Skip to main content

Posts

सिएते palabras

TAGACATAGA… that trots out a genome sequence spelled in letter codes G, A, T, C-- the blueprint of life, likely, as some inspired geneticists point up, “the mind of God.” Kutob lang naman na tumatagos hanggang hibla’t himaymay ng laman ang mga kataga na nakagawiang gamitin sa pamamahayag, sa pakikitalastasan, sa paghalukay ng isipan… language is a tool and recent findings show that inept or deft usage of tools can shape the individual within and without… there is formation in in-formation. Gano’n ang nagkukubling katotohanan sa iginiit ni Lewis Carroll, “we use words, words use us.” May taga marahil ang mga kataga… kaya may mga tinatawag na pangungusap ng kapangyarihan, words that can unleash thaumaturgy and wonders… words that can heal. Or even kill. Sa The White Plague ni Frank Herbert, “pinihit” ng isang molecular biologist ang mga c,a,t,a,g,a sa pinakaubod at buod ng himaymay ng laman… saka ipinamudmod sa buong daigdig sa pamamagitan ng perang papel ang binagong kaalaman n...

Siyam na puso

SIYAM na dalaginding ang nag-abot sa ‘kin sa hati ng kanilang puso… iniingatan ko hanggang ngayon, maganda kasing palatandaan. Sa pagbasa ng kapalaran sa baraha, katuparan ng kahilingan ang kahulugan kapag lumitaw na kasama ang siyam na puso mula binalasa’t inilapag na hanay ng mga baraha. 240 ang mga kabataang iyon ng Sta. Clara High School—nasa isang hulong barangay, nakapagitan sa magkabilang hanay ng kabundukan sa Aritao, Nueva Vizcaya… walang WiFi , walang cell phone signal , walang Facebook… and a boulder-studded emerald river that waters the wide swathes of rice paddies runs through that valley… Nagbigay kami ng pagsasanay… leadership and team-building… 11 obstacle and challenge courses… napatoka sa akin ang paksa sa human development — na naipihit pa rin sa hilig ko, sex … Sa mahigit 4,000,000 spermatozoa na magkakarera tungo sa iisang gantimpalang ovum , iisa lang ang magwawagi… upang mabuo ang sanggol. That makes every individual a born-winner, not the typical one-in-a-milli...

Ligaya-gaya puto-maya

PINIPILI lang ang ginagaya para maligaya—hindi totoo ‘yung alamat ng ika-100 unggoy na natutong lumikha ng kasangkapan, nagbungkal ng kamote’t nakarami kaya ginaya ng iba pang unggoy… na tinawag ngang monkey see, monkey do . Gunggong, mangmang at Penoy bugok lang ang hangad na maging halimbawa sila sa kanilang gawa— mas marami nga, ngawa. ‘Hirap sundan ang yapak ni, halimbawa lang, Gautama Buddha… na bawat hakbang, may susulpot na iba’t ibang bulaklak o halamang may pakinabang… pero ganoon ang ‘sarap tularan. Sa higit 10 taon, parang Kristo na itinulos sa iisang krus ang pagtatanim sa sinadyang lupalop… malawak ang latag ng lupa, pero makitid ang hagip ng lirip at isip—aba’y parang ‘yung kalapit-bahay na sinasaltik ni Dennis Fetalino ng samut-saring lait… ‘yon at ‘yon lang ang ipuputak sa maghapon at magdamag-- kaya walang kuwalta sa bulsa, pulos singaw ng tumbong sa cabeza … Naungkat sa ‘kin kung magbubuhos ako ng kapital sa binabalak kong pagtatanim ng iba pang gulay—na maisasalya sa...

Usapan, isipan

THE tussle of sorts with a tactical interrogator in the Nueva Vizcaya hinterlands is a fart, just passing gas compared to whirlwinds that a sad child summons in the briefest of chit-chats… matinding usapan kailangan ng mas matalim na isipan. Kabilang ang paslit sa pulutong na iginalugad sa maliit na latag ng kabundukan upang tukuyin, kilalanin ang samut-saring damo’t halamang ligaw na may pakinabang. Babes in the woods likely to get lost in such treacherous terrain… yet even harsh topography can be rendered familiar, less forbidding, and even friendly for the adventurous. And before we broke camp, I reminded the kids they can invite me as their Facebook friend… so I can “Ignore” them, duh, I didn’t have the heart for ignorance. Mabubungkal ng mga paslit ang kung anu-ano mang isinalpak sa sariling pahina… at may pumansin sa retratong kipkip ko na tila bungkos ng aklat ang panganay na apo habang naglalakad sa patuto ng gulayan sa La Trinidad, Benguet… isinaad na nasa bahaging likod ng...

