Skip to main content

Posts

Plants and planets

SIFT out politics, shift to serene gardening for those readings of signs in the heavens—so we set out to do just that. Two days before a new moon-- perfect time for sowing seeds. The moon grows in size, so does the lunar tug on bodies of water. That includes a pull on water content of seeds and the gray matter, nearly 75% water as a child’s body is. Call it lunacy, maybe a subtle passage of inner tides that touch off monthly flow in women, a bit of fattening in crabs, attempts at moonlighting to augment lousy take-home pay or Malacañang minions turning jumpy and jittery. Why, the gag order of sorts on media including the invocation for a state of national emergency was plied when there wasn’t any wee whit of a moon above—actions that could be touched off by PMS, or post menopausal syndrome. Call it whatever but a waxing moon sure effects a subtle pull on anything that packs water, including spittle to expend on policy pronouncements and bladder. From gray matter to groin matters. Or as...

Lagay ng panahon

KABILANG yata kami sa natutuwa sa ulat ukol sa nagbabantang sungit ng panahon— iyong ulan na may kasabwat na mga kulog at kidlat. Lalo na kapag tuloy lang ang banta. Inaasahang hahagupit ang buhos ng La Niña ngayong tag-araw. Tinatayang dalawang buwan ang singkad. Maulap. Maulan. Karaniwang sa mga dakong hilagang silangan ng kapuluan, mga bahaging nakaharap sa Pacific Ocean , nakalilim sa anino ng mga kawing na bundok Sierra Madre. Doon karaniwang nagsusungit ang panahon. “Masungit” ang nakagawiang taguri sa tila alkitrang dagim sa papawirin—na nauuwi sa bayo ng bagyo’t baha. Pero kailangan ng madalas na hilamos ng ulan at lamukos ng unos sa Sierra Madre. Para may makalap na tubig na itutustos na 90% ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila at patubig sa mahigit 5,000 ektarya ng gulayan at palayan sa ilang lalawigan ng Gitnang Luzon. Kabuhayan ang katumbas ng “masungit” na panahon. Magugunitang may ilang taon na dumanas ang Metro Manila ng tagtuyot at kakapusan sa tubig. Kulang sa t...

Kung salanta o nanlalata ang batuta...

PITO sa bawat 10 lalaki sa Asia ang madalas na mas malata pa sa kutsinta ang batuta— kahit nakatutok sa pinagmulang lungga, nanatiling salanta. Iniulat sa bansa na umaabot sa 300,000 ang reseta ng mga doktor bilang panlunas sa nanlalambot na singkapan ng kalalakihan. Ikinumpisal man ng karamihan sa kalalakihan ang lupaypay na lagay ng kanilang kasarian, matindi pa rin ang halihaw ng katanungan— kaya ba ng kanilang bulsa ang halaga ng Viagra (higit na kilala sa tawag na Sildenafil Citrate, ang asul na saklolo ng mga mahilig na lolo)? Pansinin na ang talagang kinasasabikang bahagi ng katawan ng lalaki sa dakong ibaba ng baywang -- ang bukol ng paldong bulsa. Humagulgol: 100 mg pildoras, P738. 50 mg=P578 (mas mahal pa kaysa samputok na pakikipagdaupang-ari sa mga mapupulot na pokpok sa Quezon Avenue, Cubao o Avenida.) Kapsulang 25 mg, lalantak ng P370 sa bulsa. Karaniwang sinusuri muna ng doctor ang kanilang pasyente bago lapatan ng angkop na bulto ng Viagra. Delikado kasing isabay ang Vi...

Suma-total, eh, ano ngayon?

N AKAGILIWAN din namin ang papugak-pugak na alagwa ng awit ng katotong Eleazar Somera Lopez sa kanyang palatuntunan sa 774 khz. Kung hindi daplis na tula, tiyak na sapol na tuya. Ganoon ang katangian ng mga patama ng Java— naibansag sa kanya ng isang kasama sa hanapbuhay at kabungguang bote. Walang nangahas bumuntot sa ganoong kasistehan sa panunuligsa’t paglalahad ng kuro-kuro. Ni hindi timplado sa lamig o nakatono ang boses na parang humahagod sa likuran o kumakalikot-nanunuot sa hinaharap na masarap. Parang nasunod ang tagubilin ni Bono ng U2 sa matinong awitin, “ All you need is three chords and the truth .” Walang mahugot na sinuman ang 774 khz para punuan ang naiwang guwang sa himpapawid ni Java. Naikumpisal sa kanya noon na kabilang ako sa isang pangkat ng mga pusakal na alaskador kontra rehimeng Marcos, ang Los Enemigos . Tahasang mga kaaway ang katuturan niyon. Mga yawah. Nakasungkit minsan ang pangkat ng gawad mula Catholic Citizen’s Mass Media Award— award-winning na mga p...

