Skip to main content

Clownselors of state

TATALAKAYIN daw sa binuong council of state—hayan tiyak na walang kokontra sa pagbaybay na hindi ginamitan ng Das Kapital letters para hindi masabing may kulay na pasaway – ang hilahod na kalagayan ng bansa.

Pananaw ng mga nakaluklok sa Malakanyang at samut-saring kabig nito ang inaasahang lulutang sa naturang kapulungan.

Sampisa lang o birds of a feather kasi sila. Iisa ang kulay, pagaspas at tabas ng pakpek, este, pekpak. Magkakatulad din ng paraan sa paglipad at salipadpad.

Ni hindi nahirang na salimpusa ang, halimbawa lang, si Mang Pandoy na itinampok sa panahon ni Tabako. O ang mga batang nagpatianod ng mga bangkang papel na nakarating hanggang sa pampang ng Malakanyang. O kahit si Honest Tinay, Jojo Acuin, Madam Auring, Madam Bola, Enteng Kabisote pati si Darna’t Captain Barbell, Archbishop Oscar Cruz, Eli Soriano, Sex Bomb Dancers, Kitchie Nadal.

Skip any Iron Chef or my huge crush Heny Sison but include that great gastronome Dr. Hannibal “The Cannibal” Lecter—he may cook a smorgasbord out of ‘em councilors of state, eh? Isali sina Sadako, Bob Ong ng bobongpinoy.com, idamay si Tony Kwok at Bong Pineda. And may I nominate the barber who does my hair and Ahriman the demonic deity who presided over the Holocaust?

Of course, we have missed a ton or two of names that have stirred a ripple, pimple or nipple throughout our beloved land. They belong to that gathering of minds and puttering down of behinds to thresh out any two-bit solution to whatever bedevils the nation.

Yes, we know beforehand that too many crooks, er, cooks spill the broth.
Kaya nga nagkakatimbugan-singawan ng samut-saring alingasngas—mula “Hello, Garci,” kurakot mula jueteng hanggang sa halos sambilyon pisong kinulimbat mula sa abono para laspagin sa halalan. Alam naman ng balana na dadanak lang ang laway sa naturang kapulungan. Alam na rin na walang latoy na telenovela ang magiging daloy ng pangyayari sa ganoong pagtitipon.

Kaya nga nagmumungkahi na tayo ng mahirap maapuhap na mga pananaw at kakaibang gawi’t pamamaraan sa kanilang pamumuhay. Baka sakali lang na may mahubog na out-of-the-box solutions. Baka sakalin din ang hininga’t bulsa ng taumbayan.

Baka maging tila telepantasya ang ikid ng magaganap sa kapulungan. Masaya kung ganoon. How we love fantasy and whimsicality—it nudges the mind off its rut, allows the eyes to see matters at the wrong end of a sniper’s rifle or maybe the nuzzle of cannon.

When bread is much too pricey, we’d like to have circuses.

What did that P. T. Barnum circus guy had to say about our population explosion?


Habang naghihintay sa anumang masasagap na malita, dalita at balita mula sa naturang kapulungan, makapagsinop muna't mapagyaman ang kapirasong hardin sa pamamahay. Production-led growth ang kinauuwian nito sa dami ng gulay at halamang ornamental. Pinakapayak na paraan ito para masinop at mapagyaman ang kapirasong lupa na saklaw pa rin ng mas malawak na lupain.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...