Skip to main content

Posts

Showing posts from 2018

KUWARESMA NG TULPA

Apatnapung araw—‘yan po ang tahasang katuturan ng kuwaresma na nagsimula nitong Pebrero 14 sa Miercoles de Ceniza o Ash Wednesday at magtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay o Fiesta de Resurreccion o para sa mga gunggong, Easter Sunday . Sa 40 araw na singkad, may mga tahasang gagaya o medyo makikitulad sa pangingilin ng Manunubos—hindi po sila mga kumag na magpapapako sa krus upang dumugin ng mga turista’t usyoso. Sa loob ng 40 araw, uusalin nila ng 108 ulit bawat araw ang kanilang iniingatang oracion ng kapangyarihan; uuntagin ng panalangin at ayuno upang makapag-imbak ng poder, unti-unting magkamit ng buhay. At magkabisa. Tahasang nagtataglay ng poder o power ang bawat kataga—at tila tinting ng walis na mabibigkis kapag binungkos. Kabbalah ang taguri sa kapangyarihang ito ng tradisyong Hebreo; both martial and magickal arts of the orient recognize such inherent powers of words, such acknowledgement goes by the term kotodama or kototama  (言霊) . Likewise, the Script...

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

By the numbers

MAGKASUYO ang tadyak na inihagupit sa load-bearing na haliging pader sa silangang bahagi ng aming tahanan—bahagyang umuga, yanig ang pader, kumalampag ang rainwater downspout na nakasandal sa pader. Hindi ko na inulit ang haginit-lintik ng sikad; baka kung ano pa ang mangyari sa pader—o sa mga paa ko. I’d blame it on dirt-plain mathematics, that whit of tremor inflicted on the load-bearing wall-post, which can absorb both lateral and vertical stresses without a flinch— a foot thick of poured concrete with reinforcing steel bars can. How could a pair of stomping front kicks even rattle that reinforced solid wall? Uh, mathematics tells me that at a wee one percent daily increment, any given amount doubles itself in 70 days. I’ve been hurling out those kicks for ages, in a vain try to splice steel into the inner thighs and the lower leg muscles. That daily regimen wasn’t adding and compounding a daily one percent to the kicking power—give or take a tenth of the percentage it ...