ang mga nasa pampang ay nasalanta.



Mainam talaga ‘yung titinik na, kikiling pa. Ganoon ang kalagayan sa alamat nina Malakas at Maganda… bago nagkabiyakan ng biyas ng kawayan, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...