Alak pa!

AFTER suggesting in a focused discussion that local crop raisers curb overproduction, take after the OPEC tack of calibrated yields to provide stability to farm-gate prices for their produce, I was singled out for two-bit tactical interrogation… so it turned out to be an ugly military rigmarole for usual rebel suspects. The gaggle of “farmers” of Belance, Dupax del Norte in the Nueva Vizcaya hinterlands I had talked to were local militia… who won’t ever have inkling on the finer points of agricultural practice and out-and-out capitalist marketing ploy… they just wanted to make me sing under mental duress, “I’m a Red rabble-rouser out to infect you locals with Leftist ideas.” If it quacks like a capitalist duck but doesn’t waddle like one… there must be something wrong. So we were set up prior to a round up— say, two comely education coeds of the Nueva Vizcaya State University in Bambang; a faculty of Sunhaven Academy in Bulacan; a manager for the Savory chain of restaurants out to proc...

Pagkaing pampatikas, pampatigas

WIMPY lang ang mahilig lumantak ng hamburger —kaya yata hugis hippoputamus ang katawan… kaya maraming musmos na lumalaki nitong dekada 1960 ang nandiri sa kinagigiliwang lantakan ngayon. Nakahiligan naman ang pagkain ng kinagigiliwan ni Popeye, spinach —kahit pa mahirap makahagilap nito sa Pilipinas. Pero marami namang katumbas ang naturang comfort food sa paligid—na damong ligaw lang kung ituring… itulos lang sa lupa, tutubo at lalago. Kabilang ang talbos ng sili, kamote, malunggay, uray o kulitis, lubi-lubi, lalaking bignay, kataka-taka, talinum, onte, kamote, kangkong, saluyot, mustasa, alugbati… pawang nanlilimahid din sa iron na panlaban sa pamumutla’t anemia o kulang sa dugo. Mabubungkal sa ulat kamakailan na pati mga kampeon sa Universal Fighting Championships at iba pang batikan sa mixed martial arts , gumagaya na rin kay Popeye na mahilig sa gulay… sila na rin ang nagsasabi na dahil sa ganitong pagkain, mas matindi ang kanilang stamina sa laban. At mas mabilis pang maipa...

Ay-ayyatenka, ading!

BARELY above a whisper, a snake’s hiss is expelled off the diaphragm nearly draining the lungs of its air intake… done 18 to 36 times in the course of a day the regimen toughens the air passages, bronchioles, lungs including, that in turn chucks melancholy and motley feelings of sadness that can touch off pulmonary tuberculosis and other consumptive diseases. Such a sound heals, nurtures, strengthens. Lulan ng sasakyan mula Ampasit, La Trinidad sa lalawigang Benguet hanggang kahabaan ng lansangang tumatagos sa Tarlac, ipupukol na tila punlang palay ang tibok ng dibdib sa bawat madaanang dilag sa daan— ay-ayyatenka, ading ! I love you, lady! Duh, that wasn’t meant to waylay every lay along the way. Nearly every lass or Iluko-speaking maiden who heard such a thundered profession of tenderness broke into a grin, or paused to roar with laughter… what a loud, unheard-of way to nudge feel-good oxytocin and estrogen hormones between a woman’s ears… maybe, bliss between lissome thighs, too...

Example

INSTRUCTIONS explicit or implicit are easier to follow… say, the Fibonacci sequence, 0, 1, 1, 2, 3, 5, 8, 13, 21, 34, 55… you get to figure it out—and can now trot out-- the digits that’ll come next. We can take the numbers to represent a quantum of force in motion… it’s evident in a whirling pattern wrought out in the shell of a common freshwater snail—the susong pilipit , tropic escargots which goes well simmered in coconut cream, julienned ginger and curcumin, red hot chili peppers, and minced fiddlehead fern tops or swamp cabbage… ah, suction at such ripple of nipples is a lot luscious than words. The same number sequence whirls out with devastating results, with the calm eye of a howler or tornado as zero swirl point. We can adopt the same mayhem as gleaned from such act of God… this portion of my lecture shifts to what fellow martial artist Alma Anonas-Carpio unleashed on a big boorish bloke in a crude display of unwanted affection for her… you’re beside the victim… with left foo...

