SA wikang Thai natalisod sa katagang “katha.” Katumbas pala ng mantra, oracion, dasal o panalangin na inuusal… may bisa pala para makamit ang anumang ninanais. May katha para matuhog ang dilag na nililiyag. May katha upang maging kaakit-akit sa paningin ng balana. Mayroon din para magkamal ng magandang kapalaran o maging magaang ang kabuhayan. Nasumpungan din ang “katha” mula wikang Sanskrit. “Kamatayan” naman ang kahulugan. Katunayan, ang “Kamatayan na Tagapagturo” ang tuwirang kahulugan ng banal na aklat ng Persia na “Katha Upanishad.” “Hari” ang katumbas ng “wang” sa salitang Chino—naging “Juan” nga sa Nueva Ecija ang apelyido ng mas nakararaming bilang ng mga Chino, kaya hindi maipagkakaila ang malalim na agos ng kalinangan at gawing China sa naturang lalawigan… Sa dalawang kataga na pinagsanib—katha wang, katawan—mauungkat ang tahasang pag-iral at paghahari ng mga panalangin sa kabuuan ng katawan… tiyak mauulinig ang alingawngaw ng Banal na Kasulatan, “at ang Kataga ay...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.