Skip to main content

Wish kulang

SINUBOK sa lansangan kung may mahahagilap na matindi ang emotional quotient, E.Q., the human capacity to walk a mile or more in another’s forbidding path… Kaya ba ng Pinoy ang ganitong pagsubok?

Kakaiba sa isang tampok na bahagi ng pantanghaling palabas, huhugot ng isang pangalan ng naninirahan sa sinadyang maralitang kabahayan… tatambakan ng pagkain, kagamitan at pakimkim na ilang libong piso ang mapalad na tagaroon.

Kakaiba sa alinmang ‘kikigayang palabas na bubungkal ng makabulwak-uhog o makabuhos-luhang saysay sa buhay ng kalahok sa paligsahan… para yata makapagladlad ng human drama in an inhuman television show… that segues to a loud celebration of human incompetence, the absurd, banal and trivial to elicit laughs… to numb and dumb audiences.

Pumapalakpak na ‘ko nang ilahad ni Elizabeth Oropesa ang pakay ng pagsubok… to seek out a rare bird among gulls, geese, and gargoyles out in the streets…

“Love your neighbor as you would love yourself” is the second of God’s two greatest commandments and Christ Himself explained what a “neighbor” is… and pointed to the so-called Good Samaritan.


Palihug… pakidala sa anak ng inang bilanggo ang regalo niyang manyika.

Gano’n lang. Bahala kang tuntunin kung saang lupalop naninirahan ang anak para dalhin ang regalo. Dare the daring to walk a mile in a path he hasn’t taken… so out of the box. Parang paghahanap ng karayom sa bunton ng dayami, paghahalungkat ng kamatis na napisa sa talaksan ng atis.

Many were cold but most were frozen… many were called but one chose to do—sans silly qualm or shilly-shallying-- two-bit honor to such a request. He who chose to becomes Chosen.

Gano’n sana ang mga paligsahan… talagang magduduldol ng liyab ng panggatong sa ulirat, magtatarak ng karayom sa gulugod.

‘Tindi ng hamon niyong pagsubok. Hindi na susukatin sa mga tanong ang antas ng E.Q., hindi uungkatin kung anu-ano ang mga pinag-aralan, kakayahan at kahusayan…

Maaari bang umamot ng katiting na panahon, lisanin ng ilang saglit ang nakagawian para matupad ang munting hiling ng isang nangangailangan? Lumagay ka kahit konti sa kalagayan ko…

Gano’n lang.

Gano’n lang?

An’dami ngang sablay. Umayaw. Nag-atubili. Mintis. Hindi kaya. O ayaw kayahin. Umiwas. Dinaan sa pagdadahilan ang pagwaksi sa kapirasong responsibilidad… no test of physical endurance, no gauge of intellectual savvy.

After all that’s said, said, said and done… nothing was done
, puro daldal lang. Kaya hindi basta gano’n lang ‘yon.

Nakahinga nang maluwag… sa napakahabang prusisyon ng mga umaayaw, nangingimi, tamilmil o tinatamad, may isang umako para matupad ang pakiusap…

Celebration and jubilation!

Many were called. The turnout was downright cold and callused. But we have a winner who heeded the call and did what was humanly called for.

Tapos na ang palabas, pero nakatuntong pa sa ulap ang ulirat para sa “Wish Ko Lang” ng QTV-11

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...