La luna palida como hostia mistica

TO the swoon of winds tugging at my chest lifted of the day’s cares, head rendered giddy with drink… a song rock-hard thaws, rills out of my tummy and spills its notes calm like a shy scatter of stars... old as memory. To sing in dead earnest is to pray twice… kaya marahil walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin… sinasamba, idinadambana saka dinadamba na. Sa haraya ng harana iduduyan ang mga apo, kahit malayo ang mga damuho… makakagawian nila ang haplos ng lamyos mula mga labi ng Diablolo… Iidlip na sana si Direk Dindo Angeles nang marinig na umuungol-alulong na naman ako—aba’y baka ‘kikipagbuno sa bangungot—napilitang bumaba’t ungkatin kung ano na ang kalagayan namin ni Dennis Fetalino… kaming dalawa lagi ang aabutin ng madaling-araw, ‘kikipagtipan sa tuba’t tungga sa ilang araw na pamamalagi sa pulo ng Ilin, sa kanlurang bahagi ng San Jose, Mindoro Occidental. At sa huling yugto ng tunggaan, may udyok o tudyo ang pag-awit kasaliw ang koro ng mga kuliglig sa paligid… mutya...

Kamay ng Demonyo

LAGING sa mas malaman, mas malaking bisig ng ilang katoto nasusubukan kung tumpak ba ang inilalapat na pagsasanay sa sariling kamay… nasasaktan na sila kapag nakapingki ang katamtaman lang na bisig, inihahasa bilang “Kamay ng Demonyo.” Araw-araw ang pagsasanay… hindi lalapat ang kalawang o alikabok sa laman na laging nakasalang sa palihan… matindi na ang bisa ng ganitong gawi sa kabuuan ng utak, lalo na sa prefrontal cortex , pati sa hippocampus na binubulwakan ng dopamine neuro-hormone para manatiling masigla at may itatagal hanggang sa, the punctuation mark in this sentence, dear children, drew inspiration from The Smiths’ new wave hit, “Girlfriend in a Coma.” At kawawa ang ulirat ng mga kumag na kuntento nang sumalampak na parang kamote’t kumatsang buong maghapon at magdamag… nagiging gunggong… unti-unti kasing natutuklap, natitibag ang laman ng utak—lalo na sa prefrontal cortex, hypothalamus, hippocampus, and the reptilian areas of the brain… And I guess that’s what the Messiah m...

Lagak ng galak sa lupa

SA huling araw ng kanilang pagsasanay, inudyukan ang may 50 paslit na isulat sa pilas ng papel ang kani-kanilang hiling sa hinaharap… tinipon ang mga sulat, isinalin sa sisidlan ng tubig… humukay sa paanan ng isang punong mangga’t doon inilagak ang may 50 kahilingan… Kung “diwa’y walang gapos, puso’y walang galos” na maglalagak ng may galak na hiling sa dibdib ng lupa, ititibok ng bawat hakbang sa kanilang tatahaking landas ang mga katuparan. Sinauna ang ganitong paniniwala. Mahahalungkat ang pamamaraan sa mga aklat ng lihim na karunungan. Karaniwang sa kapirasong kawayan inuukit ang hiling, ibinabaon sa lupa na nakaturo ang magkabilang dulo sa timog at hilaga… upang mauntag ang kakayahan ng lupa na ibangon, palaguin na tila binhi ng halaman ang katuparan ng hiling. Ibinubulong din sa pitong butil ng katigbi ( Job’s tears ) ang taimtim na hiling, saka ipinupukol sa agos ng ilog… nakaugnay ang tubig sa katuparan ng kahilingan—na karaniwang ukol sa pagbaha ng saganang kabuhayan, pagwasak...

Kontrayuma

NAIPAKILALA sa mga paslit na sinanay kamakailan ang isang malapad na latag ng ikmo ( ch’ing chu, Piper betle ) sa lilim ng punong mangga. Nabanggit na mga matanda lang ang gumagamit sa naturang dahon… itinatapal sa mga sumasakit na kasu-kasuan o sikmura, ampat sa kirot ng kabag at rayuma… Nalimutan pa nga ang pangalan ng halaman na kontra-diabetes din pala ang katas ng dahon… konting pananaliksik pa’t mabubungkal din ang iba pang bisa laban sa sakit ng ligaw na baging na katuwang ng apog ang dahon sa mga kakanin ng Thailand. Opo, nagtataglay ng anti-oxidants ang ikmo, panlaban pa sa tadyak ng alkohol sa utak, at mas mabagsik kaysa streptomycin ang bisa kontra mikrobyo… kaya mas mainam lantakan—may banayad na lasa ng paminta’t sili-- kaysa iceberg or romaine lettuce. Pwedeng lapatan ng sinumang paslit ng iba pang pangalan, halimbawa, kontrayuma… baka nga kontra sa gayuma—parang alkohol din kasi ang sipa ng pagnanasa sa utak… ‘kakahilo, ‘kakalasing, ‘kakabaliw. So I was shaking my head...

