Skip to main content

Patram, puspam, phalam, toyam

HINDI naman pala tumataginting na pilak at limpak-limpak ang hinihinging handog ng Maykapal—ni hindi nga ikasampung bahagi o 10% ng kita na kinakabig ng mga pangkatin na isinasangkalan ang mga pangalang Kristo (marami nito saanmang sabungan), Ma-el s’ya ‘day (sumasamba’t dumadamba ang tulad ko kay Elpu ‘day) o kahit pa Batman, Superman, at suman.



Nakabungkal na nga sa Qur’an ang walang pangiming bilin ni Allah na “Kami ang magdudulot sa iyo ng biyaya. Hindi ikaw ang magbibigay (sa Amin) ng biyaya.”



Sa Bhagavad-Gita (Song of God), lalong nakaligtas ang bulsa sa mga panganib, parusa, at pangakong “siksik, liglig at umaapaw” ng mga namamayagpag-angas sa pulpito, entablado o kahit na sa bus na humaharurot sa kahabaan ng EDSA… laganap na talaga ang holdapan kung saan-saan.



“Putram, puspam, phalam, toyam.”



Hindi po ito bahagi ng “Oratio Imperata” na taimtim na inuusal upang maiwasan ang mga kagimbal-gimbal na kalamidad—tulad ng kalam-sikmura sa sambuwang gutom… halalan 2010, “Hello Garci,” ZTE-NBN deal… pakulong fertilizer a la Joc-joc Bolante… kandidatura ni Bayani Fernando at Erap Estrada… nasilat na de-padyak ni Mar Roxas… Charter Change at Con-Ass… pagbili ng P100-M swine flu vaccine kahit naghahagilap pa ng mga biktima niyong sakit… balisawsaw ni Ondoy na kaanak daw ni Mang Pandoy… teleseryeng para yata sa mga bobotante… alipunga’t hadhad sa singit na hindi matungkab ng Rexona… Pepeng iihi’t iihip… birit na pag-alulong ng kanta… pagsalida sa Marikina ng isang walang kalatoy-latoy na artista na dumapurak sa puso’t dibdib ng kanyang mga masugid na tangahanga matapos walang paglingon at paglinga kaliwa’t kanan na sinagip nito ang isa ring walang latoy na artista habang nakatunganga sa kanilang paligid ang nangangatog na daan-daang tangahanga na sinalanta din pala ni Ondoy…



Dahon, bulaklak, bunga, tubig. ‘Yan ang katumbas niyong mga katagang Sanskrit.

Ang mga ‘yon ang maihahandog—at tahasang tatanggapin. Parang musmos pala ang Maykapal na inaalayan ng mga pinakapayak na bagay na mahahagilap sa paligid.



Sa ika-26 na taludtod, pansiyam na aral ng Bhagavad-Gita, ito ang wika ng Maykapal: “If one offers Me with love and devotion a leaf, a flower, a fruit or water, I will accept it.”



Maipagkakait pa ba ang mga abot-kaya, abot-kamay na handog… na kailangan lang lakipan ng lantay na pagmamahal at pananalig?



Matapos ngang ialay ang kapipitas na bungkos na dahon ng ampalaya, naisama pa nga sa ginisang munggo na may hinimay na tinapang Salinas at hibe… naging food for lesser gods… like me.



Ganoon din ang simpleng seremonya sa bulaklak ng katuray bago gawing ensalada. Pati sa bunga ng okra, talong at ampalaya bago ilahok sa pinakbet.



Ganoon lang ang pag-aalay. Lalo na sa saganang buhos ng unos.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...