Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2008

Mas malayo ang mararating ng P100 ngayon

M ALAYONG makagawiang gamitin ang binabagong sagisag sa piso. Php—parang “pahipo” ang katumbas kapag binuo, para bang napakailap na’t iglap na umiigkas, talilis palayo na parang nagulantang na bayawak, parang nagsusungit na’t ayaw magagap ni mahigpit na mahawak… ano bang pasintabi pa sa paghipo? Sunggab at masuyong lamutak agad… isagad. Mas humihimas sa puso ang nakagawiang sagisag: titik P na tinuhog sa gitna ng dalawang guhit… kahit na katunog ng pussy kapag binali-baligtad ang piso, higit na maginhawa’t umaantig-umuuntag-umuuntog o kikiliti—sige, ipagdiinan ang unang dalawang pantig sa “kikiliti”--sa pakiramdam ang tinuhog na titik P, lalo na’t masusulyapan, buong banayad at hinay na babasahin ang makahulugang isinasaad sa kumakalat na kamiseta, “malaki ang titikO.” Pero lupaypay na pahapay ang Php—sinakmal sa pangil ng inflation. Kung ihahambing sa timbang ng isasabong sa ruweda, kinaltasan pa ng 11.4 libra ang 100. Ano’ng panama ng Manny Pacquiao na titimbang muna bago sumagupa s...