Describe, prescribe

HONEST-TO-GOODNESS surveillance was carried out for more than six months… thorough extirpation spree came at the heels, each member of the official’s family— surviving next of kin, wife, sons, daughters, and grandchildren-- were sent to an early date with embalmers. It was needless at burial rites to cue for crocodile’s tears that poured awash like cash the official had appropriated for himself over the years. Ambuscade right after the last of his kin was interred… official was spared, though. He was pumped several clips of small caliber slugs that tore out both patellae, shredded his penis and scrotum and sent him on his knees begging his masked attackers to put him away… with a view to a reunion with kith and kin in a comfy, fiery place reserved for their kind… His plea bargaining was politely ignored with a solemn collective salute. They wanted him to live, maybe, enjoy or endure his cache of millions… live on as a derelict. It was a priceless gift of life—his own—that the bushwhack...

Tender hands on my wall

A covey of children in their pre-teens have been accepted into my clutch of FB friends… that gives them the freedom to scrawl their thoughts on a virtual wall, an agony column of sorts that allows every befriended soul—lost, found, searching-- to connect. And what would children write about? Anything and everything they can think of. So far, only one has left a few words what she felt about what I shared—a getting-to-know-you walk on swidden trails where scraggly, struggling plant remnants of a lost wilderness still found unwieldy sanctuary. The plants will be trampled, trodden, hacked off, uprooted, burnt… ignored… every which way we can efface fragments of a forbidding topography in a rush to more comforting, safer, perhaps ground made more familiar and suitable to haunt… the unknown will always be daunting and fearsome. Always, the weak-hearted and frail-willed individual demands of the unknown to conform to his weakness and frailty… Hindi ko sila naipakilala sa punong ligas na wala...

Ensaya

" We honor life when we work. The type of work is not important: the fact of work is .” -- Matthew Fox PAULIT-ULIT lang na iaangat, isusudsod ang asarol para mabuhaghag ang lupa, tumagos ang hangin sa paligid ng pananim… hanggang maging tangkay na kawayan ang kambal na bisig, maging sudsod na asero ang mga kamay. Ilang taon din na totoka, tututok sa pangangasiwa sa pataniman ng malunggay… sa gitna ng isang pulo na nasa kanlurang bahagi ng Mindoro… walang sasakyan, walang kuryente, walang laptop , walang Facebook … pero malinaw ang talagang pakay doon— missionary outpost, agricultural extension work, on-site research and development, permaculture, agro-forestry… Kung ano ang taglay sa laman at nalalaman, ‘yun ang isasalang sa naturang lunan… Homo doctvs is se semper divitias habet … bubukal ang yaman mula taglay na kaalaman. Nakasaboy na tila kawan-kawang alitaptap ang mga tala’t buntala sa gabi… at samut-saring himig ng kung anu-anong kulisap ang inihahasik sa hanging naglalaro s...

ब्रुजो देस्नुदो

Brujo desnudo IT wasn’t the P350 sitting fee that I was paid upfront after an hour or so assuming, then, keeping a pose frozen for 15 minutes in puris naturalibus … what was more precious were one or two sketches in colored pencil, charcoal, or ink on art paper that a bevy of artists gifted me after the nude sketching sessions… the missus found them—maybe the angle of the dangle-- not to her liking, disposed of them, ephemeral immortality on paper. Ah, those painters were profuse with appreciation at what they saw… veins running like root-rills on the arms, ripple of stringy flesh on torso and thighs akin to lizards about to pounce on prey… a lot of work went into such shaping of such lean and mean meat, say, a tattoo of 108 fist blows hurled by both arms… 88 kicks for each leg… 22 blows for each elbow… and odds and ends household chores throughout any day. Get into that shape if you’re a sucker for the Scriptures about the Hebrew term, musar — discipline, exclusive attainment, a geniu...

