Skip to main content

Posts

Halimbawa

NAKAHILIGAN ni Haring Bhumibol ng Thailand na mag-alaga ng orchids sa pagpihit ng dekada 1970. Sa gitna ng salit-salitang agaw-renda sa gobyernong sibil ng mga estudyante at militar sa Bangkok sa maliyab na yugto ng kanilang kasaysayan, unti-unting umusbong ang mga inarugang orchids ni Haring Bhumibol. Nahawa ang sambayanan sa tiwasay na halimbawa ng kinikilalang pinuno-- maraming nagkahilig sa pagkutkot ng mapagtatamnan ng orchids. Nag-alaga rin sila. Hindi lang orchids ang lumago. Hindi pa man pumapasok ang dekada 1980, pumagitna na ang Thailand bilang lider ng cutflower industry sa Asia. Nagsimula nang makipaggitgitan sa Holland at Israel sa ganoong negosyo. Naitanan pa nga mula Davao ang ilang punla ng waling-waling, itinuturing na pinakamarikit na reyna ng Philippine orchids. Pakay ng mga Thai: gagawing palahian. Kamukat-mukat: mahigit yatang 20 anak at apo ng Vanda sanderiana ang nailuwal ng mga Thai orchid breeders para maisalang naman sa pandaigdigang pamilihan. ...

An eyeful of bygone sights

THIS sight is gone. From Rizal Avenue to a vanishing point somewhere in Tondo in the 1960s, the middle portion of parallel railroad tracks teemed with sampaguita bushes. Pearl-like buds culled off those bushes were strung into fragrant leis and peddled for a pittance by urchins and elders in the streets of Manila’s Sta. Cruz district and beyond. Off a section of an extant Highway 54—renamed since as Epifanio de los Santos Avenue – was a sight that must have been torn off a Claude Monet canvass: a stretch of urban waterway alongside the San Andres rail tracks trenchant with saba bananas, water lilies and lotuses in a serene blast of foliage and petals. That sight is gone. Gone too: Gardens and plant shops a-bloom with rainbow colors anytime of year once hogged both sides of the railroad tracks from Makati to the once-pastoral parts of Muntinlupa, on to the more bucolic precincts of San Pedro, Laguna. Those were sights that somehow effused beauty—gone all of them. Claptrap str...

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, may erectile dysfunction

IBINALIBAG ng isang mahilig sa habalakibur@hotmail.com – electronic mail address ko ‘to – ang mga larawan ng umaatikabong pakikipagdaupang-ari ng isa umanong Ethel Booba. Alumpihit na bumalikwas ang kung ano sa ulunan. Linawin natin-- ulo sa dakong itaas, hindi dakong ibaba. Agad na binalikan ang nagpadala ng kumakatas-katas na kalatas. ’Kako’y kapag pumalo na ang tulad ko sa edad-50, kailangan nang hindi makita. Kailangan nang may taga-bulag sa balana. Mas kailangang ituon ang punyagi sa sariling gawain kaysa isubsob ang pansin at paningin sa pangitaing kikilig o titimo -- h’wag naman masyadong ipagdiinan ang unang dalawang pantig ng mga naturang pandiwa—sa tuktok at kuyukot. I sure splurge on tons of steamed manioc ( Manihot esculenta or plain old balinghoy) as cheap source of glucose to keep the gray matter fully stoked to a blaze. Manioc extract also turn up distilled as old-time favorite ginebra bilog ang mundo na kahugis ng what a hind sight of JLo—and that keeps parch...

Umaganda

TOUGH it is on the eyes to even try a glaring match with the sun— but it’s the strange way not-so-in-synch with this world with which a world-famous chap caps his serene celebration of each morning. He never fails at such a celebration. He does it religiously whether it’s a balmy, stormy, tsunami or any simply rotten day. He starts it at five o’clock. It’s rise and shine plus ablutions with lukewarm tap water on a basin. Oh, his toothbrush is of pig bristles. It’s quite sturdy. He daubs it with salt, yes, plain old table salt, probably sodium bicarbonate or baking soda. He does a brisk brushing on his—uh-oh-- dentures that got a full night’s dip sleep in a glassful of water. He’s dentally deranged, so what? The teeth are hard, they fall away. The tongue’s soft, it stays and gets to explore a lot of finger-lickin’ warm wetness, ehek , goodness. Ablutions accomplished, he heads to a chapel of sorts—actually a shrine to the gods where he does his quiet time. The pathway to t...

