Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2011

ओपन एयर (कों बस)

Open air-con bus ALIN ang mas nakakahiya, makita ng madla na nangungulangot o umamin sa pag-utot? Agad na inilipat ang talapihitan ng radyo sa 98.7 FM … ibang usapan, panayam sa isang babaeng manunulat ng mga librong crime thriller , inuungkat ang diskarte niya sa pananaliksik at pagsusulat. Now, that’s the kind of earful that I won’t take offense at… it has respect for me as an erudite, maybe, learned listener … kaya hindi mabubulungan ni Satanas na bibigyan niya ako ng kahit ilang nuclear warheads para burahin sa balat ng lupa at sa himpapawid ang naunang istasyon ng radyong bumulaga sa pandinig. ‘Yung mapapakinggan at mapapanood ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya mas mahilig kaming sumakay sa open air(con bus) … tipid kahit konti sa pasahe, at karaniwang walang ‘kakapikang radyo na magbubuhos ng usapang imburnal o DVD player na magpapalabas ng mga tagpo ng pelikulang karima-rimarim. Lack of such contraptions in those buses won’t allow the bus driver to inflict his execrable t...