Skip to main content

Listening to dinner

A northern tribe who chop off foes’ heads as war trophies listen to their food, I was told. Sure sounds edible-- would a pinch of fish flesh howl in pain or sing a paean?

They’re not likely referring to the snap, crackle and pop off crunchy slivers of raw radish, seaweed or cucumbers lazed in vinaigrette of black pepper, sugar, olive oil and salt. Every item of viand ought to tell something more than a “moo” off a beef morsel.

Unlikely an early warning that copious intake of nitrates in cured meats—tocino, longaniza, corned beef and what have you-- may reach critical mass and just go off like a time bomb wrecking the insides of a gourmand.

Certainly not a list of the food item’s biochemical makeup, no fastfood staple spiked with industrial-strength ingredients would bother to inflict pangs of panic on a prospective victim of obesity-related mortality.

So what did those headhunters had in mind when they sat down for repasts, hushed hunger and asked their kids to lend a heedful ear to what’s before them?

We could be wrong but hazard a guess we ought to.

Bringing food to the table isn’t a picnic for mountain dwellers. Raising food crops and livestock on an unwieldy terrain isn’t equal to barking an order of stir-fried beef noodles or chow mein kampf to a waitress, plunking down one’s hinnies on a seat and chattering away with one’s company awaiting for food to be dished out pronto.

So we’re estranged from the ordeal of a process in turning up sustenance… we’ve turned into feeders feeding off slops of products thrown onto troughs. Life is so easier.

Nabanggit sa kapwa dalubhasa sa pagsisinop-lupa na nakasumpong kaming mag-asawa ng taniman ng watercress or xi yang cai kalapit sa bukal, nasa gilid ng bundok may dalawang kilometro ang layo sa aming tinutuluyan… sagsag doon ang katutubong dalubhasa.

Kabilang sa nilantakan sa gabing iyon ang nakabunton sa pinggan na
xi yang cai, mayumi ang anghang-tamis… may lagaslas ng batis, linamnam at lutong ng utong… may bahid ng apat na kilometrong paroo’t paritong pagbaybay sa kasukalan… ganoon ang naulinig sa hapunan.

Iba naman ang narinig na ngitngit sa matandang nagsisinop ng ektaryang palayan na kanugnog ng isang
subdivision sa Camarin… walang 70 sako ng palay ang inaani sa lawak na ‘yon na paminsan-minsang dinadagsa ng mga musmos mula subdivision…

Wala raw pakundangan ang mga bata kung sagasaan at dapurakin ang mga uhay-palay… nalalagas ang mga butil… ni santasang kanin daw, hindi kayang mapalago ng mga magulang ng mga musmos na ‘yon.

Sino’ng magtitiyagang makinig, maniniwala sa kanya
?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...