Manok, manok, manok…

NAIKUMPISAL ng pumanaw na pintor-eskultor Inday Cadapan ang kanyang. taka’t mangha. Mabilis daw ang pagbulas ng kanyang apong dalaginding-- pati mga kaedad nito na kahit hindi pa man namumuro sa pagsalunga sa edad ‘Daisy’ meron nang buwanang ‘dalaw’. Peligro nang mabuntis. Kahit edad-11 lang ang bata, parang hinihipan ng kung anong hangin ang katawan. Maaga ang paglapad ng balakang. Maumbok na ang hugis ng tumbong—parang makatas na tapyas ng marka demonyo na bilog ang mundo. Kambal na murang milon ang tindig ng dibdib—sabihin pang higit na katakam-takam ang kabataan ngayon kaysa noon. May bakas ng pagtutol at pangamba si Inday sa mga namamalas na pagbulas. Ganito ring panahon nitong 2003 nang magkausap kami sa kanyang atelier-workshop sa Antipolo. Lampas na siya sa edad-60 noon. Naipihit niya ang kanyang sipag at sigasig sa sining sa mga gawaing pangkabuhayan at kaalaman na maisasalin sa mga pamayanan. Anupa’t humahalimuyak ang hinahalukay na gata’t malagkit sa kawa sa isang...

Suso, puki-puki, atbp.

NO THINKS for the mammary but it’s not what you thank, oops… Rather not suckle on fist-sized freshwater snails some folks call escargot— quite plenty of such in the river that feeds Bustos Dam in Bulacan. In years past, we used to gather a basketful or two of ‘em, gave the booty as peace offering to my father-in-law. In turn, he whipped out a spicy alchemy of coconut cream, ginger, chilies, and kangkong . The recipe is easy as pie. Saute: 5 cloves crushed garlic, 5-6 pieces minced lasona (shallots) and two thumb-sized ginger cut up in julienne strips. Next, dump-toss there 2-3 cups (no, no, not C- or D- or such cups that fit snugly onto an interesting female body part) of suso. As the wonderful juices ooze out of the suso —and such juices do seep as intense heat nudges suso to let its juices out—pour 1 cup coconut cream (the so-called kakang gata, hindi po kangkang yata ). Then, add 5-6 whole finger chilies ( siling pansigang, opo, hindi pangkalikot na daliri sa ...

Payapang landas ng aikido

MADALING maging tao—kahit sa tabi-tabi ubrang makipagdaupang-ari, may mabubuong tao. Maraming nakakarami sa tabi-tabi, sulok-sulok, gilid-gilid—sa gitna yata pinakamasarap na nalalasap. Mga anyong tao ang nabubuo. Pero hugis-tao pa lang. Hugis pa lang. Mahirap kasi ang magpakatao. Linawin natin: ‘Yun lang talagang tao ang ubrang makipagkapwa-tao. Kailangan munang maging tao para maunawaan ang kapwa tao. Payak lang ang pamantayan ng pagiging tao— na nagpapakatao. Nalimutan lang marahil na ang ganoong pamantayan ay mula mismo sa Tao Te Ching . ‘Landas ng kapangyarihan’ o the way of power ang tahasang katuturan niyon, isang sinaunang aklat. Kalipunan ang naturang aklat ng samut-saring panuntunan para makamit ang lubusang kapangyarihan at mainam na paraan ng pamumuhay. Tao = landas. Masikip na landas na kapag tinahak, tiyak na magiging madulas—lalo na’t kumakatas. Nagiging madalas. Magiging gawi’t bahagi ng gawa. Yung mga tumatahak sa ganoong landas o Tao ang talaga...

Kabaklaan

MAKAPITIK-BAYAG ang ulat na nangunguna ang Pilipinas sa kabaklaan sa buong Asia. Baka maiugnay ang pangunguna ng bansa sa buong rehiyon pati sa kabulukan sa gobyerno. May matinong halimbawa sa kalikasan. Walang alanganin ang kasarian sa lipi ng tilapia ( Tilapia nilotica, T. brassica ). Nagiging lalaki ang babaeng tilapia kapag kulang ang bilang ng kalalakihan sa pulutong. Nagiging babae ang lalaking tilapia kung kulang ang kababaihan. Karaniwang isang lalaki bawat limang babae ang kailangan sa pulutong para sa mainam na paglago nito. Oops: Kabilang ang tilapia sa mga hayup na may gulugod. Vertebrate. Mas marami raw aligi ang alimango, talangka o alimasag na bakla. Teka, kabilang ang mga ito sa mga animal na walang gulugod- invertebrate. Nabanggit ng balikbayang pinsan Sonny Ampil na may mga lokal na bakla na dumadayo sa Gitnang Silangan. Nagpapabarukbok sa kapwa bakla para sa dagdag na kita. Doon kasi, mabigat na parusa sa bulsa ng lalaki ang mag-asawa. Matindi ang presyo n...

