Skip to main content

Posts

Puke: puting keso

MALINAW ang inihayag na dahilan ng nakausap na kawani sa Dairy Training & Research Institute (DTRI) ng UP-Los BaƱos: kulang ang gatas mula sa kanilang bakahan kaya wala silang magawa’t maipagbiling puting keso. Nakasanayan nating gamitin bilang sangkap sa samut-saring ensaladang gulay ang kesong puti. Ilang himay na ulo ng letsugas, ilang hiwa ng kamatis at pipino, pinong gayat ng luya’t lasona saka tipak-tipak na kesong puti—maringal nang katambal ng kahit tinapang Salinas. Sapak sa sinaing na tulingan o tambakol, kahit sa inihaw na hito o bulig. Kahit lang sa hawot o tunsoy na tuyo. Kahit pa sa roast lamb chops. Madalas na simutin ng mga anak ang kesong puti. Masarap kasing palaman sa hot pandesal. Maituturing na kabilang kami sa mga masugid na tumangkilik ng kesong puti mula DTRI sapul nang P20 sambalot ang presyo nito. Mga P35 na ngayon. Wala pang mabili. Nailuwas na hanggang Metro Manila ang kesong puti ng DTRI nitong ilang huling taon ng dekada 1980. Madali nang ...

Ramadhan

IT WAS flesh ramming into metal. There’s no arguing when a lanky eight-year old slams himself into a four-by-four crawling at less than 20 kph around noon, first day of Ramadhan; he flies off a few feet from impact, gets bruises on his face plus a pock of a wound on his pate from that sudden smooch with a vehicle’s signal light (smashed), then, a spread of asphalt (intact). Never mind the usual mob gathering at her heels, the lady driver stops, scoops up battered victim in a jiffy, heads to the nearest clinic for more than usual swabbing of betadine on bruises—say, X-ray and a cranial scan. Find out if the kid got more than scratches inside him. Turnout: the clinic’s lacks staff, facilities. Off rushed the offending four-by-four to get, shall we say, a second opinion? A few hours later, the kid’s aggrieved kin finally caught up with the driver at a hospital—the kid’s X-ray and CT scan’s gone stale. Surface scratches, yes. No fracture, not a dot of blood clot. No internal harm ...

Lagda ng salaula

NAGLISAW na lagda ng salaula: samut-saring kalat sa bawat sulok at panig ng Picnic Grove, Tagaytay City. Ilang saglit ding nakapulong ang isa sa mga tauhan ng naturang looban (tahasang salin ng “grove”). Hindi pa rin siya napuknat sa pagwawalis ng mga ikinalat ng samut-saring salaula na dumalaw sa lugar. Kailangan kasing palisin ang mga lantad na patalastas sa lupa. Plastik. Bote. Tuhugan ng barbecue. Basyong pakete ng sigarilyo’t sitserya. Upos. Pira-pirasong papel. Pagkaing panis. Bawat isa’y nagsusumigaw sa latag ng lupain. Bawat piraso’y tatawag ng pansin. Magpapahayag: “Hoy, mga hindot! Pumasyal kami dito’t heto ang iniwan naming bakas. Masdan at sumuka kayo!” Hindi pa man naiimis ang iniwang kalat ng mga nakaalis, dadagsa ang panibagong kawan ng mga namamasyal. Muli: mag-iiwan ng panibagong dungis at dusing sa mukha ng lupain. Kaya hindi makaugaga sa walang latoy pero walang patid na daloy ng pagwawalis. Sinabihan ko ang nagwawalis na kung panay ganoon ang takbo...

Matapos ang unos

BARAKONG KAPE na may kanaw na gatas ang agos ng apaw na ilog, may hilang butil ng banlik, samut-saring halimuyak, layak. Pati mga isda't hipong natulingag. Minsan, may tangay ding ahas, bayawak, manok, kambing, biik. Kung anu-anong nahagip sa halihaw ng hangin at ulan. Masarap ang adobong ahas sa kakang gata. Malinamnam ang laman ng bayawak na tinuyo sa alagaw, bawang at tanglad. Banayad na humahagod sa puso ang kikislap sa isip na mga lutuin—the way to a man's heart is through his stomach. Cogito ergo dimsum ... Oo, 'haplos sa puso' ang katuturan ng dim sum . Buhos-baha ng biyaya ang maaaring masipat sa ganitong haplit-haplos ng panahon — alinman sa 20 unos na nakatakdang rumagasa sa bansa bawat taon upang magdilig o mangwasak ng pananim, magtipon ng tubig sa mga imbakang dam. Sa saganang tubig, mababaha tayo; sa katiting na tubig, mababaho tayo. Nakatukod ang pagtindig, pilit binubuwag sa suwag ng agos sa gilid ng ilog, paulit-ulit na isusulsol sa ilalim ang...

