Skip to main content

Baba, babaw, baha

MAS malalim ang pundasyon, mas mataas ang maititindig. Kapag mababaw ang haliging ibinaon, tiyak na may erectile dysfunction, mabuhay na paninindigan… wala talagang itatagal sa bayo ng bagyo’t luha ng baha.



Natambakan na pala ng basura, putik, at banlik o silt ang Lawang Laguna’t Ilog Pasig. Mababaw na ang kaligayahan. Kaya bawas na ang ikakaya para sa matinding buhos-unos, liligwak na ang bultong dagdag sa gilid at paligid. H’wag aasahan ang ungas na sambaso lang ang imbak, santimba ang pilit na itatambak—tiyak na magkakalat. Ibabaha ang baho.



Kaya ang bunganga na pulos laway ang umiilandang, panay basura’t burak ang nakabara sa ulunan. Call that halitosis of the intellect, whatever passes for one.



Kaya mas matindi ang tiwala at paniwala sa mga walang humpay sa pagdukal at pagbungkal. Lumalalim sila—run silent, run deep.



Kagulat-gulat ang mabilis na pagbulas ng ratiles… pero mababaw lang ang suksok ng ugat ng ganoong puno. Hindi talaga pilit maghahalungkat at hihitit ng sustansiya sa kailaliman ng lupa ang mga ugat. Kaya kapag dinaluhong ng daluyong, timbuwang!



Hindi ganoon ang kamagong. Mahaba ang pasensiya. Napakatagal kahit sa pag-usbong. Patpat ang tindig pero malalim ang paghalukay ng ugat sa lupa. Hindi nakalantad ang tibay at tatag.



Masaklap na kabilang sa endangered tree species ang kamagong. Naglipana sa tabi-tabi ang ratiles.



Nasa bingit man na mawala, marami namang malalabi’t maiiwang kagamitan at muwebles na yari sa kamagong. Wala pa kaming nakitang muwebles o kahit kapirasong tabike ng bahay na gawa sa ratiles—na kung saan-saan sumusulpot, parang iskwater na sasakupin ang bawat bakanteng lote na walang kaabug-abog.



Katapat ng lalim ang taas at haba. Na siyempre mas marami ang maisisilid na laman. Katapat ng babaw ang baba—babaha kapag binuhusan ng todong ulan.



Umaayon sa umiiral na katotohanan ang sabi ng natural historian Loren Eiseley: “Man is an expression of his landscape.” Anuman ang katangian ng paligid na siniksikan, sumasalpak na rin sa ugali’t asal ng kupal at kumag. Aba’y manhid ang kongkreto’t salamin sa malls. Sadsad sa kupad at sansang ang agos ng binasurang estero’t sapa. Malabo’t mabantot pati sa tingin ang binurak na ilog.



Makapagtiyaga na lang sa sariling kanlungan. Lush inner landscape. Madawag. Ilang. Malawak. Sinop.



Nag-iwan ng mga mapupulot at makakalkal na aral sina Ondoy at Pepeng.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...