Bakting sa panahon ng Facebook at cellphone D ALAWANG kaluluwa ang gumagalugad sa Pambuan (tubo po dito ang aking mahal na ina’t lola), isang bayan sa Gapan—hilahod at gapang sa hirap ang mga Hapones nang upakan sila ng tagarito, kaya tinawag na Gapan, lungsod na po ngayon—sa lalawigan ng Nueva Ecija ng Gitnang Luzon: 1. Ang patrong San Roque na palaging may kasamang aso sa paglalakbay; Bakting, sintu-sinto na katumbas ng village crier ; may hawak na kuliling o munting kampana upang tawagin ang pansin ng madla sa hated niyang kalatas—ang kamatayan ng isa nilang kanayon, kaanak, kaibigan o kakilala; kalian ang libing ng yumao at ilang kuntil-butil hinggil sa namayapa. Lunas sa karamdaman o kapansanan. O kalutasan sa suliranin ang hatid ni San Roque—sinumang dilaan ng kanyang mahiwagang aso ay magkakamit ng himala. Himala na lulutas o lulunas. Peryodistang pulpol na naghahatid ng malungkot na balita ang bakting… uuntag, aantig sa ...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.