Unemployment redefined

PAULO COELHO’S best-selling novel, “The Alchemist” avers that any individual who musters his skills and strives to seek out his rightful place in the sun would surprisingly find that the entire universe and its manifold powers shall help him get there. For years, a popular Filipino broadcaster was continually urging the hapless among his listeners to draw an inventory of their skills and know-how. He admonished them to seek out at least 100 prospective employers that may avail of such unique capability. There’s a worldwide market out there for every skill. There’s a job assignment waiting to be filled in by the right man—or woman—and all it takes is two-bit tenacity to seek it out. Ah, the Scriptures are reassuring: “Seek and ye shall find.” The international definition of unemployment is “those who have no work and are looking for work. Not those who are unemployed and who do not wish to seek work.” The Department of Foreign Affairs clarifies that such an international...

Raining cats and dogs, hailing taxicabs

Story 1. One night, at 11:30 p.m., an older African American woman was standing on the side of an Alabama highway trying to endure a lashing rainstorm. Her car had broken down and she desperately needed a ride. Soaking wet, she decided to flag down the next car. A young white man stopped to help her, generally unheard of in those conflict-filled 1960s. The man took her to safety, helped her get assistance and put her into a taxicab. She seemed to be in a big hurry, but wrote down his address and thanked him. Seven days went by and a knock came on the man's door. To his surprise, a giant console color TV was delivered to his home. A special note was attached. It read: "Thank you so much for assisting me on the highway the other night. The rain drenched not only my clothes, but also my spirits. Then you came along. Because of you, I was able to make it to my dying husband's bedside just before he passed away. God bless you for helping me and unselfishl...

Tilaok sa bagong taon

Tilaok sa bagong taon ILANG araw din na nabilad sa maghapong hagupit ng araw ang alagang halaman—‘buntot ng diyablo’ o ‘buntot ng dragon’ ang nakagisnang tawag sa naturan na kamag-anak ng gabi’t calla lily. Kahit sagana sa dilig, naluoy ang mga dahong may hugis buntot ni Lucifer na hawig sa larawang nakatatak sa nakagawiang paboritong inumin-- ‘yung marka demonyo. Pinakay, binungkal at binitbit mula pa sa Bundok Makiling ang naturang halaman noong nakalipas na semana santa. Disyembre 26, 2004 nang tila nanlupaypay na kasarian matapos labasan ang mga mala-buntot na dahon at tangkay. Nagkataon lang marahil. Hindi laging nasusubaybayan kung saang lungga napapasalaksak ang kuwan, oops, ang mga tangkay at dahon ng alagang buntot. Disyembre 26, 2004. Natapat lang sa lagim na haplit ng tsunami sa Indonesia at mga bansang bawat pampang ay hinihimod ng alon mula Indian Ocean. Ikibit-balikat na lang: nalalantad sa ibaba anuman ang nakalatag sa kaitaasan. Nakaukit ang ganoong pag...

Put fuel money where the mouth is

Department of Energy records show that the country’s end-users and consumers burn an average 62 million liters (equivalent to 388,000 barrels of raw crude) of various fuel products in a day. Diesel, traditionally tabbed as “fuel for the masses” accounts for the second biggest share at more than 31 percent – about 18.6 million liters daily -- of the fuels used up. Bunker fuel which costs two or three cents more than crude oil takes 36 percent of the nation’s daily fuel consumption with power plants using up as much as 30 percent to generate electricity. Since the fuel of the masses runs jeepneys, buses, marginal fishermen’s boats, Benzes, Pajeros and the more recent makes of fuel-efficient cars, lawmakers whose hearts bleed for Filipino fuel users may opt to hack out a niche market in the fuel retail business and give Petron, Shell, Caltex, and 40 other new entrants in the oil industry a run for their money. Now, such a huge number of competing firms also means a huge number of...

