Skip to main content

Rice and fish until you rest in peace

SINIMULAN ng mga prayleng Dominikano ang latag ng patubig sa kanilang mga palayan sa Laguna pagpihit ng ika-18 siglo. Sa yugtong ito ng kasaysayan, hindi umaabot sa 4,000 ang bilang ng mga EspaƱol sa bansa; mahigit 4,000,000 ang populasyong indios cobardes.

Sa panahong iyon, katulong ang mga indio sa paghakot sa mga Sangley o sinaunang Chinoy sa Intramuros para matamnan ng dalawang ulit santaon ang mga palayang Dominikano sa Laguna at ilang bahagi ng Bulakan. Kayod-kalabaw ang mga hinakot sa pagbubukid. Walang bayad.

Maraming pumalag na sinaunang Chinoy. Binanatan ng Mauser 5.56. Humalo sa patubig ang dugong Sangley. Naging pataba sa bukirin ang mga bangkay. Sagana ang bawat ani ng palay.

Ipihit ang panahon. Bago humapay sa pagpasok ng ika-21 siglo, nasa Top 400 Corporations of the Philippines ang National Food Authority (NFA), ang bisig ng pamahalaan sa pamimili, pag-iimbak at pamamahagi ng pangunahing aning butil. Limpak na milyong piso ang kita taun-taon. Kahit sa bawat 10 sako ng aning palay sa mga bukirin, tatlong sako lang ang sasalin sa NFA -- na todo rin sa tubo mula sa katiting na operasyon.

Walang aamin na ang pinakamalaking bulto ng ani, kakabigin ng mga inapo niyong mga Sangley na tahasang nagbuhos ng dugo, pawis; nag-iwan ng kanilang buto’t laman sa mga palayan noong ika-18 siglo.

Inaani na ng kanilang inapo ang patubo sa matagalang puhunan. Long-term investment in karma. Karmwa-ha-ha-haw!

Nitong magkasunod na dekada 1960-1970 naging talamak ang pagpuslit ng mga sabalo (pangitluging inahin ng bangus o Chanos chanos) at binhi ng bangus mula Pilipinas tungo naman sa Formosa.

Pagpalo ng dekada 1980, kasama na ang pritong bangus sa sining-kusina ng, oops, hindi na Formosa ang tawag. Naging Taiwan. Napulido na rin nila ang mga proyektong pangitlugan ng bangus sa pagdaan ng panahon. At nagsimula nang magtustos ang Taiwan ng mga mahusay na binhi ng bangus sa mga proyektong pangisdaan sa Asia, pati sa Pilipinas.

Naisahan tayo. Pero mga Penoy din naman ang nagbenta ng mga inahing sabalo’t binhing bangus sa mga kabig ng Kuomintang ni Chiang Kai Shek.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...