Peks man (People's Journal editorial 26 January 2006)

TO KEEP his ward focused for an all-out battle with the world’s fifth-ranked best pound-for-pound fighter, trainer Freddie Roach shooed away hangers-on, kibbitzers, fence-sitters, and fans from the Wild Card Gym in Los Angeles, California. Roach was stacking up fresh artillery and ammunition for Manny “Pacman” Pacquiao. Pacquiao had to be whipped in meanest fighting form— and pesky fans often swarm all over their idol. Roach had had enough of such lavish adoration for his top prize fighter. Say, none of those fans would take an ‘El Terrible’ punch for Pacquiao who can be generous with authographs and instant grins for photo sessions with an unending banana queue of fans. Tending to fans can take time, rob a fighter’s precious time that can be spent in earnest preparation for a slambang slug-out. Pacman delivered. It took 10 rounds to finish off a Mexican legend. The nasty job left Pacman’s fists swollen, his face a bit rearranged in some places, his torso somewhat banged up. He gets a ...

Celebrity debt match

IN his final radio broadcast, the late Eleazar S. Lopez cited that of the six trillion peso-debt grinding the nation’s back to shreds, two trillion were incurred from Manuel L. Quezon to Joseph E. Estrada’s tenure—and the Gloria Macapagal-Arroyo administration turned up a scrotal crusher P4 trillion. Such sum must have prompted a Malacañang minion to plead to a gathering of public relations experts, “save GMA!” Such sound bite could have been plied to breadwinners throughout the country as a request to save P200 bills. That’s where a GMA portrait is shown as she is sworn in. A kid holds a Bible on which GMA has placed her palm—that kid ought to have carried a stack of Bibles to get the rite done right. Recent reports have it that kid has turned rueful about her part in that ceremoney. Yeah, ceremoney. We really could use a lot of P200 bills. P200 lately amounts to two orders of beef mami and softdrink plus extra bowl of broth at R. Ma Mon Luk in Quiapo. Break no fast and suffer, a P20...

Clownselors of state

TATALAKAYIN daw sa binuong council of state —hayan tiyak na walang kokontra sa pagbaybay na hindi ginamitan ng Das Kapital letters para hindi masabing may kulay na pasaway – ang hilahod na kalagayan ng bansa. Pananaw ng mga nakaluklok sa Malakanyang at samut-saring kabig nito ang inaasahang lulutang sa naturang kapulungan. Sampisa lang o birds of a feather kasi sila. Iisa ang kulay, pagaspas at tabas ng pakpek, este, pekpak. Magkakatulad din ng paraan sa paglipad at salipadpad. Ni hindi nahirang na salimpusa ang, halimbawa lang, si Mang Pandoy na itinampok sa panahon ni Tabako. O ang mga batang nagpatianod ng mga bangkang papel na nakarating hanggang sa pampang ng Malakanyang. O kahit si Honest Tinay, Jojo Acuin, Madam Auring, Madam Bola, Enteng Kabisote pati si Darna’t Captain Barbell, Archbishop Oscar Cruz, Eli Soriano, Sex Bomb Dancers, Kitchie Nadal. Skip any Iron Chef or my huge crush Heny Sison but include that great gastronome Dr. Hannibal “The Cannibal” Lecter— he may cook a s...

Nagugulangan

MAAPOY daw ang taglay na life force (ito yata ang tinatawag na ki, chi o prana ) ng mga binhi ng halaman. Teka, karaniwang tawag sa binhi ay buto—sinubukan minsang magtanim ng mga buto ng baka. Katwiran nga’y buto rin naman ang tawag sa tadyang at mga kauring bahagi ng baka na mayaman sa collagen, calcium phosphate, at calcium carbonate . Ni walang umusbong na turet o guya mula sa kakatwang pagsubok. Walang sumulpot na bone-inlaid furniture . Hindi na nangahas na ulitin ang ganoong pagtatanim. Kasi’y kapag hindi na naitatanim ang buto, tiyak na may erectile dysfunction . Talagang hindi na inulit ang ganoong pagtatanim. Kahit pa may sawikaing hitik sa aral: “Kapag nagpunla ng hangin, utot ang aanihin.” Kahit pa may sinaunang kuwento ukol sa mga ngipin ng dragon—- u-tooth din yata-- na ibinaon sa lupa nina Cadmus at Jason. Kutob lang na baka ‘yung sa anga-anga o Draco rizali na naipangalan kay Dr. Jose Rizal na nakatukoy nito. Rizal’s dragon . Naipunla sa lupa. Umusbong mula sa lupa ang...

