Skip to main content

Bayabas, asin, at pinawa

Bago napalawak sa higit 20 ektarya ang kanilang lupain, ang mag-asawang kaanak ng aking abuela ay nakagawian na mamuhay nang payak. Dugo ng katutubong Khmer mula bulubundukin ng Cambodia ang taglay ng kanilang mga ninuno. Likas na sagitsit siguro ng dugo ang nagtutulak sa kanila sa pagiging masinop sa lupa, sa pamumuhay na salat sa luho -- pero todo-sagad sa sikap.

Uhugin pa ‘ko nang madalas maisama ng abuela sa tahanan ng mag-asawa. Pawid at kawayan lang ang bahay. Ligid sa mga punong bayabas at mangga ang bakuran. Dalawang beses santaon kung magbaba ng mangga, pero lagi naming nadadatnan na hitik sa bunga ang mga bayabas.

Matindi ang kargadang Vitamin C ng bayabas. Dalawang piraso lang, sapat na sa kailangan ng katawan sa isang araw. Duda ‘kong nagpupurga yata sa bayabas ang mag-asawang iyon. Tuwing mahahatak kaming kumain do’n, tiyak ko ang nakahain sa hapag: pinawa o tersera klaseng kanin na halos kulay pula’t may halo na konting darak (na tigmak pala sa lecithin, Vitamin E at iba pang sustansiya), manibalang na bayabas at asin. Nakasuwerte minsan: may inihaw na dalag (nasalakab daw sa kanilang bukid), halobaybay (malabnaw na bagoong), nilagang talbos ng kamote’t sawsawang katas ng malakampit na sampalok.

Hamak man ang pagsasaluhan, hindi nawawala ang papuri’t pasasalamat sa Maykapal. Ang totoo’y aanyayahan na makisalo sa hapag ang Maykapal. Gano’n daw ang dasal bago kumain. Para daw walang mabibilaukan sa pagkain. Pampadagdag din daw sa sustansiya at linamnam.

Ngayon na lang mauungkat ang sayad-putikang antas ng kapayakan ng kanilang pamumuhay. Batay sa Consumer Price Index (CPI) o mga pangunahing gugulin sa araw-araw ng karaniwang pamilya, pantustos ang P55.12 (sa bawat P100 kita) sa pagkain, inumin at sigarilyo. Linawin natin ang “inumin” na nakasakay sa CPI – beer, alak, kape, tsa, tsokolate, softdrinks, fruit juices, at mga kauri.

Nakalaan naman ang P44.88 ng bawat P100 kita sa pananamit (P3.66), upa at kumpuni ng tirahan (P14.69), elektrisidad, gas na panggatong at tubig (P5.74), mga serbisyo (P12.28) at iba pang gastos (P8.51).

Todo kunsumisyon sa bulsa ang isinasaad ng Consumer Price Index. Batay nga pala ang ating mga itinala sa konsumo ng karaniwang pamilya nitong 1994. Hindi na lapat ang ganitong kuwenta sa matimping diskarte sa pamumuhay ng mag-asawang kaanak ng abuela. Kulang sa halagang katumbas ng P55.12 (noong dekada 1960) ang malaking bahagi ng kanilang konsumo. Hindi rin abot sa katumbas na P44.88 ang non-food expenses nila.

Tuwing sisipatin ang mga batayan ng pamumuhay ayon sa CPI, maaaninaw ang mga makabagong gawi. Ngasab. Ngabngab. Lantak. Lapang. Tumutugis ang bawat konsumer sa nakahandog na samut-saring produkto’t serbisyo. Para bang ito lang ang pamantayan ng makabuluhan, ng makatuturang pamumuhay. Sabi nga, we’re a consumption-driven society. Parang tau-tauhan sa larong Pacman – hindi makausad kung hindi ngangasab, pwe-he-he-he!

Hanggang ngayon, patuloy na nginangata sa diwa ang inihaing pinawa, bayabas at asin sa hapag ng mag-asawang kaanak ng abuela. Sinuway nila ang umiiral na diskarteng ngasab-ngabngab-lantak-lapang sa lipunan. Nakapagtapos ang tatlo nilang anak sa kolehiyo, kasabay ng paglawak ng kanilang hawak na lupain. Doon nauwi ang natitipid.

Binata na ‘ko nang huling dumulog sa kanilang hapag-kainan. Ni hindi tumanda ang kanilang anyo. Pumuti lang ang buhok. May kasama nang burong martiniko, mustasa at inihaw na dalag ang nakagisnang pinawa, bayabas at asin, mwa-ha-ha-haw!


Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...