Skip to main content

Haliging kugon, pwe-he-he-he!

MAGHANAP ng puno hindi gawang biro
Kung sa kugunan lang uungkat ng tubo—
Masusumpungan do’n pulos sukal lang po
Pawang mga bansot, tindig naigupo.

Kasi nga ang lupa, lupang tinubuan
Nahuthot, nasimot ang taglay na yaman…
Kasi nga, kasi nga ay pinabayaan
Kaya pawang kugon silang nakatanghal.

Diin nga ni Rizal kung ano ang tao
Walang alinlangan—magiging gobyerno
Kung ang nakahasik ay binhi ng bagyo
Aanihi’y unos, bagyong todo-todo.

Sa bayan ng bulag ang hari ay pisak…
Paano na kayang tayo’y maghahanap
Kung pawang karimlan ang taglay sa mata’t
Pulos abo’t putak ang karga sa utak?

Roleta ng palad muli pong iikot
At bagong numero itong mabubunot…
Roletang halalan tayo ay tatanghod
Bobolahin muli’t tutuklas ng sagot.

Tumaya, bumakas, pili ng uugit
Sa bangka ng bansa na tumatagiliid
Kahit pulos ugon, kahit pawang impis
Hahanap po tayo materiales fuertes…

Haligi ng bayan: haligi ng bahay
Sinusukat-sipat diyan sa kugunan.
Baka may lumabas, baka may lumitaw
Kahit lang pambubong na sadyang matibay.

Pambobo… pambubong… pareho na rin yo’n.
Pagkukunan kasi ay pulos lang kugon.
Pinunong mahusay? H’wag nang mag-ambisyon.
Haliging matibay? Look at your own people!

Tal pueblo (totoo), tal gobierno (aray)…
Punong hinahanap na nasa kugunan—
Ni katig o ugit sa bangka ng bayan
Palpak na sasalpak, tiyak mawiwindang.

Sa bigwas ni Ondoy walang nakaporma…
Sa buhos ni Pepeng walang nakahuma…
Sa kaldag ng krisis inanod lang sila
Sa ganyan bang puno tayo ay aasa?

Sambayanang talo baka pa magbago
Titino pa yata taumbayang bobo…
Mula sa ibaba, aakyat sa ulo
Sa ugat kakalat ang iwing talino.

Sa ngayo’y kakapa ng kahit na pisak
Upang maging hari sa bansa ng bulag…
Kahit sa kugunan ay mag-aapuhap
Ng ihahaligi sa bansang… matatag?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...