रो 4

Row 4 KAYA naman pala lumabas na gunggong… hindi isinalang ang katawan sa gawa—puro ngawa lang—para manatiling matino ang isipan… use it or lose it , sabi nga. Batugan na ang katawan, batugan pati isip—gunggong na, inutil pa… walang masisipat na maganda sa katawan, mas karima-rimarim sa sukat pati isipan. Nilinaw sa British Journal of Sports Medicine matapos ang pananaliksik sa 20,000 tao na kahit 20 minuto lang sanlinggo ang ilaan sa pagpag ng katawan, makakaiwas na sa pinsala ng isipan… noon pang 2008 ito natuklasan, pwe-he-he-he! Hindi na kataka-taka na ang mga hinangaang sina O-sensei Morihei Ueshiba, Miyamoto Musashi, George Washington Carver, Luther Burbank at Rudolph Steiner pawang nahutok, nahubog ang katawan sa halos walang humpay na gawain sa araw-araw… kaya marahil malalim na, malawak pa ang saklaw ng kanilang inilahad na kaisipan… namuhay sila sa mga nakaraang siglo, pero nakaigpaw at angkop pa rin sa kasalukuyan pati sa hinaharap ang kanilang mga diskarte sa pamumuhay… so...

Mangkono

MADALING makatagpo ng mangkono, kasi’y napakaraming umuusbong na bakawan sa disyerto’t siksikan ang mga birhen sa mga bahay-putahan. Pinakamatigas daw na kahoy sa bansa ang mangkono, Xanthostemon verdugonianus or Philippine ironwood … aabot sa apat na araw ang paglagare sa punong may bulas na 36” sa tindi ng tigas… masusumpungan sa pulo ng Dinagat sa Surigao, Homonhon sa Samar, Babatngon sa Leyte at sa mga dawag ng Palawan… nakapagsinop na rin ng mga binhi ang isang non-government organization sa Barangay Mascap, Rodriguez sa lalawigang Rizal… at maglilipat nga ng ilang punla sa paligid ng San Beda sa Mendiola… dead smack in the asphalt and concrete wilderness. Cabinetry o paglikha ng muwebles ang libangan ng katotong pangulo ng bangko—na nagpahanap sa inyong imbing lingkod ng mangkono… kahit ilang piraso lang ang unti-unting tapusin, bawat isa’y ituturing na heirloom piece … pamanang kagamitan. Ilang taon din kasing totoka ang Mangkokolum sa isang pulo na karatig ng Mindoro Occiden...

Encounter enchantment

TWO or three sticks of cigarette, some coins or a candy or two suffice as peace offerings to unseen denizens of sylvan parts—the wilderness teems with beings the naked eye cannot behold. So I told my son-in-law who wanted my company in a stab through Mt. Makulot in Cuenca, Batangas… on a day that I’ll be leaving off for the western hinterland parts of Mindoro for an agronomy project I’m tending to. Years back, an Army buddy was doing routine patrol with his unit through the jungles of Palawan when he spotted a covey of wild doves roosting on a bough of a huge tree… he thought stringy game fowl flesh roasting on coals, sprayed half a clip off the hip, felled some birds… rushed to pick up those lean pickings here and there… then went triple time to catch up with his comrades trudging ahead. He couldn’t catch up with his unit… saw them too distant, a blur of fatigues… beyond reach. He let out a lung-busting yell… fired off a few rounds… they ignored him, kept tramping on through the bushe...

Hugot sa isinuksok

PAMBALISONG 29” ‘to— 100 igkas-tarak na araw-araw sasanayin, iisa lang…sa isang iglap kapag may buhay na kikitlin. It’s more turned to less, quantity skimmed down to quality… a quantum of bonding time translated to eternity in a moment’s blur. Ika-25 araw ngayon sa buwan, 29 na ang nasulat na inilagak dito, mangkokolum.blogspot.com … hugot na lang sa isinuksok, Inday… maisasalpak ‘to na tila tagdan sa butas ng pahinang pupunuan araw-araw… Kung may tiyaga sa pagbibilang, mauungkat sa bawat nasulat na karaniwang 444, 555, 666 o 777 ang kabuuang bilang ng mga nakalatag na kataga… bakit gano’n? Sinasadya ba ‘to? Ah, mga diwata at ninunong namayapa umano ang nakapatnubay, nasa tabi-tabi lang kapag sumulpot na signos ang 444. Mga anghel ang nakatalaga sa paglitaw ng 555, kahit amoy-sardinas. Pulos demonyo at mga masidhing mithi— intense thoughts that become alive, take ephemeral form and await to take flesh in reality- - na nakapailanlang sa paligid ang ibinabadya ng 666… sex, sex, sex can b...