Tuesday, July 05, 2005

Pakapalan ng apog|Superiority complex (PJI editorials 3-4 July 2005)

Pakapalan ng apog

APOG is a catch-all term for the soggy white paste-like substance. It’s usually calcium oxide chewed as cud with mild peppery tasting betel leaf (ikmo), a wee chunk of areca nut, and a pinch or two of cured tobacco roll (maskada).

The chewy amalgam is called buyo—it is ground together into a chewy paste with tiny mortar-and-pestle contraption called katikot, the grinding so familiarly lewd that it prompts a riddle, “Mahaba-taba ang kay tatang, malalim-luwang ang kay inang.” The mix provides a mild high that chewing gum can’t give.

A generous slathering of apog can neutralize hyperacidity of soils gone too sour and unfit for growing crops. Apog is rubbed in on wooden carvings, especially figures of saints, before the finishing touches are applied. Indeed, apog can suggest a saintly cover-up.

A teaspoon or two of apog thoroughly stirred into a tub of water does wonders for batches of santol rinds, kundol chunks, kamias fruits or such tropic fruits that can be turned into glazed candy. Apog treatment lends firmness to such fruity bits and chunks—untreated tidbits can turn to mush or jelly under high heat. Apog treatment can put on a semblance of sturdiness.

And yes, apog is dumped on corpses to mask the sickening fetor of decay and corruption.

From old folks in remote barrios, we have heard odd words about the current tenant of Malacañang and her minions: “Minamaskada lang tayo ng mga nasa Palasyo.”

It was a polite way of saying that the President and her loyalists are merely chewing and screwing the populace.

The more urbane whisked out bitter puns about the idiosyncrasy of certain Georgetown University graduates—why, two of ‘em became Presidents. One screwed up an erection—he had to use a cigar. The other screwed up elections—and used a Garci.

“Masyadong makapal ang apog ni Gloria,” roars the thousands of angry placard-bearers marching in the streets of Metro Manila.

Perhaps, they were referring to shameless and disrespectable actuations that they have seen—and heard. “The more things a man is ashamed of, the more respectable he is,” so wrote dramatist George Bernard Shaw.

If not, the too-thick slathering of apog they see may be the dumping of quicklime to mask the sickening fetor of decay and corruption.
------------------------------------------
MARAMING uri ng apog. Pero higit na kilala ang apog na katambal ng dahon ng ikmo, tipak ng bungam at kurot ng nakarolyong tabako o maskada.

Buyo ang tawag sa naturang kumbinasyon ng mga sangkap—pinagsasamang dikdikin sa kakatwang kagamitan na tinatawag na katikot. Tila malaswa ang pagdikdik sa katikot kaya nabuo ang bugtong, “Mahaba-taba ang kay tatang, malalim-luwang ang kay inang.” ‘Di tulad sa chewing gum, nag-iiwan ng katamtamang pagkaliyo ang pagnguya ng buyo.

Inihahalo ang apog sa lupa na naging maasim at ‘di na matamnan. Ikinikiskis din ang apog sa mga inukit na kahoy ng santo bago pinturahan. Maiisip na pambalat-kayo ng kahoy na santo ang apog.

Sapat ang isang kutsaritang apog sa sambatyang tubig para tubugan ng balat-santol, tipak ng kundol, kamias o mga kauring bunga na gagawing matamis o glazed candy. Nagbibigay-tibay ang apog sa mga malambot na bunga—na karaniwang naliligis kapag pinakuluan sa arnibal. Kapag natubog sa apog, tumitigas ang malambot na prutas.

Tinatambakan din ng apog ang mga bangkay para iwaksi ang kasulasulasok na alingasaw ng pagkaagnas at kabulukan.

Sa mga matatanda sa mga liblib na kanayunan, nadinig naming ang ilang kakatwang pananalita ukol sa nakaluklok sa Malacañang at sa mga kampon nito. “Minamaskada lang tayo ng mga nasa Palasyo.”

Mapitagang paraan iyon ng pagsasabi na ang Pangulo at ang kanyang mga alipores ay tahasang nanloloko at tumatarantado sa sambayanan.

Mapait ang panunudyo ng mga nasa lunsod ukol sa mga nag-aral sa Georgetown University—dalawa sa kanila ang naging Pangulo. Isa ang pumalpak sa ereksiyon— nagsalaksak ng cigar. Ang isa pa’y pumalpak sa eleksiyon—nagsalaksak ng Garci.

“Masyadong makapal ang apog ni Gloria,” sigaw ng libu-libong bumuhos ng protesta sa mga lansangan ng Metro-Manila.

Baka tinutukoy nila ang mga nakakahiya at nakakapanliit na ginawi ng bedspacer ng Palasyo. Giit nga ng mandudulang George Bernard Shaw, “The more things a man is ashamed of, the more respectable he is.”

