Skip to main content

Sick education


SA kabuuan ng lunan, hindi matatastas mula Intramuros—panloob na mga pader—ang Puerta Real… hindi basta makakaltas ang sampirasong suriso, kahit ito lang ang ginusto, sa buong bulugang baboy.

Eh batugan ‘yung baboy kaya ang binubulog ang kumakayod para may ikabuhay sila… lalo na ang pasusuhing anak. At madalas na hindi sapat ang kita sa paninilbihan sa madalas kong puntahan para lumaklak at mamulutan… malasadong inihaw na tahong o hilaw na sariwang talaba.

Natutudyo: “Bakit ba mga korteng ‘kuwan’ ang paborito mo, sir?”

Iglap na mapaklang pakli: “Pampatigas.”

Saka ibebelat na paulalol ang dila—sa totoo’y ito ang mudra o pang-antig sa aliw at saya ng bathalumang Kali na nagkukuwintas ng 52 bungong sumasagisag sa mga titik ng wikang Sanskrit… pintakasi rin ng kamatayan, kali-arnis at kalaripayat na isa sa mga ninuno ng iba’t ibang sining-tanggulan. At idadagdag, “’Ta’mo nga, naninigas na’ng dila ko, mwa-ha-ha-ha-hyena!”

Uh, 2006 findings somehow point to a theory that women’s preference for funny men “could be rooted in evolution, because wit demonstrates creativity and intelligence, and therefore a good set of genes.”

Too, “a sunnier disposition can lengthen your life, regardless of age, weight or smoking habits… positive emotions can help you see life’s bigger picture.”

Say, marriage is a wonderful institution… did she commit herself to that institution as the desperate commits mistakes, suicide or adultery? Uh, wedlock is quite a complicated stranglehold to get into, one can’t just tap out in surrender to signal the referee that you’re within an inch of getting choked to death and the fight’s done with.


Anupa’t lubusang napalapit siya sa aking puson… mapapasok, masasaliksik ang Intramuros o mga panloob na pader mula lagusang Puerta Real.

Pasintabi na lang pero hindi laging pino ang pamimili or fine selection… ikakatwiran niyang hindi pamimilit nang ibigay niya ang katawan sa mamimili (mabilis ang bigkas nito, and it translates as ‘buyer’), siya na ang pumili ng mamimili. It’s her own body; she asserts her own choices on what to do with it, other than childbearing for a pig.

Pasintabi na lang uli batay sa nahalungkat na aral sa karanasan… mas masaya yata kung isama sa aralin ng mga bata ang livestock raising o paghahayupan. Aba’y maiuugnay ang sex education sa pag-aalaga’t pagpaparami ng baboy, baka, manok, kambing, gansa, itik, tilapia, pla-pla, tupa’t iba pang kakataying hayup… kasi nga, kasama ang iba’t ibang alagaing hayup nang iatas ni Yahweh, “Humayo kayo’t magpakarami.”

Livestock raising, I’d say, is as relevant to basic food security—around 12 million Filipinos are food deficient, can’t afford to get nearer to the food threshold—and appreciation for the finer points of sexual responsibility, good breeding, nurturing values, and what it takes to prepare for and attain better quality of life for, yeah, God bless the beasts and the children.

Pansinin ang halimbawa ng Maykapal, gumawa muna ng pagsisinop sa agro-forestry, mariculture and fishery, land/water resources management, and wild livestock raising… inuna muna ang kabuhayan. Ganoon muna ang ginawa bago gumawa ng tao, mwa-ha-ha-haw!

Sorry, I’m no pulpit bull out to chomp off the faithful’s ears, pero ganoon sana ang ibinubusina sa mga pulpito.

(The plant accompanying this is a Lycopodium cernuum, known in Tagalog as "lamon-babae.")

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...