NEMATODA 1. Halaw sa ‘Lugmok na ang Nayon’ ni EDGARDO M. REYES nematode . n. any of a group of elongated cylindrical worms parasitic in animals or plants or free-living in soil or water. -The Merriam Webster Dictionary 1974 edition 1. EXT. RURAL DIRT ROAD. MID-MORNING. Unti-unti, mahinang mahina munang pasok ng pinaghalong paksang himig—Theme from “The Sting,” ‘Tradition’ mula “Fiddler on the Roof” at ‘Sa Kabukiran’ nina Sylvia la Torre at Levi Celerio—na sasaliw sa tunog ng nayuyurak, nagugutay na mga tuyong dahon at tangkay ng halaman sa bawat bagsak ng mga hilahod na yabag, kasabay ng halos hagok, pagod-na-pagod na paghahabol ng hininga. Kasintunog ng pagkaligis ang mga dahon at tangkay ang nangangabaling tadyang o pinapangal na sitsaron; habang tila hayok na hingal ng nakikipagtalik ang kasaliw na paghahabol ng hininga....
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.