Skip to main content

Asoge


NAGMULA pa sa Paracale, Camarines Norte ang bumili ng ilang pirasong kagamitan para sa kanyang mga tauhan—hindi aakalain na paldong pera ang dala niya sa lukbutan, pulos kaliwaan ang bilihan ng pambomba ng hangin at ilang kilometrong haba ng tubo na dadaluyan ng hangin na pantustos-hininga ng ilang minero na nagdudukal ng mga tipak ng bato’t lupa… na paghahanguan ng madadalisay na ginto.

Asoge pa rin daw ang gamit nila para kumapit ang hilaw na metal… apoy mula suplete ang pandalisay… kumikinang na mumunting tipak ng abo ang hihiwalay, iiwan ng matinding init ng liyab… at sasalin naman sa hangin ang asoge.

Paulit-ulit na sasalin sa hangin ang hindi matuos na bulto ng asoge sa bawat pagdadalisay ng ginto.

Malalanghap, sasalin sa baga, puso’t aagos sa dugo’t lalagak hanggang sa utak… unti-unting mamiminsala. Sinaunang kasabihan: “Kangino ba pakikita ang ginto kundi sa sintu-sinto?”

Paulit-ulit na magsasalya ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang nakausap na namumuhunan sa minahan sa loob ng bakuran.

Ayon nga sa mga ulat, small scale mining accounts for 80% of gold extraction in the Philippines.

Hindi pa naman siguro namimigat sa asoge ang papawirin sa Paracale, Sibuyan sa Romblon o kahit sa Diwalwal… wala pa marahil kritikal na antas upang sumulpot ang mga kakatwang sakit mula asoge, halimbawa’y mga dispalinghadong mukha, kahila-hilakbot na kakulangan sa mga bahagi ng katawan ng mga isinisilang na sanggol o mga pinsala sa utak at dugo… ganoon ang hatid na panganib ng asoge.

Siguro’y ito ang nakaugnay na pagsablay ng mga pagsisiwalat, pakikipagtalastasan at mga paglalakbay tuwing tila paurong o pabagsak ang manlalakbay na asoge— planet is a Greek word for ‘wanderer’—sa kaitaasan… Mercury goes on retrograde or falling motion 3-4 times yearly.

Nais mapatunayan ang sinasabi noon na kapag ipinahid daw ang asoge sa talampakan ng patay, babangon ito’t manghahabol ng tao. Para mapatunayan kung totoo nga ang ganoon, sinubukan sa isang lamayan… sabi nga, sapiens nihil affirmat quod non probat pero walang nangyaring makahagalpak-sikmurang halakhakan, himala o habulan… sa mga napanood na lumang pelikula nina Dolphy, Panchito at Chiquito nangyayari ang kalmot-kiliti ng asoge sa talampakan ng bangkay... sa pelikula lang.

Samantala, nakaamba ang Minamata disease at iba pang kahila-hilakbot na sakit mula asoge… pero malaking kabuhayan ang ginto.

Pulos digital thermometers and blood pressure monitors ang ginamit sa ‘kin nang ako’y maospital… ah, a 2008 Department of Health directive calls for the phase out of mercury-containing devices by September 2010…

Nakatanggap kamakailan ng ulat… Omron Healthcare Group, represented here by Collins International Trading Corporation, “was the first to introduce manual and digital blood pressure monitors into the healthcare market and offers innovative products and medical devices for use in sites ranging from hospitals to the home…”

Pero mas matindi pa rin ang halina ng ginto.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...