Pangil sa pangilin APAT na kapatid sa hanapbuhay ang nakipagtipan sa kamatayan kamakailan, pawang nakababata sila sa inyong imbing lingkod… na patuloy ang walang humpay na pagpupugay at pangilin sa anghel ng kamatayan—Azrael, Osrail, Tar’athyail-- sa tuwina. Kaya yata nagkapangil mula pangilin, mwa-ha-ha-ha-haw! ‘Yung isa’y dinaluhong ng apat na lalaki—dalawa ang menor de edad—nang maalimpungatan sa pag-idlip sa panaderya. Hindi sumuong sa ulan, sumilong sa panaderya para magpalipas ng buhos-ulan, nakaidlip… at ‘yun nga, tinarakan. Pumalag kasi nang kinakapkap ang susi ng kanyang motorsiklo. Aba’y tumpak pala ang diskarte sa Batangas ni Brig. Gen. J. Franklin Bell sa digmaang Pilipinas-US nitong 1900— tinotodas ang edad-10 pataas dahil tulad niyong dalawang menor de edad na dumaluhong sa pobreng peryodista sa Antipolo, ubra na silang lumikha ng perhuwisyo… kaya masayang itumba’t ilagak sa DSWD ang kanilang bangkay para mapangaralan ukol sa pananagutan sa anumang gawain. Bangkay na tina...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.