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal...

The number of the Beast, 666

LAMPAS alas dos ng madaling-araw. Isang panig ng lungsod Davao. May muulinig nang alingawngaw-tilaok ng mga tandang sa kalayuan. Nadagdag ang biglang bulabog-tunog ng telepono sa tinutuluyang silid ng mumurahing hotel. Napaigtad. Umilandang sa bintana ang namumuo nang mga damsak na panaginip. Soaking wet dreams gone dry instantly . Kawani sa hotel front desk ang tumawag. Panauhin ko raw. Kaibigan daw. Matalik daw na kaibigan-- dinig ko’y “katalik na maibigan.” Sa alanganing oras? Sobra namang masugid sa pagdalaw ang ganyang panauhin. Nakasalalak sa silangan ang buntalang Venus pero ni hindi pa nga sumisilip ang bukang liwayway—heto’t gusto na agad ibukaka ng lin—ano bang abala--tek na… Panauhin ko raw. ‘Kako’y papanhikin. Patuluyin na lang sa aking silid. Sinabing hubo-tabo ako kung matulog. Saka hilo pa’ng ulo ko sa tama ng toma. Tinatamad na magbihis pa, o magtapi ng kahit tuwalya’t bababa sa front desk para lang alamin kung sinuman iyong kaibigang matalik o maibigang katalik, what...

Komadrona

MARAMING marikit na ala-ala na bumabalik kay Alice de la Jente, 65, batikang komadrona. Tag-araw noon, latigo na humahagupit sa katawan ang init. Mabigat na ang pakiramdam ni Alice. Kahanay siya sa kapwa pasahero. Siksikan. Siksik pati bagahe’t dala-dalahan. Mahaba ang pila. Matagal umusad. Paakyat pa lang sila sa barko, palakbay-Maynila. Inip, inis, at init na init na siya. Nagulat siya nang may humawak sa kanyang kamay—lalaki, mga edad-40, masuyo ang paghawak. Ni hindi nakaiwas ang komadrona nang halikan siya nito sa pisngi. “Ninang,” anito na nakangiti, “ako si Banhao.” Banhao! Patay na nabuhay! Bangkay na Lazarus na napukaw, bumangon mula hukay sa panawagan ng buhay. Gumuhit ang gunita sa utak ni de la Jente—ito nga ba si Banhao? Ang sanggol na si Banhao na inagaw niya sa kalawit ng kamatayan? Noon pa ‘yon at napakarami nang sanggol na iniluwal niya. Mula sinapupunan ng kani-kanilang ina, sinapo niya. Dumaan sa kanyang mga kamay. Komadrona siya. Batikan. Malakas ang loob. Hind...

Singkamas

MAYAMAN pala sa tinatawag na phytochemicals o sangkap na panlaban sa samut-saring sakit ang singkamas—na sa alias nito sa Latin ay talagang kahindik-hindik na ang dating, Pachyrhizus erosus . Tunog erotikong suso sa dulo. Jicama ang pangalan nito sa pinagmulang lupalop. Mula pa Mexico, nakarating sa ating pampangin nitong kasagsagan ng kalakalang Manila-Acapulco. Jicama. Sumablay ang bigkas dahil kasintunog ng “higa kama.” Nabalbal. Naging singkamas sa ating wika. Pampigil sa salakay ng kanser, pampababa ng antas ng masamang cholesterol sa dugo, likas din na antibiotic o pamuksa ng mikrobyo sa katawan. Pampalakas sa likas na panlaban ng katawan kontra sakit. Anti-oxidant o pampahupa sa pagiging amoy-lupa. Karaniwan ding gamit na sangkap sa siomai at lumpia. Hubad na lumpia! Opo, hindi hubo’t hubad ang tawag sa naturang lutuin. Hubad lang. Masarap kung may kalahok pang budbod na mani. Kaya nakagawian nang talupan ng mga hayok. Ilalantad ang kinis-labanos na laman na pi...