Wanna write? Get a load of focus

WRITING is focused thinking. So if you want to write in earnest, stop watching television. TV makes you lose precious focus. And it nudges most folks into hare-brained thinking—they get to soak up all that trash purveyed by the idiot box, from lousy turns of phrase, carabao English plus kalabaw Filipino, feigned affectations off talk shows to trivia passed off as news. Two-dimensional sight won’t engender insight. Afternoon at a vacant lot run over by weeds across our abode in Ciudad Real (that's in San Jose del Monte City, Bulacan, about a four-hour commute northeast of Manila), we bumped into a gaggle of children keen on catching dragonflies—pretty live playthings. Catching such wee critters can be a field test of patience. And pinpoint focus. Say, a dragonfly's an airborne predator gifted with zillions of eyes entirely filling up its head to keep keen watch for prey on the wing. Too, a dragonfly is equipped with two pairs of wings—lightweight and lacy, yet, suff...

Tirador

KINILALANG tirador ng tinambangang mataas na pinuno ng NAIA ang isang Waray mula Leyte. Tinambangan ang naturang pinuno sa isang subdivision sa ParaƱaque City. Batay sa pahayag ng isang saksi sa hiwalay na pananambang sa Anda Circle, Bonifacio Drive sa Port Area ng Maynila, ang naturang Waray pa rin ang bumaril sa isang collector ng Bureau of Customs. Nadakip ng pulisya ang tirador sa Taguig, may limang milya ang layo sa kanyang tirahan sa Pasay City. Namamasukan siya bilang makinista. Kumikita marahil sa ganoong kayod—pero tiyak na hindi sapat. Inihayag ng pulisya na natuklasan din nila na may nakabimbin pang kontrata ang tirador. Isa pang malaking tao ang nakatakdang birahin ng tirador. Presyo ng hindi natupad na kontrata: P2,500,000. May kahirapang subaybayan ang pagkilos ng ganoong batikan. Nakapako ang kanyang lungga sa isang lunan. Pero hindi nakapako ang lawak na kanyang kinikilusan— nakasaklaw mula lima hanggang 20 milya o higit pa ang ka...

Sintunis

NAKAGISNAN nang ganoon ang tawag sa dalandan—sintunis, Ilang ulit na nahapyawan ang ganoong taguri sa katutubong kahel mula sa ilang sinulat ni Apolinario Mabini, tubong nayon ng Talaga sa Tanauan, Batangas. Mag-isa niyang binuno’t inakda ang unang Saligang Batas ng bansa na pinagtibay sa Malolos. Sa kanyang kabataan, araw-araw siyang naglalakad mula Tanauan tungo sa Lipa—higit 20 kilometrong lakarin-- para pumasok sa paaralan. Kaya marahil nalumpo. Lumpo sa yapak, malawak gumalugad ang utak. Natukoy siya na utak ng himagsikan kontra sa mga sumakop na Amerikano. Nasakote. Ipinatapon sa Guam. Habang tiwalag sa sariling lupain hanggang sa pag-aagaw-buhay, nag-umalpas sa gunita ang mga hanay ng punong sintunis na kalapit ng tinubuang dampa sa nayong Talaga, nakadunghal sa Lawang Taal. Nakalakhan na ang sintunis— mula uring Szinkom hanggang mala-mandarin orange na uring Ladu—na kabilang sa mga madalas lantakan noong kamusmusan. Mas mura kasi kaysa kahel-California o Perrante or...

