Skip to main content

Singaw sa ibaba

LUMUTANG sa inuman na walo ang kanyang puwesto sa palengke-- nagtitinda ng mga kasangkapan sa bahay. Tumatakbo siyang punong barangay.

Tiyak na daw ang panalo: 200 ang kukuning bantay sa bilangan, 200 bantay sa presinto, at 50 tagaluto ng pagkain para sa mga dadagsa sa kanyang bahay.

Tinuos ang gastos—tig-P200 daw bawat bantay na papatak sa P80,000.

Hahakot daw ng kahit tatlong boto ang bawat bantay, 400 x 3 kaya kokopo ng 1,200 ulo sa barangay na may 2,000 botante… idagdag pa sa bilangan ang makukuhang 150 ng mga tagaluto.

Kailangan lang na pasayahin ang 10 araw na kampanya-- bumaha sa taltalan, pulutan at hinebra, sabaw at sarsa, banda at parada…

Napasabak ng tagay doon, nasasaan… nabiling, nahimasmasan… at ipinasyang huwag na lang makigulo pa sa singaw ng halalan ngayong Oktubre 25 kahit sa sariling barangay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Naging kapingkian ng bisig ang yumaong Ernesto Ortega—nag-aral ng iaido o iglap na igkas-tarak ng patalim, sumikat sa pelikula—na matagal ding naglingkod na punong barangay sa ilang tumpok ng mga sambahayan sa Tondo sa Maynila.

Sabihin mang balwarte ng mga isang-kahig-isang-tuka ang saklaw ng katoto, hindi niya naging sakit ng ulo ang mga ilegal na pasugalan, bakbakan ng mga gang, nakawan o bentahan ng droga… na aakalaing pinakamatingkad o madalas sumulpot na mga problema sa ganoong lugar.



Halos dinding ang pagitan ng mga kabahayan, magsasalin-salin, naghihiraman lang pati hininga’t amoy, alimuom ng ingay bawat tagaroon…

Tsismis at kaliwaan, kaliwaan at tsismis… gano’n lang lagi ang idudulog na problema sa katoto— walang pinipiling oras na ikakatok, idudulog ang ganoong sigalot sa kanya…

Kaya yata patok sa buong sambayanan na nakatutok sa mga palabas sa TV o sulatin sa babasahin ang ukol sa tsismis at kaliwaan, kaliwaan at tsismis.

Wala nang mas mataas pang antas ng usapin na lulutang o mauungkat. Hanggang doon lang ang abot ng pananaw.

Katapatan sa isa’t isa para sa magsiyota’t mag-asawa, ‘yon na ang pinakamahalaga.

Katapatan at respeto sa sariling pagkatao ang nakalimutan ng mga nakatulos ang tanaw at tingin sa mga kalapit… sisiraan, gagawan ng tsismis.

Gano’n ang kalakaran do’n. Kumpirmado sa ilan na ring kakilala na naninirahan o nanunuluyan sa mga katulad na lugar.

Ilan bang lugar ang may ganitong kalakaran sa may 42,000 barangay sa Pilipinas?

Sabi nga’y tal pueblo, tal gobierno—kung ano ang tao, gano’n ang gobyerno… parehong talo.

Lilitaw na sadsad sa bansa ang anumang ipinangaral ng Manunubos at ng kanyang mga kampong pastor, pari at mga kauri…

Lilitaw: hindi pulitiko ang kailangan para lunasan ang pinakalaganap na kapansanan ng sambayanan.

Bakit kaya walang kandidatong Padre Damaso, Padre Salvi, Pastor Rotot o Pastor Nilyo sa halalang pambarangay?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...