Skip to main content

Sa anino ng Bethlehem

PINAKAMURA sa Pasay ang palipas ng dosenang oras sa silid ng mumurahing motel - P169 lang. Katakam-takam sana.

Kaya lang, muli't muling mauulit ang Posadas - ang pakla't panglaw sa panunuluyan ng kagampang Maria't Jose. Walang motel sa Pasay na tatanggap sa kanila para manatili ng 12 oras. Sa tatlong oras nakametro bawat silid ngayon. Mahihiwatigan: sa palipas-libog lang laan ang mga silid-motel.

Masusubukan nilang tumuloy sa Sogo o Wise Hotel sa Cubao, Quezon City. Ganoon pa rin ang umiiral na kalakaran. Mabubungaran ang naghihintay na mga kawan ng parehang magpapalipas-libog. Matiyagang naka-antabay sa mababakanteng silid.

Karaniwang naipagpag ang utog sa dalawang oras. Maihahanda agad ang silid sa bunong-kama ng panibagong pareha. Walang patid ang labas-masok na daloy ng mga parokyanong pares-pares kapag kumagat ang dilim.

Ganoon pa rin ang kalakaran sa pansamantalang pahingahan sa libis ng Pasig, sa mga utong ng Sta. Cruz o Binondo, kahit sa tumbong ng Grace Park. Nakametro sa tatlong oras ang bawat pansamantalang pahingahan.

Sumasagitsit saanmang singit ng lunsod ang kuryente ng utog. Taglibog ang umiiral na panahon.

May maaalala tayo. Sa mga mumurahing kapihan at piping aklatan bumuno noon sa palipas-gutom at lakbay-diwa ang isang J. K. Rowling. Kabuno din ang kanyang binubuong seryeng "Harry Potter." Nailuwal ang serye. Naghatid iyon ng billion dollars sa may-akda.

Mababanggit rin ang karanasan sa puso ng Amerika ng kababayang manunulat, si Carlos Bulosan. Palapit noon ang bisperas ng World War II. Kaigtingan ng Depression Period - sadsad sa kumunoy ang ekonomiyang US, laganap ang sakmal ng hikahos at kawalang pag-asa.

Mangungutang si Bulosan ng kung ilang daang dollars sa mga kasamahan sa trabaho. Pambayad niya ang inutang. Ilang linggong magkukulong sa mumurahing hotel. Susulat ng kung ilang artikulo't iaambag iyon sa ilang magazines - nakapuntirya sa may patakarang bayad agad kapag tinanggap ang sinulat, payment upon acceptance for publication.

Mababayaran ni Bulosan ang inutang. Mabibigyan ng konting salu-salo ang mga inutangan. At may ilang linggo o buwan ding mamamayagpag. Mangungutang muli kapag said na ang kinita sa kanyang pagsusulat. Muling magkukulong sa mumurahing hotel. Muling magsusulat.

Huwag nang ungkatin ang halagang katumbas ng bawat sinulat ni Bulosan. Higit na mahalaga na pansinin ang matingkad na pangangailangan. May dahilan ng kanyang pansamantalang pagkukulong - kailangan niya ng mahalagang sangkap para makabuo't makipagbuno sa ideya, makapaghalukay ng panustos sa hinuhubog na ideya. Ang sangkap: privacy.

Ulitin natin ang katuturan ng deprivation o sagad-butong paghihikahos. Tahasang katumbas ng deprivation: tanggalan ng privacy.

Nagalugad at natikman na nating manirahan sa iba't ibang panig ng Metro Manila. Napalublob tayo nang matagal ding panahon sa sagad-lupang pananaliksik. Hindi umiiral sa subculture ng mga maralita ang katuturan ni kabuluhan ng privacy. It doesn't even exist in the local tongue. Kaya hindi maisasalin sa kaisipan. Hindi mauunawa. Hindi mapapanghawakan. Kaya hindi kabilang ang privacy sa kalagayang pinaiiral o sa katotohanang tinatanggap sa subsob-kumunoy na pamumuhay. They'd begrudge any attempt to pull 'em out of the squalor, misery and deprivation... There's mindless existence there. They don't mind.

Nakalaan sa palipas-libog ang ilang oras ng privacy. Privacy na ipinagbibili ng mga pansamantalang matutuluyan sa mga gilagid, sa mga pagitan ng pangil at kuko ng lunsod.

Nakametro sa tatlong oras ang pansamantalang privacy. Sa ating lunan at panahon, talagang sa sabsaban ng mga kakataying kambing sa EDSA makakapanuluyan ang kagampang Maria't asawang si Jose.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...