Apatnapung araw—‘yan po ang tahasang katuturan ng kuwaresma na nagsimula nitong Pebrero 14 sa Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday at magtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay o Fiesta de Resurreccion o para sa mga gunggong, Easter Sunday . Sa 40 araw na singkad, may mga tahasang gagaya o medyo makikitulad sa pangingilin ng Manunubos—hindi po sila mga kumag na magpapapako sa krus upang dumugin ng mga turista’t usyoso. Sa loob ng 40 araw, uusalin nila ng 108 ulit bawat araw ang kanilang iniingatang oracion ng kapangyarihan; uuntagin ng panalangin at ayuno upang makapag-imbak ng poder, unti-unting magkamit ng buhay. At magkabisa. Tahasang nagtataglay ng poder o power ang bawat kataga—at tila tinting ng walis na mabibigkis kapag binungkos. Kabbalah ang taguri sa kapangyarihang ito ng tradisyong Hebreo; both martial and magickal arts of the orient recognize such inherent powers of words, such acknowledgement goes by the term kotodama or kototama (言霊) . Likewise, the Script...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.