Skip to main content

PINDOT

TATAKBO sa panguluhan ng Pambansang Samahang Pindot— National Press Club— si Amor Virata, negosyante’t naging isa noon sa mga pinangasiwaan kong peryodista.

“Suportahan mo ba ‘ko?” untag niya.

“Tagal mo namang nag-isip,” idinagdag nang kung ilang sandali rin akong tumitig lang sa kanya, inaarok ang kanyang pasya.

Tanggapin natin na pulos sa tabloid na lang ang kasapian ng PSP—mas maganda tunog nito, mapaglalaruan, puwede maging kahulugan, “para sa pigsa”. Itinakwil na ng mga nasa broadsheet (babaeng may kumot) at magazine (sisidlan ng punglo, isinasalpak sa pistola o riple)… meron mang natiyanak mula radyo’t telebisyon, garapalang tabloid din ang diskarte nila sa peryodismo… gano’n ang bungad sa paliwanag.

Ondoy sa Marso kapag nakatikim ng sahod ang nasa tabloid… ganito ang katotohanang umiiral na kailangang sikmurain.

Matinding sakit sa ulo’t bulsa na masuba sa bayaran… mabukulan… kaya kahit hindi santo o demonyo, kailangang gumawa ng milagro’t pampatalino katumbas ng mahilab na sahod… na kailangang isulit sa ating pamilya-milya.

Matagal nang kung sinu-sino na lang ang umaako sa pagbabayad ng aking taunang butaw—P1,200-- bilang kasapi ng PSP… kung sinu-sino lang din ang umaako sa pagbabayad ng nilaklak o nilapang… na hindi naman naging pribilehiyo ng sinumang kasapi.

Kahit sino naman ang mahalal para maihanay sa pamunuan ng PSP, tiyak na magiging abala’t sasabak sa mga takdang gawain… tiyak na tatambay sa tanggapan, kasama sa pagbuo ng position papers, pagbuno ng official correspondence… mahihirang na magpanayam o magturo ng mga araling peryodismo sa kung anu-anong kalipunan sa kung saan-saang lupalop ng bansa…

Kaya siguro kung sinu-sino ang aako ng mga bayarin sa PSP para manatili ako sa kasapian.

Pero mas malupit ang pangangalaga noon ng mga kawani ng naging isang concessionaireMakati Skyline na naging tambayan din noon sa tuktok ng gusaling Citibank sa Salcedo Village… ipinaghahanda na ko ng matutulugan sa Bulwagang Plaridel, lalasingin pa ‘ko sa hinebra, Gordon’s… para ‘kong hari.

Dalawa nga pala ang multo sa aming gusali—nakatoka ang isa sa silid-pulungan, nasa silid ng pangulo ang isa pa. Kapwa takot sa ‘kin, ewan ko… minsang nakatulog sa silid-pulungan si Yoyoy Alano ng Banat (sumalangit nawa ang kaluluwa ng naturang tabloid na para matigil lang, ibinenta sa nakaluklok sa Malacañang, pinatay), sinakyan siya sa dibdib… hindi makahinga… tinantanan siya nang mapasukan ko.

‘Langyang mga multo ‘yan, taga-press din. Dumadagan.

Kapwa kami tumindig, sabay lumakad patungong silangan… mahinahong hinapit sa baywang ang tatakbong kandidato… pinisil-pisil (press, press, that ought to remind her).

“Oy, pulos bilbil na ‘to,” tudyo ko, “hindi ka na seksi.”

“Hindi bilbil ‘yan. Malaman lang. Kasi mola ako!”

Kung mola, talagang umaatikabong harurot at barurot ang napipinto sa nalalapit na halalan sa PSP.

Sino kaya ang mas masarap sakyan?

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal