Skip to main content

Lagay ng panahon

KABILANG yata kami sa natutuwa sa ulat ukol sa nagbabantang sungit ng panahon— iyong ulan na may kasabwat na mga kulog at kidlat. Lalo na kapag tuloy lang ang banta.

Inaasahang hahagupit ang buhos ng La Niña ngayong tag-araw. Tinatayang dalawang buwan ang singkad. Maulap. Maulan. Karaniwang sa mga dakong hilagang silangan ng kapuluan, mga bahaging nakaharap sa Pacific Ocean, nakalilim sa anino ng mga kawing na bundok Sierra Madre. Doon karaniwang nagsusungit ang panahon.

“Masungit” ang nakagawiang taguri sa tila alkitrang dagim sa papawirin—na nauuwi sa bayo ng bagyo’t baha. Pero kailangan ng madalas na hilamos ng ulan at lamukos ng unos sa Sierra Madre. Para may makalap na tubig na itutustos na 90% ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila at patubig sa mahigit 5,000 ektarya ng gulayan at palayan sa ilang lalawigan ng Gitnang Luzon. Kabuhayan ang katumbas ng “masungit” na panahon.

Magugunitang may ilang taon na dumanas ang Metro Manila ng tagtuyot at kakapusan sa tubig. Kulang sa tubig? Mababaho tayo. Todo saganang tubig—mababaha tayo.

Hindi marahil tayo kakapusin sa tubig kung huhulagpos sa dating pihit ang mundo, sabi nga’y kung magkikibit-balikat si Atlas na pumapasan sa daigdig. Iglap na napalayo sa anggulo na todo-paligo sa araw ang mismong tropiko. Nalipat ang axis (say, from a meeting point in the x and y axes to a new point) ng daigdig. Dating daigdig, bagong kalagayan na magtatakda ng panibagong panahon. Sige, mangarap tayo!

Lipat pati equator—and we’re equated off that sun-scorched zone. Biglang-bigla nahanay bilang temperate zone—apat na panahon na ang iiral sa Pilipinas! Sa taglamig, maiimbak ang milyong toneladang yelo sa kabundukan ng Cordillera, Caraballo, Pinatubo, Arayat, Makiling, Sierra Madre’t iba pa. Kahit pa tag-araw, mananatiling nakaimbak ang yelo sa tuktok ng mga naturang kawing ng bundok—unti-unti lang na matutunaw para ipantustos sa kapatagan. Lutas na lubusan ang water shortage sakaling magkibit-balikat si Atlas…

Baka hindi na rin tayo magkukumahog sa mga lupaing may niyebe para humimod ng greenbacks, green card, at greener pastures.

Ah, love of one’s homeland manifests in two extremes. One’s so-called patriotism, the refuge of rogues, scoundrels, and scalawags. Symptoms of such pestilence may include, as shown by a fine gentleman, the offer of legal counsel and unstinted support to a boxing icon who sired a love child but has given much pride, touched off a unity of couch potatoes infesting the country.

The other extreme is honest-to-arcane agronomy which reasonably rhymes with astronomy. The odd patterns of stars and planets, the shifts in phases of the moon are taken into account in tending to crops while nurturing soil fertility.

This affliction’s extreme. Yet, is oddly benign and often the warren of hermits, Cistercian monks, dogs of God called Dominicans, lamas, and a melange of oddballs whose lips are shut most of the time to allow the hands, heart, and head to gambol in the currents of earth. Their sense of humus, being human and humor can be a contagion.


Silang nagsisinop ng lupang kanilang tinitindigan ang kadalasang nakasubaybay sa pihit ng panahon, pati na ang pagbabasa sa anumang nakasaad na kalatas sa kaitaasan. May panahon para sa lahat ng bagay, sa bawat gawain.

Marahil, nagsisimula ang matinong paninindigan sa pagyayaman at pangangalaga ng mga mapapakinabangan sa kahit kapirasong lupalop na kinatitindigan. Hindi na sila tatanaw saanmang ibayo upang maghagilap ng higit na lunting pastulan. Sisinupin nila ang sariling lupain.

Sa sariling sinop at sikap lalawak ang luntian sa kanilang paligid. The grass could be grown greenest in this pasture.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...