Skip to main content

Amore... mangare, dormire


MATINDING sakit daw ‘yang pagreretiro… retreat o pagsuko ang katuturan nito. Kaya yata kalapit ng Retiro ang La Loma… at Manila North Cemetery.

Hindi na nagsusulong ng pension fund payments ang mga hinayupak… kaya pala kahit pumalo kayo sa edad-65, ‘yung karampot na pension… maghihintay pala kayong datnan ng ika-30 ng Pebrero.

‘Yung kainuman nating Ricardo Trinidad, dating estudyante ni Sifu Shakespeare Chan sa bengkiam kung fu, retirado rin… bumalik sa pagsusulat… nakakapanlumo kasi ang halaga ng tinatanggap na pension, hindi kayang isagupa sa umaarangkadang presyo ng bilihin.

Nakatanggap din ang abuelo ko ng katumbas ng P2 milyon na retirement pay noon… mabilis na nahulog ang katawan nang hindi na abala sa gawa… how true, work is one of the necessities to be content, hearty and healthy… most of his money defrayed for costs of hospitalization and medication… pati pagpapalibing. The lump sum was a send-off.

It pays to make money, small sums will do… make love, twice or thrice a week for those in their 60’s to keep the systems inundated with oxytocin plus a mélange of happy hormones to shoo away assaults of crankiness and idiocy
… nagiging gunggong ang hindi na kayang magdilig at madiligan… and make sense, ah, that’s what we’re here for. Am I being sensible?

‘Yung anak na sumablay sa pag-aaral noong tuloy-tuloy lang ang kita, ‘ala na tayong magagawa kung hindi nagpahalaga sa itinustos sa kanila… meron namang nairaos na makapagtapos, ‘di ba? Mission accomplished.

Lipas sa katanghalian ang ating edad, but we go not gently into the night. May init pa, merong liyab ng libog sa puson at balintataw… ubra pang isingkaw na tila kalabaw—‘to lang daw ang tumatanda-- sa kahit anong kayod, kahit inut-inot kikita nang kaunti… ang talagang kaba ng mga mapapasukan, bihasa’t dalubhasa tayo sa ating dinaanang gawain… kailangang matumbasan ng mas magandang suweldo ang ganoong kakayahan at karanasan. Now, that’s validation—kahit karampot pa rin ang aasahang sahod, stipend or consultancy fee.

Aah, amore… “All things work for good to them who love God.” Or as the prophet Jeremiah would have it written of God’s promise (truly duly kept so unlike a politician’s), “Doom for the man… who makes his fellow man work for nothing without paying him his wages.”

Ah, binibigkis tayo ng mga trahedya… isa na naman sa ating hanay ang pinatay nitong Hunyo 15, para ba namang napakadaling itumba kapag peryodismo ang kabuhayan…


Terrible grammar: In sentences, we use the passive voice a lot more, averse to a more active mode…

‘Tis about a death sentence.

What was it in the Scriptures that we don’t subscribe to? “To everything there is a season, and a time to every purpose under the heaven… A time to kill and a time to heal…”

Gone is a season of pig me and pygmy, now is a season of P-Noy…

Uh, who’s preachin’ or bitchin’ about healing?

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...