Aanhin pa ang kabayo
kung patay na ang damuho?
PULOT, darak, tubig saka grassolina - ganoon ang kailangan para maipasada ang one-horsepower kalesa.
Magbawas man ang damuho sa kalsada, mag-uunahan ang mga mahilig maghalaman sa deposito de caballo. Organikong abono na mahusay sa halaman ang tuyong dumi ng kabayo.
Hindi rin parusa sa bulsa ang mga sangkap para manatiling in good running condition ang kabayo. Susulak sa inggit ang mga hinayupak na oil multinationals: grassoline is crude as crude gets and is immune from such phenomena as OPEC production cuts, price backwardation or contango, manipulated landed costs and stiff excise taxes, mwa-ha-ha-haw!
Grassoline is nearly pure cellulose, a little lignin laced with lots of chlorophyll, vitamins A, B-complex and C, minerals and phytochemicals - nagtusak sa tabi-tabi ng mga ilog, parang, sapa at pilapil. Ibig lang sabihin: totally compliant sa Clean Air Act ang grassoline fuel for the one-horsepower kalesa. Now, that's ...
Prizewinning Filipino writer's musings, written in English and Tagalog-based Filipino.