Skip to main content

Payapang landas ng aikido

MADALING maging tao—kahit sa tabi-tabi ubrang makipagdaupang-ari, may mabubuong tao. Maraming nakakarami sa tabi-tabi, sulok-sulok, gilid-gilid—sa gitna yata pinakamasarap na nalalasap.

Mga anyong tao ang nabubuo. Pero hugis-tao pa lang. Hugis pa lang.

Mahirap kasi ang magpakatao. Linawin natin: ‘Yun lang talagang tao ang ubrang makipagkapwa-tao.

Kailangan munang maging tao para maunawaan ang kapwa tao.

Payak lang ang pamantayan ng pagiging tao— na nagpapakatao. Nalimutan lang marahil na ang ganoong pamantayan ay mula mismo sa Tao Te Ching. ‘Landas ng kapangyarihan’ o the way of power ang tahasang katuturan niyon, isang sinaunang aklat.

Kalipunan ang naturang aklat ng samut-saring panuntunan para makamit ang lubusang kapangyarihan at mainam na paraan ng pamumuhay.

Tao = landas. Masikip na landas na kapag tinahak, tiyak na magiging madulas—lalo na’t kumakatas. Nagiging madalas. Magiging gawi’t bahagi ng gawa. Yung mga tumatahak sa ganoong landas o Tao ang talagang tao.

Huwag nang ungkati ang taon nitong dekada 1980 nang maganap ito. Nagsimula ang gusot sa hilig sa lusot ng tsuper ng bus. Bawat masipat na puwang isasalpak ang minamaneho—walang pakialam kung malalagay sa panganib ang mga kasabay sa lansangan.

Bago makarating sa kanto ng abenidang Quezon at Araneta, humarang sa bus ang isang kotse—ni hindi nagtungayaw o nagsayang ng laway para pagsabihan ang bus driver. Nagsimula namang magpuputak na tila nangitlog na manok ang naharang na bus driver.

Nagbukas lang ng bintana ng humarang na kotse. Sinuklian ang buga ng putak sa bugso ng putok. Parang walang nangyari na tumalilis ang namaril. Yukayok sa manibela ang bus driver, sabog ang utak, natahimik sa pagputak… Parang kinatay na manok.

Pumihit tayo sa kasalukuyan. Sa sumasanaw na pinaghugasan ng bus nagsimula ang iringan ng pamilya ng bus driver at isang magsasaka. Nagiging pusaliang tapunan ng hugas-bus ang bakuran ng magsasaka.

Wala ring pakialam kung ang gawi ay nakakalikha na ng perhuwisyo at paninira sa kapwa. Nauwi sa malagim na pangyayari ang iringan. Sumiklab na balita.


Kailangan munang maging tao para maunawa ang ibang tao. Tao lang ang may sapat na unawa sa kapwa.

Ano ang palatandaan ng mga tunay na tao? Ano ang gawi’t gawa ng mga animal na ito?

“Nagsisimula ang landas ng kapayapaan (Aikido) sa sarili. Pandayin muna ang sarili—bawat isa ay may angking kaluluwa na masisinop, may puso’t isipan na mapapatalas sa kaalaman, may katawan na sisidlan ng kakayahan.

“Isinadlak ang bawat isa sa lupa para gampanan ang ganitong gawain—pagyamanin ang sariling kaluluwa, puspusin ng liwanag ang puso’t isipan.”

Batay sa Tao Te Ching ang ganoong hirit ni O-sensei Morihei Ueshiba, kinikilalang ‘Ama ng Aikido.”

Batay sa ganoong pamantayan, madaling masipat ang talagang may pagkatao’t nagpapakatao:

Mahirap magkalkal ng kaluluwa, pati paghahasa ng isipang labaha at pagsisinop ng kakayahan at kaalaman sa katawan.

Mahirap magpakatao.

Masarap lang talagang kumaplog, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...