Skip to main content

Bakit 'Mangkokolum'?

Sa usapan namin sa telepono ni Edgardo M. Reyes -- umakda ng mga nobelang tulad ng Laro sa Baga, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy at Sa Mga Kuko ng Liwanag-- ginamit ng may pitak na ito ang katagang "mangkokolum."

Hinalaw naman ang katagang "mangkokolum" mula sa naging kantiyaw sa isang peryodistang AC-DC (attack-collect, defend-collect)-- sa halip na calumnist tinawag na kulam-nista.

Editor-in-chief noong 1998 si Reyes ng isang Tagalog broadsheet-- Diyaryo Uno. Minsang naging kapitbahay namin siya sa Lagro, Quezon City. Matagal ding naging kaklase sa boteny matapos magsara ng pahina ng dating Abante. Naging katalakayan sa ilang palihan sa malikhaing pagsulat nitong dekada 1980 sa UP Diliman.

Untag ko: "Kukunin mo ba 'kong mangkokolum?"

Aniya: "Ano bang mangkokolum? Mangkukulam!"

Nilinaw sa kanyang iba ang mangkokolum sa mangkukulam. May mabubungkal na halimbawa. Iba ang manunulat sa manunulot. Iba ang manananggal sa manananggol. Maging pakpak sa pokpok. Parehong kinakain ang puta at puto-- pero magkaiba pa rin.

'Kako'y umiiral pa rin ang alimuom ng wikang Español sa Pilipino-- tahasang nagtatakda ng kasarian o gender ang Español sa pangngalan (noun). Loko, loka. Operado, operada. Asunto, assunta.

'Kako'y nagsusulat lang ng kolum ang mangkokolum. Sa paglikha ng katagang iyon, bumubuntot lang ako 'kako sa nakagawian sa wika nina Johann Wolfgang von Goethe at Friedrich Nietszche-- palasak sa wikang Aleman ang paglikha ng mga bagong salita sa pamamagitan ng kenning: pagdudugtong ng mga salitang ugat o root word para makabuo ng salitang iba ang katuturan pero nakasandig pa rin sa pinag-ugatan.

'Kako'y ganoon din ang paraan ng ilang malusog na wika sa Asia, halimbawa'y ang Mandarin o Nippongo. Pinagsisiping ang dalawang salitang ugat para magluwal ng ikatlong kataga na nananatiling nakaugnay sa naunang dalawa na pinag-ugatan.

If the coined new word sounds good and feels okay, it will surely snuggle its way into our lexicon.

Maganda ang naging dating kay Reyes ng "mangkokolum." Pinapunta ang umaararo sa pitak na ito sa tanggapan nila. Nakipaghuntahan. Matagal na usapan. Sa huli: "Sige, simulan mo na ang pangkokolum. P1,000 lang isa ang kaya ng bulsa."

Bago pa man makapagbalibag at mailimbag ang unang pitak, ipinarada na ni Edgar sa unang pahina ng pahayagan ang panga-pangalan ng mga nagsusulat ng pitak.

Binansagan kami sa isang kakatwang generic name: "mangkokolum."

Ang totoo'y may bahid ng putik at burak ang naturang kataga. Mabubungkal mula sa isang katagang Hebrew-- golem. Taong putik ang tahasang katuturan niyon.

Sa golem mauugat ang "Gollum" na isa sa mga pangunahing tauhan sa trilohiyang Lord of the Rings ng dalubwikang si J.R.R. Tolkien. Teka: hindi si Frodo kundi si Gollum ang tuluyang nakapagtapon sa sinsing ng kapangyarihan sa pinagmulan nitong apoy-impiyerno ng Mordor.

Masarap isipin na humuhubog ng putik ang isa pang nagkakanlong na katuturan ng "mangkokolum."

Sa ganyang katuturan, walang ibang maiisip na akmang lalapatan ang kataga kundi ang mga Jewish rabbi na sumasaliksik sa lihim ng mga salita at mga kapangyarihan ng mga titik. Quabbalah ang tawag sa ganoong kaalaman.

Comments

Popular posts from this blog

Every single cell of my body's happy

I got this one from Carmelite Sisters from whose school three of my kids were graduated from. They have this snatch of a song that packs a fusion metal and liebeslaud beat and whose lyrics go like this: "Every single cell of my body is happy. Every single cell of my body is well. I thank you, Lord. I feel so good. Every single cell of my body is well." Biology-sharp nerds would readily agree with me in this digression... Over their lifetimes, cells are assaulted by a host of biological insults and injuries. The cells go through such ordeals as infection, trauma, extremes of temperature, exposure to toxins in the environment, and damage from metabolic processes-- this last item is often self-inflicted and includes a merry motley medley of smoking a deck a day of Philip Morris menthols, drinking currant-flavored vodka or suds, overindulgence in red meat or the choicest fat-marbled cuts of poultry and such carcass. When the damage gets to a certain point, cells self-de

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina

Wealth garden

‘TWAS CRUEL as smashing a budding green thumb: some years back, an abuela warned me about letting any clump of katigbi (Job’s tears or Coix lachrymal jobi for you botanists) from growing in our homeyard. That grass with rapier-like leaves that smelled of freshly pounded pinipig supposedly invited bad luck and sorrows—why, that biblical character Job wailed and howled a lot, didn’t he? (But was later rewarded with oodles of goodies, wasn’t he?) Then, I came across some arcane text that practically goaded folks to grow katigbi in their gardens—why, there’s a starchy kernel wrapped shut in the seed’s shiny coat. A handful or more of kernels could be cooked as porridge. Too, one could whisper a wish upon seven seed pods, throw ‘em pods in running water—a river or stream—and the wish would be granted! I was warned, too, about planting kapok or talisay trees right in the homeyard—these trees form a cross-like branching pattern. Pasang-krus daw ang bahay na kalapit sa puno ng kapok, tal