Skip to main content

Lifeline

MATAPOS ang magdamagang putukan, maiiwan sa kama ang hubo’t hubad na katawan ng kalaro sa apoy—tila tupok na tumpok ng tuyot na laman at kalansay…

Gano’n sa sinubaybayang nobela sa komiks nitong dekada 1960, “Ambrose Dugal” ang pamagat… obrang Al Cabral yata… isinumpa ng ginahasa niya na lakambining babaylan… Adonis na naging taong linta o limatik na sisipsip, sasaid sa mismong élan vital or vital force ng bawat dilag na makasiping.

An’daming sinalanta sa kama…tayan.

Gano’n din pero walang pinipili ang mga salot na pulititiko—bata, matanda, kahit anuman ang kasarian… hinuhuthot ang kabuhayan. Mas matindi siguro ang hilakbot sa isipan ng mambabasa kung pinalabas na lingkod-bayan, pinuno ng government-owned and controlled corporation, customs or tax examiner si Ambrose Dugal… the horrors, the horrors hounding our lives

Teka… ganoon din ang ginawa ng mga alalay ni Haring David (isa sa mga ninuno ng Manunubos) nang uugod-ugod na hukluban na ito… itinabi sa pagtulog niya ang birheng dilag na si Abishag… upang madugtungan ang buhay at lakas ng lupaypay na ari, oops, hari.

From ‘Ritual and Magic’ published in 1997: “The same technique was used in classical Greece and Rome, seemingly with considerable success. Latin historians record... the remarkable case of a certain L. Claudius Hermippus (who at) the age of 70, began to feel a waning of his physical and mental powers.

“He immediately began to sleep with young virgins… his tombstone recorded that he lived to the age of 115, owing to ‘the emanations of young maidens, causing great wonder to all physicians’.”

Matinding pampabata marahil ang kakaibang singaw o alimuom mula bubot na baba, eh… kaya hanggang ika-18 siglo, ginagawa rin ng mga may pambayad ang ganoong paraan para lumawig, sumigla ang buhay…

Kinukutuban na tuloy sa mga alaga naming pusa…

Nagsilang nga ang kilabot na Toyang ng tatlong kuting nitong bisperas ng Todos los Santos—pusikit na karimlan sina Sheng Li (Tagumpay) at Jianyu (Espada at Lawa), busilak na bulak si Tung Wang (Emperador)… nagsalin sila ng lintik na sigla at likot sa kabahayan.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakagawian na ng mga lekat na tumabi sa ‘kin sa pagtulog… maaalimpungatan na 2-3 ang nakabalumbong bola ng puti o itim na balahibo sa aking sikmura, sa mismong dan tien or haraki, that’s storage area for the élan vital… ah, I’d sure agree with Da Vinci anytime that a cat is a masterpiece… then again, there’s law in claw or lex talionis… cat in catch… and there’s feline in lifeline.

And I’ve run into old texts describing how Egyptian wonder-workers used felines in lieu of crystals to store energies or effect healing.

Siyameow—siyam na siopaw daw ang buhay ng mga lekat…

And I’m likely infected with a fancy for fish, say, tilapia guanio… garoupa mae quinto… salmons pubis…

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...