Skip to main content

Christmas quarrels


MANGAHAS umalulong ng ilang kanta… ‘yung tinatawag na Christmas quarrels para pumitas ng P10,000 mula Pambansang Samahang Pindot (PSP) o National Press Club.

Pampaligsahan dapat ang ibusina… taimtim na Gregorian chant sa panimula… Dona nobis pacem… litanya muna na may kasabay na mahina pero unti-unting lumalakas na sagitsit-taginting ng Angels we have heard on high

Sa bahaging gorilla, oops, gloria in excelsis Deo, buhos na unos ng Joy to the world, the lewd has come, let earth receive their King… na may kasaliw-tuhog na lambing-lamyos ng Greensleeves…

Sa panapos, ubo’t ubos sa Hallelujah chorus mula “Messiah” ni George Frederick Handel…

Tuhog na tuhog ang uhog ng kuwento sa konsepto… nagsusumamong hiling ng kapayapaan sa sanlibutan… may mauulinig na balita mula kaitaasan ukol sa iluluwal na sanggol na maghahasik ng mga binhi niyon… tatambad nga ang hirang na mag-ina sa Joy to the World at Greensleeves… at sa huli’y maghahari magpakailanman ang kapayapaan…

Mungkahi lang naman ang inihanay na mga awit batay sa nawawaglit—o nalimutan yata—na diwa ng Pasko.

Udyok ang mungkahing bungkos ng awit sa mga kapatid sa hanapbuhay—and we don’t expect them to turn overnight into a Vienna Sausage Boys Choir-- na nais lumahok sa paligsahan ng PSP (hindi ‘to dinaglat na Pigil sa Pigi o Panday sa Pu…).

Pito kasi ang ubrang manalo’t kabilang naman ako sa sabik nang makarinig ng matinong Christmas quarrels… na hindi yata uso dahil nagkasundo sa 18-araw na tigil-putukan simula sa yugto ng simbang gabi at quarreling, Disyembre 16.

Kahit may tigil-putukan, walang humpay ang putakan. Pulos putak ng tandang gunggong ang mauulinig maghapon at magdamag dito sa isang lupalop sa San Jose del Monte… sintomas ‘yun ng acidosis, nakabukaka lagi ang bunganga, ilang buwan pa’t tigok ‘yon, wala kasing perang pangkonsulta kahit sa albularyo’t hilot.

Apat hanggang 10-kataong pangkat ang makakasali sa paligsahan—na hindi lalabis sa walong minuto ang performance.

Ipagbawal man ng DSWD ang quarreling, talagang talamak na ‘to para umamot ng konting panggasta o pantawid-gutom… kahit sa gitna ng EDSA, tiyak na may isa o dalawang gusgusin na kokokak, kakalampag ng konting barya sa sasakyang nakahinto.

‘Yang pagkanta’y katumbas ng dalawang ulit na pagdarasal. Talagang hinuhugot sa bukal o bukang puso’t puson ang ipupulandit na awit.

Tatlong ulit na dalangin naman daw ang katumbas ng taimtim na pananahimik… hinuhugot kasi sa budhi at katinuan ng isip ang pananahimik—exempted naman dito ‘yung walang katinuan, walang isip at walang budhi.

Sa paligsahan ng PSP, kabilang ako sa tahimik na ‘kikinig lang, ‘kikibahagi sa pagdiriwang sa diwa ng pagsilang ng Manunubos, pagpaslang sa mga manunuba.

Good luck sa mga lalahok na katoto’t kasangga at hayaan ninyong batiin ko kayo ng Happy Valentine

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...