Skip to main content

Ensaya

"We honor life when we work. The type of work is not important: the fact of work is.” -- Matthew Fox

PAULIT-ULIT lang na iaangat, isusudsod ang asarol para mabuhaghag ang lupa, tumagos ang hangin sa paligid ng pananim… hanggang maging tangkay na kawayan ang kambal na bisig, maging sudsod na asero ang mga kamay.

Ilang taon din na totoka, tututok sa pangangasiwa sa pataniman ng malunggay… sa gitna ng isang pulo na nasa kanlurang bahagi ng Mindoro… walang sasakyan, walang kuryente, walang laptop, walang Facebook pero malinaw ang talagang pakay doon—missionary outpost, agricultural extension work, on-site research and development, permaculture, agro-forestry…

Kung ano ang taglay sa laman at nalalaman, ‘yun ang isasalang sa naturang lunan… Homo doctvs is se semper divitias habet… bubukal ang yaman mula taglay na kaalaman.

Nakasaboy na tila kawan-kawang alitaptap ang mga tala’t buntala sa gabi… at samut-saring himig ng kung anu-anong kulisap ang inihahasik sa hanging naglalaro sa paligid … makakaulayaw, makakausap marahil ang genius loci o patnubay na anghel ng lunan.

Tulad sa pagsusulat, may mapanuksong haraya ang paglulupa—natutupad ang malalim na katuturan, h’wag nang kumatsang kung hindi bibihisan nang maringal at marangal ang katahimikan.

Walang puwang ang pangungulila kapag subsob sa gawain… lalo na kung marami ang makikinabang sa ibubunga ng sikap… the project is going to make a lot of difference in the lives of small people in the island… walang pamumulitika, pulos lapat-kamay na pagtupad sa mapagkupkop na agrikultura.

Biglang pihit ‘to sa kabuhayan bilang peryodista… babalikan kasi ang unang minahal-- paglulupa’t paghahalaman na nakabigkis sa masinsinang hasa ng kakayahan sa sining-tanggulan… gano’n ang ginawa nina Miyamoto Musashi, Hariya Sekiun at Chojun Miyagi— nakarating sa sukdulan ang kakayahan sa kani-kaniyang sining nang lubusang sumalang sa paglulupa.

Hindi ‘to pagsunod sa daan na kanilang tinunton… hindi rin pagsunod sa kanilang naiwang bakas ng mga hakbang sa paglalakbay… ‘yung kanilang pinakay na marating ang nais na marating.

Ikinubli nila ang masining na karahasan sa mga mahinahong kilos at kislot sa pagsisinop ng taniman at pananim… nasisinop sa paglinang at pagyayaman ang lupa, unti-unting sasalin ang kalinangan at kayamanan sa naglilinang.

The easy ground-tilling motion with a mattock is a straightforward crippling move I have drilled my children decades back… destruction sublimated through cultivation… babalik-balikan lang muli ang isinalin sa mga supling, uulit-ulitin na walang pasubali… pagyayaman sa lupa at sariling katawang lupa, a nurturing of the soul through turning of the soil.

Ang ensayo, magiging ensaya… ang saya!

Awesome career shift in the works… nakatugma sa matagal nang ninanasa— munting dampa sa pamumukadkad ng limang ektaryang lupa.

Napakagaan ng gagawin, halimbawa’y paulit-ulit na iaangat, isusudsod ang asarol para mabuhaghag ang lupa, humaplos ang hangin sa ugat ng pananim… hanggang maging tangkay na kawayan ang kambal na bisig, maging sudsod na asero ang mga kamay.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...