Inn and out

NALINGUNAN ko pa ang lalaki. Malagihay na ang lakad. Nakalingkis-lamutak sa baywang ng kasamang dalawang pokpok—tiyak na kinahoy saanmang singit o kili-kili ng Avenida Rizal, papalo mula P200 hangggang P300 samputok. Baka pinakyaw ang dalawa, nagkasundo sa P500 sabayan. Sa konting halaga’y ubrang maglublob sa laman. Kaya sa bulsa. Sa bulsa. Sa naturang bahay parausan na kahanay ng Avenida, kalye Trinidad, doon din ako nagpalipas ng magdamag. Palipas-pagod lang. Tagilid ang laman ng bulsa— P180 ang bayad sa 8 oras na pagtuloy sa paupahang silid. Kapos ang laman ng bulsa para umupa ng paupahang laman. Saka na ang paglulunoy ni manoy saanmang kanal. Katreng may sapin na kahit limahid na kumot—ganoon lang ang pakay. Basta mailatag lang ang likod sa katre. Ganoon ang hinihinging limos ng katawan. Pagbibigyan. Kahit tulog-manok lang sa magdamag. Panakaw ang pag-idlip. Iglap na magigising kahit sa mahinang kaluskos. Mahirap nang mabulaga. Maunahan. Lodge o inn ang karaniwang nakasupalpal na...

Noche buena mano | Inciting to seduction

Noche buena mano THE manufacturing sector of the nation’s economy is looking glum. Consumers aren’t on a buying binge. Stocks begin to gather dust and hardly stir. And this Christmas is about to turn a bit more of famine than feast. Rather than sulk at dire prospects of an unkempt, unkept Christmas for most Filipinos gnashing their teeth— dentures and gums, too – at a more probable coup coming to pass than a cheerful Pasko , rosy-eyed polyannas are a-busy to keep the season’s spirits alive. And kicking. And cooking up whatever’s for picking should bring joy to this glum part of the world. Look at the goodies that we can gladly sink our teeth into. Call ‘em yummies. Call ‘em whammies. This eight-curse, oops, we meant eight-course feast of sorts ought to make Christmas tables groan, liven up the traditional noche buena. Dig in. Enjoy. Weep. • Daing ng bayan – something kippered, sun-dried and ought to last for a long, long while, this di...

An earful of Garci [People's Journal editorial 28 November 2005]

AS a relic of current history, the “Hello, Garci” chit-chat won’t ever make it as valid proof in any Philippine court, so sage lawyers have reminded the nation. In response, a firebrand butcher from William Shakespeare’s Henry VI also offer an impolite albeit impulsive counsel: “The first thing we do, let’s kill all the lawyers.” We’re not taking any of these two cents. We’re smack flat with “People Power” fatigue and we don’t give a fart if the Malacañang occupant is president or resident. We’ve heard the “Hello, Garci” dialogue over and over. We’ve grown numb from an earful like that. Kailangan pa bang i- memorize ‘yan? “Hello, Garci” has evolved into a ring tone for cell phones. The ring tone has traveled abroad and, despite the catcalls, sneers and jeers that greeted this splatter of dialogue, it went on to become a global smash hit. Proudly Philippine-made! We’re also struck flat with “Hello, Garci” fatigue now. Garci’s chat-mate in that chit-chat admitted it was ...

Stakeout, then, take out| An eye for tomorrow (Pananaw sa kinabukasan) [PJI editorials 13-14 November 2005]

IT WAS an idea for murder whose time has come. And none suspected the worse until the mangled bodies turned up in the streets, cold and dead. Nobody guessed a game of sorts was afoot. And the sordid game’s a reality TV show plied out from country in a universe parallel to ours. State-of-the-art surveillance equipment and cameras with ultra-high resolution of images had been fitted in several government offices. Those gadgets (each no bigger than a microdot using nanotechnology) allowed millions of viewers to witness whatever passes off as high drama, low comedy, even luscious pornography in government service. The show was tabbed “S/Takeout.” Its concept was murderously brilliant. Initially, viewers do a stakeout on culprits. Then, they take ‘em culprits out. Poor, unsuspecting rank-and-file denizens of government offices just won’t know what would hit ‘em. The populace of this dimension was simply stumped, a lot horrified as civil servants and their circle of cronies an...

