Skip to main content

Bayog at bayag

PINAKAMAKUNAT yata sa may 1,250 species ng kawayan ang bayog—na malimit gamiting haligi sa bahay-kubo. Tumatagal kasi ng 50 taon, lalo na ‘yung higit dalawang taon ang edad… ‘yung taga sa panahon na halos dilaw na ang kulay… nakakabungi sa ngipin ng lagare ang kasinsinan ng makunat na himaymay.

Siyempre, panalo sa lutuin ang labong ng bayog—may sangkap na pait. Kailangang ibabad ng tatlong araw sa tubig na may timplang apog para mapalis ang pait… para masalinan ng mineral na pampatibay ng buhok, kuko’t ngipin. Sa ganoong timpla, mananatili ang mapusyaw na puti ng himaymay, mas malutong pa sa kagat. Mapapagkamalang mataas na uri ng palmetto cabbage o ubod ng niyog kapag isinangkap sa lumpia.

Tinimtim sa saluyot at bagoong ang karaniwang luto nito—katiting lang ang protina sa supling ng kawayan, pulos himaymay o digestible fiber lang… na mas masisikmura kaysa tinatawag na moral fiber ng mga sikat at sikwat na tao sa pamahalaan.

Saka mainam sa katawan ang bisa ng ganoong himaymay. Kinakaskas-linis ang sikmura’t bituka pati na mga ugat na dinadaluyan ng dugo… sinasalakab ang low density lipoproteins, (LDL) o kolesterol na pasimuno sa sakit sa puso’t stroke. Hindi makakadagdag-bilbil ang labong kaya malalantakan ng mga nais maging kainaman ang hubog ng katawan.

Balagwit o pingga na pang-igib ng tubig na, nagagamit ding Thai stick at Shaolin pole ang ganoong kasangkapan. Paulit-ulit na inihahampas sa dibdib, tiyan, mga bisig at hita ang Thai stick—para kayang indahin ang bigwas, suntok, kaldag o tadyak na dadapo sa katawan sa full contact sports, halimbawa’y boxing. Psychological conditioning for the body to endure jolts of pain.

At sa kamay ng dalubhasa tulad ng aking abuela, mapanganib na sandata ang makunat na pingga… na madalas lumagapak sa aking tumbong noon kapag nalaman na ako’y nakipagbabag… aba’y 28,000/sq. inch,/i> ang ,tensile strength o tibay ng bayog—23,000 lang sa bakal. Kaya balagwit na hamak-hamakin mas matindi pa sa truncheon dahil nagiging sandatang Shaolin.

Matibay man kahit magaang na sangkap sa payak na dampa, talagang mas mura kaysa palochina, coco lumber o segunda manong kahoy ang bayog—na walang tinik na taglay. Sa loob lang ng limang taon, ang ipinunla’y nagiging kulumpon—3 sentimetro sang-araw ang pagbulas ng kawayan.

At sa ganoong singkad ng panahon, makakatikim na ng labong, may mapuputol pang sangkap para sa bahay kubo.

Ipaubaya na sa mga malikhain ang pagbuo ng kahit na balsa lang… kahit na tagni-tagning lunday na tahanan. Hindi na hihiling na bumuo sa kawayan ng luxury liner o lantsa’t yate na isasalang a la “Kon-Tiki” ni Thor Heyerdahl o daong ni Noah sa unday ng mga Ondoy, Pepeng, at iba pang namumuong unos.

Dire necessity ought to give birth to ingenious design.

Napakaraming kawayan sa paligid—may 49 species sa Pilipinas, kabilang na ang bayog—lalo na sa mga masikap na mag-uukol ng talino’t panahon. Maraming mga tiwangwang at nakaligtaang lupa. Doon makakapagpalago, makakapagpalaki ng bayog—kaysa magpalaki ng bayag.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...