100 hagod, 100 kaldag

HABANG kinakapitan ng tahong at talaba ang sinakyang bus sa gitna ng trapik sa EDSA Megaparking Lot, nakatuwaang bilangin ang hagod ng suklay sa buhok ng kalapit na babaeng pasahero. May hitsura. Bihis pang-opisina. Kinosmetik na mukha. Bagong paligo. Amoy pabango. Mahigit sandaang kalaykay ang naitakal sa ulunan. Wala namang napagpag, umalimbukay na balakubak o garapata kaya, mwa-ha-ha-haw! Hardin din siguro ang ulunan. Kailangang kalaykayin at sinupin ang mga kalat, tuyong dahon at yagit sa panimula ng bawat araw. Nakagawian ng isa kong abuela ang ganoong tahimik na rituwal tuwing umaga. Nagsisinop sa paligid. Tila sariling ulunan ang paligid – higit sa sandaang hagod ng walis at kalaykay ang iniuukol. (Kahit kutis-ampalaya, mas marikit pa rin sa paningin ang aking abuela. Kasi, ang kanyang gawain ang naglalapat ng kariktan. We define ourselves with what we habitually do. A chicken cackles all day and proclaims itself a cackling chicken. Unskilled dullards cackle all day and...

Filipinos once had homely but more magical names

Ages back when life was simpler and sweeter, our forebears gifted us with equally plain and preciously simple names that stuck. No, such awkward-sounding names don’t suck. Our forebears meant well. The names breathed of the spiritual, every name professing the bearer’s faith. Their plainness throbbed and thrummed of the Filipino collective soul’s yearning for protection and guidance from benign powers-that-be. Sure, most of ‘em names didn’t sound musical, extraordinary, fashionable or reeked of the “stateside” unlike the names whimsically tabbed to offspring of city dwellers. The plainest Juan was a pleading for God’s boon. The name means “blessed of God.” Awkward-sounding Pedro or Petra signifies more than musical rock – it’s the Rock upon which the incarnate God built his place of worship. Such a name was home-shrine to holiness and rock-solid traits. To our old folks, each name was a magical mantra, an orison for invoking power bequeathed to a beloved heir. They treasured t...

Hitman's ground

A JOURNALIST colleague plied me with questions a few nights ago. “Is it not a fact that triggermen are a dime a dozen in your home province? The gun-for-hire is a perennial cottage industry in those (accursed) parts, isn’t it?” He received a death threat. He was apprehensive that a hireling from Nueva Ecija would be sent for him. Oh, not all hired guns come from Nueva Ecija. Told him the gung-ho protagonist Johnny Rico in the sci-fi classic, “Starship Troopers” hails from those inclement parts-- although I’m told the surname Rico is rooted in Pangasinan. Yes, the devil-may-care butchering man-of-arms celebrated by Robert Heinlein is a Tagal-speaking Novo Ecijano. So is the patsy hireling Rolando Galman unleashed that fateful August 21, 1983 to do in ex-lawmaker Benigno Aquino, Jr. So is the ensnared hitman from Sta. Rosa, Nueva Ecija who, in broad daylight a few weeks back, did in tabloid newsman-broadcaster Arnel Manalo in Bauan, Batangas. What makes ‘em tick? They’re time bombs, set ...

Mainitang taltalan, pagtatalo -- talo!

MADALAS na nakasungaw ang kakatwa na bungkos ng salita, "nauwi sa mainitang pagtatalo" bilang pasakalye sa mga kasong serious physical injuries, homicide o murder. Gasgas na nga ang "mainitang pagtatalo" sa pahinang panlunsod at panlalawigan ng alinmang peryodiko-- sa aking bansa. Pilipinas. Ganoon ang palaging panimula ng krimen. Payak ang tinatawag na operating parameters o balangkas na napapalooban ng pagtatalo. Laging pagtatalo. Hindi kailanman naging talakayan. Hindi kailanman naging paliwanagan. Masisipat na susulpot lagi sa balangkas ng pagtatalo ang natalo at nanalo. Win-loss ang tuwinang kahihinatnan ng pingkian ng magkasalungat. Hindi kailanman nagbunga ng win-win o parehong nagwagi ang dalawang panig, pwe-he-he-he! (Now, let me share my two cents worth as a cold-blooded reptilian. You read that right: reptilian. A highly evolved sort of reptile akin to the serpent, the basilisk, the dragon, the dust-crawling kind. See me as something less than t...