Meron pa 'kong P200 sa bulsa

DALAWANG taon na'ng nakalipas nang masulat ko 'to. An'daling pihitin ng daloy at ligwak ng pangyayari para maging kuwento-- na maipapalimbag sa nalalabing lingguhang babasahin na naglalabas pa ng prosa-- walang 5,000 na ang national circulation nito-- at mababayaran ng P300 na kakaltasin ang 10%. Tumataginting na P270 ang sasalampak sa palad! Maglilimi. Magtutuos. P325 ang umiiral na pinakamababang arawang bayad sa karaniwang obrero't kawani sa Metro Manila. P280 ang national average daily minimum wage . Titimbangin at matamang sisipatin ang P270 at P280 saka uusal ng 'sangkatagang taimtim na dasal. Hindot! MATAPOS tumanggap kamakalawa ng dalawang bulig mula pangkokolum, nahagilap agad ng aking unica hija -- nilambing ang aking bulsa. Pigtas ang sambulig nang salidahin ako sa aking tanggapan. Nahagip din agad ng isa pang bata, 21 anyos rin tulad ng aking si Podying. Iisang petsa pa nga ang kanilang kaarawan-- Abril 15, 1982. Sa Quezon City Medical Center isinilang ...

Gone to the dogs and loving it

KALAHOK sa lugaw na buto-buto’t durog na mais (naglalaro sa P18 hanggang P20 ang kilo) ang kung ilang dakot ng balatong aso’t ulasimang aso. Para sagana sa hibla o fiber ang pagkain ng aming mga aso-- potsotsoy ang naging term of endearment namin sa mga damuho. Lumilitaw na panlaban yata sa Alzheimer’s disease ang ulasimang aso. Panghasa daw sa mapurol o pulpol nang utak. Pampatalino raw. Pampa-----tuliro? Kinukutuban na akong baka sa aso tahasang tumatalab ang bisa ng ulasimang aso. Delikado ito: mahirap mag-alaga ng gifted canine sa panahong ito’t baka maisuplong pa ako ng mga kumag sa pag-iingat ng weapons of mass destruction , pakikipaghuntahan sa mga mikrobyo, pagbigkas ng mga ipinagbabawal na oraciones mula sa mga aklat na itim… Huwag naman silang magkakamali. Baka ito na ang simula ng bagong pangkatin ng Dominicans —sila ang kapural ng matinong irrigation system sa bansa, nagtatag din ng pinakamatandang pamantasan sa Pilipinas. Magugunita ang katuturan ng Dominicans—...

Cancer

I’VE lost several friends to cancer. Ex-combat pilot-turned-painter/preacher Lino Severino. Erstwhile PCGG head Haydee Yorac. Hausfrau Avelina Lasa Mata. Stage actress Adul de Leon. Iaidoka , movie villain and sparring partner Ernesto Ortega. They passed away not exactly in that order. Cancer remains on the list of the nation’s top three killers. That bothers me, the “killer” tag. It’s bruited about as a lifestyle disease. We can take that to mean a lethal lifestyle. Cancer can be seen in a different light, though, something of an unwelcome growth within, an emerging factoid in the flesh. Maybe an insistent call for change, more likely, total transformation of being. Could be a tugging for the human organism to evolve some more, yes, attain its true potential-- to take a go at Pierre Teilhard de Chardin’s noosphere and become truly human, maybe a try at becoming Friedrich Nietszche’s uberman or superman? Far out and far-fetched twitch of the imagination I’m having. I’ve wo...

Embattled residency | Living under the gun (PJI editorials 16-17 October 2005)

Embattled residency THERE are presidents. There are residents. One globe-trotting, now probably grave-dwelling Virgilio Garcillano ought to tell us which is which. He can tell the difference between president and resident, whether a Malacañang occupant is one and not the other. Garcillano still haunts the nation. Ghosts do that, haunt. He has to be properly dead, feasted on by worms; his remains are at large and may likely be fully bundled and trussed by the presidential Executive Order 464, a gag order of sorts. So he won’t be allowed to spill the beans. Too, dead blokes tell no tales. It might be Garci’s remains or Garci remains as the missing key to the Malacañang dilemma that we can’t make heads or tails of. She’s president. She won the presidential polls, did she not? So asserts Macapagal-Arroyo fans in Congress. She’s resident and ought to be evicted, so maintain the restive rest of the nation. Garci couldn’t be haled or exhumed to clear the air. He coul...