Lights, come Erap, fraction— dapat nang simulan…
Tatak-boo pong muli’t muling pagbibigyan
Nilang bobotante’t sambayanang mangmang…
Pati mandarambong, jologs at pusakal.
Ang laos na actor, Fear Factor na ngayon
Magiging pambato’t muling poposisyon—
Basta “poo-poo session,” hindi upo-sisyon
Karumal-dumal man ganoong ambisyon.
Jueteng lord, have mercy… ilawit ang habag
O kahit na anong lalawit sa bahag
Nakakapangambang muling mamayagpag
Kapag naluklok na’y muli lang lalaklak.
Ito kasing si Ping humirit na naman
Dapat noon daw ay thirty-two ang waistline;
Commander-in-chief n’ya’y exempted sa ganyan…
Thirty liters kasi kargada sa tiyan.
Dahil nga sa angas sumiklab ang gulo—
Nagsampa ng kasong Dr. Vicki Belo!
(Ganoon ang tunog niyon pong asunto
Na inihalibas doon kay Yuchengco.)
Sa kasong ganoon kapag sinampahan
Umaatikabo na pong harumpakan
Tiyak na bubuhos balde-baldeng facials
Ang askad ng mukha’y lubusang tatakpan.
Sabit din sa korte’t kasong Vicki Belo
Ay mga katoto d’yan sa peryodiko—
Ang ulat daw nila sobrang malisyoso
Kabulaanan daw at dehins totoo…
R.I.P. President pakay na posisyon
H’wag nang hahadlangan ganoong ambisyon
Libre pong mangarap kahit asong ulol
Sa bansang naglisaw ang bobo at pulpol.
Parusa sa Masang Pinoy na partido—
Or PMP for short, meron nang pambato
Upang makabalik sa Palasyo’t trono…
Ai-Ai de las Alas, ‘kalawang pangulo.
Rip-roaring comedy o katatawanan
Na bagong palabas na last fool show lamang
Halinang manood at tayo’y maglibang,
Maaliw, mabaliw, isip ay mawindang…
Sana nga’y tumakbo: Aparri to Jolo…
H’wag kalilimutang lumaklak ng Arthro
At baka-sakali biglang maghingalo
Kapag nalampasan… isang kilometro…
Gapang na sa Erap bansang Perapinas
Milyong bobotante’y saksakan ng ungas
Kahit na dambungin, kahit pa mawaldas
Kahit sinong hayok, siyang itataas!
Tatak-boo pong muli’t muling pagbibigyan
Nilang bobotante’t sambayanang mangmang…
Pati mandarambong, jologs at pusakal.
Ang laos na actor, Fear Factor na ngayon
Magiging pambato’t muling poposisyon—
Basta “poo-poo session,” hindi upo-sisyon
Karumal-dumal man ganoong ambisyon.
Jueteng lord, have mercy… ilawit ang habag
O kahit na anong lalawit sa bahag
Nakakapangambang muling mamayagpag
Kapag naluklok na’y muli lang lalaklak.
Ito kasing si Ping humirit na naman
Dapat noon daw ay thirty-two ang waistline;
Commander-in-chief n’ya’y exempted sa ganyan…
Thirty liters kasi kargada sa tiyan.
Dahil nga sa angas sumiklab ang gulo—
Nagsampa ng kasong Dr. Vicki Belo!
(Ganoon ang tunog niyon pong asunto
Na inihalibas doon kay Yuchengco.)
Sa kasong ganoon kapag sinampahan
Umaatikabo na pong harumpakan
Tiyak na bubuhos balde-baldeng facials
Ang askad ng mukha’y lubusang tatakpan.
Sabit din sa korte’t kasong Vicki Belo
Ay mga katoto d’yan sa peryodiko—
Ang ulat daw nila sobrang malisyoso
Kabulaanan daw at dehins totoo…
R.I.P. President pakay na posisyon
H’wag nang hahadlangan ganoong ambisyon
Libre pong mangarap kahit asong ulol
Sa bansang naglisaw ang bobo at pulpol.
Parusa sa Masang Pinoy na partido—
Or PMP for short, meron nang pambato
Upang makabalik sa Palasyo’t trono…
Ai-Ai de las Alas, ‘kalawang pangulo.
Rip-roaring comedy o katatawanan
Na bagong palabas na last fool show lamang
Halinang manood at tayo’y maglibang,
Maaliw, mabaliw, isip ay mawindang…
Sana nga’y tumakbo: Aparri to Jolo…
H’wag kalilimutang lumaklak ng Arthro
At baka-sakali biglang maghingalo
Kapag nalampasan… isang kilometro…
Gapang na sa Erap bansang Perapinas
Milyong bobotante’y saksakan ng ungas
Kahit na dambungin, kahit pa mawaldas
Kahit sinong hayok, siyang itataas!
Comments