Skip to main content

Ibalik si Ondoy!


UNDAY ni Ondoy ang kailangan para patunayan kung kaya ng mass housing design ang tindi ng baha.

Hindi lang sa bayo ng bagyo-- pakay ng patimpalak na inilunsad kamakailan ng administrasyong Herbert Bautista sa Quezon City na magtindig ng murang pabahay na ligtas sa todong Ondoy at lindol, pati yata impiyernong alinsangan, buhawi’t iba pang lupit ng kalikasan.

Hindi malupit si Ondoy… todo-buhos nga sa tubig tabang na dapat sanang sumalin sa mga imbakan sa dibdib ng lupa—underground aquifers whose reserves gathered for about a decade is used up in just a day by any mall… and we keep on building malls.

Sa halip na tubig-ulan ang sumasalin sa mga naturang imbakan, katas-Malabanan… kinupkop kasi ng mga sambahayan ang baho at baha.

Binihisan, tinapalan, tinakpan ang buyangyang na dibdib ng lupa—hindi naman masagwa kahit damsak sa putik, tila utong ng ina na tigmak sa gatas.

Kahit saganang tubig-tabang ang ibiyaya ng alinmang Ondoy, nasasayang lang… tatapon lang sa mga kanal at imburnal, mawawaldas tungong dagat. Freshwater resources constitute a scant one percent—most are stored as glaciers-- of all available water worldwide…

Nakakumot sa kongkreto ang buong bakuran ng biyenan— abot sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ang buhos-Ondoy… bihis na bihis din ng semento ang buong paligid sa kanilang kabahayan… liyab ng pugon ang alimuom at singaw ng kongkreto sa tag-araw… walang uhaw na labi ng lupa na sisimsim sa saganang biyaya ng langit… baha sa lugar nila.

Hating kapatid— dalawang bahagi ang lupang laan sa halamanan; tatlo para sa bahay. With such 60-40 land sharing scheme, ni hindi nadamsak sa putik ang halamanan… nahigop ang bumuhos, hindi nga sa kanal at imburnal nakasahod ang media agua sa aming bahay… sa mismong bakuran lang.

Kailangan kasing tustusan ng ulan, hininga ng araw, tala’t mga buntala ang tinatawag na mycelial network sa dibdib ng lupa… para maisalin naman nito ang healing powers and dragon currents sa naninirahan sa loob ng bakuran… para hindi sakitin o lapitin ng salot at sakuna…

Siyempre, may mga lunan na natural rainwater catchment basins as there are sites below sea level… hindi talaga ubrang tindigan ng pabahay… paanyaya lang sa disgrasya’t trahedya.

Paalala lang po sa mga lalahok sa patimpalak ng lungsod na sinilangan ko… higit na mahalagang susi ng matinong disenyo ang titindigan kaysa ititindig…

Man-made structures including man have to make a stand upon that which one stands… may hininga rin ang lupa, buhay ang lupa.

Alalahanin na hindi malupit si Ondoy… sagana ang ibinuhos niyang biyaya.

Pero nauwi lang sa wala.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...