Dagdag na halaga

MANGKOKOLUM Nakasumpong minsan ng palos o sea eel sa Farmer’s Market, Cubao. Wala nang baratan. Kagyat na binayaran. Buhat sa puwesto ng mga isda, lipad agad sa mga tindahan ng gulay. Naghagilap ng mga sangkap sa putaheng tila kidlat na gumuguhit sa utak – palos na nakagumon sa salsang tausi, sangke, luya at wansoy. Sarrrap! Naulit ang ganoong lintik-sa-bilis na paghahagilap ng mga pansangkap. Doon sa pamilihang bayan ng Maddela, Quirino. Nakasumpong ng isdang ludong. Tila ba nakatagpo ng mutyang nililiyag, inihanap agad ng angkop na gayak. Upang maitanghal at malantakan sa hapag. Samut-saring hilaw na halimuyak ang likaw na naglisaw sa palengke. Tambad ang talaksang hilaw na sangkap. Malimit na may sansang ng putik at alikabok. Pero naroon ang mga paanyaya para lumikha ng dagdag na halaga. Doon masasapol ang katuturan ng tinatawag na salimbayan ng mga unawa – ang buhawi ng buhay sa marketplace of ideas. Nasuob man sa lansa at sansang ang mga lumulusong sa palengke, tal...

Adding green to the mud pie in your eye

BACOLOD -- Most beachfront property owners here opt for an uncluttered view of their sunset, a neat unbroken sweep of the horizon facing the Guimaras Strait smack on the western end of Negros island. Shore settlement dwellers take a similar view that has tamped down any attempt to dab a bit of green in the coastal marshes and mud flats dotting the shoreline. However, enterprising marginal fisherfolks have studded the shallow portions with fish corrals called baklad while others are content to grub for various species of clams, oysters, and crabs among the shoals. Negros-based project coordinator David G. Castor for the United Nations Development Program (UNDP) endemic tree species conservation scheme noted that "mangrove forests once teemed Negros island's coastal marshes and mud flats in the 19th century. We find those mangrove-grown coastal parts defined in maps of the 1800s. The remaining bakawan species are now confined to estuaries and mud banks of rivers ...

Kama

At P200, the odd farm implement called kama that I chanced upon in a roadside cutlery shop in La Trinidad, Benguet proved worthier than its price tag . The kama has a curving spine that looks like an arc snipped off a wide circle. Its business spread of a blade is a straight edge fitted at a 45-degree angle to the lightweight handle -- knotty grained wood of a color similar to pine -- that bore lathe marks. With the tool's weight evenly distributed between handle and blade, the heft was perfect. Once wielded, the tool feels like an organic part of one's arm. This farm tool that resembles a carpenter's scale had its roots in Okinawa, an island off the Japanese mainland that was once a haven of sea brigands, fishermen and farmers. A kama is used for reaping grain, mowing grass or for such precision splitting of bamboo culms, cane or wicker for basketry. Honed to razor sharpness, the tool can also neatly lop off a man's neck or limb in a flick. Fitted to a lon...

Rice and fish until you rest in peace

SINIMULAN ng mga prayleng Dominikano ang latag ng patubig sa kanilang mga palayan sa Laguna pagpihit ng ika-18 siglo. Sa yugtong ito ng kasaysayan, hindi umaabot sa 4,000 ang bilang ng mga Español sa bansa; mahigit 4,000,000 ang populasyong indios cobardes. Sa panahong iyon, katulong ang mga indio sa paghakot sa mga Sangley o sinaunang Chinoy sa Intramuros para matamnan ng dalawang ulit santaon ang mga palayang Dominikano sa Laguna at ilang bahagi ng Bulakan. Kayod-kalabaw ang mga hinakot sa pagbubukid. Walang bayad. Maraming pumalag na sinaunang Chinoy. Binanatan ng Mauser 5.56. Humalo sa patubig ang dugong Sangley. Naging pataba sa bukirin ang mga bangkay. Sagana ang bawat ani ng palay. Ipihit ang panahon. Bago humapay sa pagpasok ng ika-21 siglo, nasa Top 400 Corporations of the Philippines ang National Food Authority (NFA), ang bisig ng pamahalaan sa pamimili, pag-iimbak at pamamahagi ng pangunahing aning butil. Limpak na milyong piso ang kita taun-taon. Kahit sa bawat...

