D UMUDURONG karayom sa dibdib ang hikbi—nauwi sa hagulgol—ng nakatabing dilag sa bus… patungong ospital upang dumalaw sa kanyang ama na pumanaw na pala. Mapait ang text na humagupit ng siphayo sa kanyang dibdib. Napag-alaman sa katabi na walong ulit sambuwan na isinasalang sa dialysis ang kanyang ama. Nasabi na lang sa kanya na napakabait ng kanilang ama, pinili ang lumisan kaysa maging pabigat sa kanyang mga anak… abot kasi mula P45,000 hanggang P50,000 ang gastos nila bawat buwan… napatango ang dilag sa aking tinuran, patuloy pa rin ang impit na hikbi, sagana ang daloy ng luha. Lintext talaga— samut-saring kalatas ang matatanggap mula sa cellphone… kaya kahit na burahin pa ang bawat pangungusap at kataga na tila kidlat na inihahatid sa himpapawid, may maiiwan pa ring haplos sa dibdib at himas sa isip—batay sa nilalaman ng kalatas. May katumbas na kahulugan at kahihinatnan kasi ang mga kataga at mga pangungusap na ipinapahatid sa kinauukulan: “Ok mylab ingat s...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.