At ang higit na malalim na katuturan ng kapal-apog na tinutukoy, maaaring ang apog na itinatambak para hindi lumutang ang alingasaw at baho ng kabulukan.
---------------------------
Superiority complex

NOTHING so fortifies a friendship as a belief on the part of one friend that he is superior to the other. It’s a sobering thought from French author Honore de Balzac-- can be quite apt for celebrating Fil-American Friendship Day.

The United States embassy is likely closed today. A day-off means a beeline of Filipino visa applicants seeking U.S. entry get to keep about P3 million from trickling out of their pockets. As reports have it, cash outflow from Pinoy visa applicants-- most are well-educated types out to find gainful employment-- pour about P1.09 billion a year into American coffers.

Many of these visa hounds are denied entry into America— it’s easier for a camel to pass through the eye of a needle than for a Pinoy visa seeker to be allowed to set foot on American soil.

We could be dreadfully wrong: Americans seeking entry into this god-forsaken land won’t find it difficult to obtain a less-costly Philippine visa. Like the splayed out thighs of a whore on a payday night, no access is denied a paying customer to every orifice and entry points of these islands.

Doesn’t Balzac’s notion on friendship describe that two-way visa traffic?

Our “little brown brothers” don’t bother to keep tabs on the past to gain a precious lesson or two. For instance, the 1898-1902 Philippine-American War cost 5,000 American lives while some 20,000 Filipino soldiers and about 600,000 civilians perished in that campaign to infect American style democracy on these islands. Most deaths on the American side weren’t inflicted by Filipino guns—malaria and a host of tropic maladies did.

Too, as most historical accounts bear out, the American side took no war prisoners.

On the other hand, Filipinos kept American prisoners in relative comfort. They were fed well and often offered commissions into the Filipino army; three accepted. In 1899, four independent journalists were invited to inspect the prisoner’s accommodations. They found that the captives were “treated more like guests that prisoners."

Call that Filipino hospitality. Call that colonial mentality. Or call that an act that stamps humanity—our humanity.

Ah, Honore de Balzac was probably right on the money.

We feel superior.
-------------------------

WALANG iba pa na magpapatibay ng pagkakaibigan kundi ang paniwala ng isa sa kanila na mas nakahihigit siya. Katok sa bumbunan ang ganoong tinuran ni Honore de Balzac, manunulat mula France. Akma sa pagdiriwang ng Fil-American Friendship Day.

Tiyak na pinid ngayon ang United States embassy. Kaya mag-iinit pa sa bulsa ng mga pipilang Pinoy na nag-aasam ng visa ang tumataginting na P3 milyon. Natukoy sa mga ulat na ganoong halaga ang tumatagas mula visa applicants—karaniwang mataas ang pinag-aralan at kaalaman nila na nais lang magkatrabaho—na nagsasalin sa kaban ng US ng may P1.09 bilyon taun-taon.

Karamihan sa mga naturang paamuy-amoy ng US visa ay hindi papayagang makatuntong sa Amerika— sabi nga’y higit na madali para sa kabayo na makapasok sa butas ng karayom kaysa isang Pilipino na mabigyan ng US visa.

Baka naman tahasang mali kami: hindi mahihirapan ang mga Amerikano na magkamit ng visa mula Pilipinas. Tulad sa nakabukakang hita ng pokpok sa gabi ng pasahod, walang ikakait na butas at lagusan ang ating kapuluan sa magbabayad-papasok na Kano.

Hindi kaya ganito ang tinutukoy ni Balzac na umaangkop sa pag-aapuhap ng visa ng magkabilang panig?

Baka kasi nakakalimot sa kasaysayan ang mga “little brown brothers.” Teka, nitong 1898-1902 Philippine-American War nagbuwis ng 5,000 kawal ang panig ng US samantalang may 20,000 sundalong at mga 600,000 taumbayan ang nalagas sa ating panig bunga ng pagpupunyagi ng Amerika na mahawa ang Pilipinas sa demokrasya. Hindi nasawi sanhi ng baril ng Pilipino ang mga kawal ng US—kinitil sila ng malaria at iba pang sakit dito.

Idagdag pa na, ayon na rin sa mga ulat-kasaysayan, hindi nagbimbin ng bihag ang panig ng US.

Sa kabilang dako, mahusay ang trato ng Pinoy sa mga nabihag na Kano. Napakain nang wasto at may mga inalok pa nga upang sumapi sa hanay ng mga kawal-Pilipino—tatlo ang sumapi. Noong 1899, apat na peryodista ang inanyayahan para ungkatin ang kalagayan ng mga bihag—natukoy na panauhin sa halip na mga bihag ang turing sa mga ito.

Sabihin nang Filipino hospitality ang ganoon. Ituring na colonial mentality o utak-timawa. O tawagin iyon bilang tatak ng pagkamakatao—pagiging makatao natin.

Tumpak yata si Honore de Balzac.

Nakakahigit tayo.

No comments: