Skip to main content

Tender hands on my wall


A covey of children in their pre-teens have been accepted into my clutch of FB friends… that gives them the freedom to scrawl their thoughts on a virtual wall, an agony column of sorts that allows every befriended soul—lost, found, searching-- to connect.

And what would children write about? Anything and everything they can think of. So far, only one has left a few words what she felt about what I shared—a getting-to-know-you walk on swidden trails where scraggly, struggling plant remnants of a lost wilderness still found unwieldy sanctuary.

The plants will be trampled, trodden, hacked off, uprooted, burnt… ignored… every which way we can efface fragments of a forbidding topography in a rush to more comforting, safer, perhaps ground made more familiar and suitable to haunt… the unknown will always be daunting and fearsome.

Always, the weak-hearted and frail-willed individual demands of the unknown to conform to his weakness and frailty…

Hindi ko sila naipakilala sa punong ligas na walang 500 metro ang layo sa kanilang campsite… Semecarpus cuneiformis, Xiao guo rou tuo guo… tila munting kasoy na lila o balubad na pula ang bunga… pero mag-iiwan ng mahapding butlig sa balat kapag nadampi sa mga dahon at bulaklak nito… pero panlaban pala sa arthritis at Alzheimer’s disease ang katas.

Naipakilala sila sa isang puno—ni hindi ko alam ang pangalan—na palatandaan na may tubig na mahuhukay sa kinatitindigan nito.

Naipakilala sila sa may 17 halaman na mapagkukunan ng pagkain na walang 500 metro ang layo sa kanilang tinuluyang lunan.

Naibahagi sa kanila ang payak na paraan upang maging ligtas inumin ang tubig.

Napakaraming kaalaman ang hindi na maibabahagi sa kanila… kulang sa panahon, kulang o naglaho na rin ang mga puno at halaman na nagtataglay ng iba pang kaalaman…

Ni bakas ng ahas o kahit bulate ay wala nang matatagpuan sa lawak na latag ng kaingin… ah, may nasulyapan pang kilyawan—matingkad na dilaw at marikit na itim ang nakabihis na balahibo sa bagwis at katawan.


So I had to tell them the deadliest animal on the planet that they’ll ever face is a roast suckling pig… and the most dangerous, wiliest enemy of an animal they’ll ever know is the face they’ll see before a mirror.

One friend wrote on my wall: “A long, long time ago, when I was young and impressionable, I learned the value and taste of barks, mushrooms, grass, leaves, flowers, ant eggs, worms, beetles; learned to use knives and stones; made fire, made love under trees and in the rain with narra leaves in my hair. You'd be a good teacher!”

But we have lost so much… that wilderness, the halcyon stretches and patches of Eden can never be quilted back into place, where our young may learn.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...