Bayabas, asin, at pinawa

Bago napalawak sa higit 20 ektarya ang kanilang lupain, ang mag-asawang kaanak ng aking abuela ay nakagawian na mamuhay nang payak. Dugo ng katutubong Khmer mula bulubundukin ng Cambodia ang taglay ng kanilang mga ninuno. Likas na sagitsit siguro ng dugo ang nagtutulak sa kanila sa pagiging masinop sa lupa, sa pamumuhay na salat sa luho -- pero todo-sagad sa sikap. Uhugin pa ‘ko nang madalas maisama ng abuela sa tahanan ng mag-asawa. Pawid at kawayan lang ang bahay. Ligid sa mga punong bayabas at mangga ang bakuran. Dalawang beses santaon kung magbaba ng mangga, pero lagi naming nadadatnan na hitik sa bunga ang mga bayabas. Matindi ang kargadang Vitamin C ng bayabas. Dalawang piraso lang, sapat na sa kailangan ng katawan sa isang araw. Duda ‘kong nagpupurga yata sa bayabas ang mag-asawang iyon. Tuwing mahahatak kaming kumain do’n, tiyak ko ang nakahain sa hapag: pinawa o tersera klaseng kanin na halos kulay pula’t may halo na konting darak (na tigmak pala sa lecithin, Vitamin...

CPA-- camote pala ako

Naglalaro sa P10-12 sangkilo ang presyo ng kamote ngayon. Magaang na sa bulsa, mahilab pa sa sikmura. Masustansiya kasi. Minsang tanim-kamote ang inasikaso natin. Nangamote sa kapirasong bahagi ng Kilometro 30 ng lansangang Cabrera, sa lunsod ng Antipolo.Sa ika-30 linya ang hangganan ng maisusulat sa legal size paper. Trenta rin ang pananda ng peryodista. Pangwakas sa niratsa o sinalsal na ulat. Matindi ang kabuluhan ng kamote o Ipomoea batatas . Kaanak ito ng kangkong at aurora o morning glory. Pangunahing sangkap ito sa paglikha ng manika (poppet) sa pangkukulam. Mas masarap na pang-ulam - lalo na't may katambal na halobaybay, bagoong Balayan o Pangasinan, pinigaan ng dayap at siling labuyo. Huwag nang pagtalunan: natukoy na ng mga food scientists na mas mayaman sa sustansiya ang talbos-kamote kaysa repolyo, broccoli't mga kamag-anak nilang gulay. Kaya nga nakagiliwan naming comfort food ang talbos-kamote-- 'yung bagong pitas sa sariling bakuran. Para may hibo ng...

Bakit 'Mangkokolum'?

Sa usapan namin sa telepono ni Edgardo M. Reyes -- umakda ng mga nobelang tulad ng Laro sa Baga, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy at Sa Mga Kuko ng Liwanag -- ginamit ng may pitak na ito ang katagang "mangkokolum." Hinalaw naman ang katagang "mangkokolum" mula sa naging kantiyaw sa isang peryodistang AC-DC (attack-collect, defend-collect)-- sa halip na calumnist tinawag na kulam-nista. Editor-in-chief noong 1998 si Reyes ng isang Tagalog broadsheet-- Diyaryo Uno . Minsang naging kapitbahay namin siya sa Lagro, Quezon City. Matagal ding naging kaklase sa boteny matapos magsara ng pahina ng dating Abante . Naging katalakayan sa ilang palihan sa malikhaing pagsulat nitong dekada 1980 sa UP Diliman. Untag ko: "Kukunin mo ba 'kong mangkokolum?" Aniya: "Ano bang mangkokolum? Mangkukulam!" Nilinaw sa kanyang iba ang mangkokolum sa mangkukulam. May mabubungkal na halimbawa. Iba ang manunulat sa manunulot. Iba ang manananggal sa mana...

Shrines in a barren landscape

Seven churches sit like yawning crocodiles, spread about the sprawl of Sierra Madre foothills where weekends were spent with my three imps, sweating out and sun-baking our backs while planting trees. Each church, every belief and persuasion currently infecting the Pinoy landscape was plied out with a preacher or priest to stoke the fires of people’s faith in that hinterland community. We saw instead many a summer brush fire cackling like a coop of chickens or crackling like splintered skeletons, devouring the landscape from dusk to dawn. Thus went two or three years reforestation work, each struggling patch of young trees we tended turned up as ashes. People need trees. Trees to turn out food and churn out oxygen to break down nutrients in food, the same air – bonded to blood -- shuttle these nutrients throughout the body to keep it fully nourished and alive; same air swishing like a tender caress on human brain cells to nudge some sparks of sanity and intuition. Beautiful bi...