BARAKONG KAPE na may kanaw na gatas ang agos ng apaw na ilog, may hilang butil ng banlik, samut-saring halimuyak, layak. Pati mga isda't hipong natulingag. Minsan, may tangay ding ahas, bayawak, manok, kambing, biik. Kung anu-anong nahagip sa halihaw ng hangin at ulan.
Masarap ang adobong ahas sa kakang gata. Malinamnam ang laman ng bayawak na tinuyo sa alagaw, bawang at tanglad. Banayad na humahagod sa puso ang kikislap sa isip na mga lutuin—the way to a man's heart is through his stomach. Cogito ergo dimsum... Oo, 'haplos sa puso' ang katuturan ng dim sum.
Buhos-baha ng biyaya ang maaaring masipat sa ganitong haplit-haplos ng panahon — alinman sa 20 unos na nakatakdang rumagasa sa bansa bawat taon upang magdilig o mangwasak ng pananim, magtipon ng tubig sa mga imbakang dam. Sa saganang tubig, mababaha tayo; sa katiting na tubig, mababaho tayo.
Nakatukod ang pagtindig, pilit binubuwag sa suwag ng agos sa gilid ng ilog, paulit-ulit na isusulsol sa ilalim ang pinagkrus na tagdang kawayan na may lambat na kulambo. Kailangang maging matatag ang tindig pati sa sakmal ng pulikat at lamig.
Ganito yata ang talagang pagtindig — 'yung paninindigan. Laging palaban sa suwag ng agos. Nalulunod ang laging umaayon sa agos. Tinatangay. Ni hindi masusukat ang tatag ng sariling paa. Kapag pasalungat sa unday ng agos, maihahalukay pasuklay ang lambat sa tubig. Matatahip anumang mahagip.
Ah, luluksong tukso sa hapag ngayong tag-unos ang tinapa, tuyo o sardinas na itutuwang sa umuusok na kanin. Kahit sinapaw na murang talbos ng lubi-lubi. O pinasingawang talbos ng kamote't murang okra't talong — idildil sa bagoong isda na may katas ng dayap at siling labuyo. O sa balaw-balaw — burong isda.
Iba ang malalantakan. Santimba ang kapalit ng humihiyaw na hapdi sa balikat at tuhod sa 2-3 oras na pagsuyod ng lambat sa agos ng umapaw na ilog. Timbang namumuwalan sa hipon, ulang, katang, bulig, bakuli, gurami't hito. Mga 2-3 araw din na magpapasasa sa pangat, pesa, ihaw, sigang, paksiw. Fish be with you. Isdabest!
Kahit halos pumutok ang baga at dibdib sa todo hingal at pagal, madalas kong paunlakan ang anyayang tukso ng dumaang unos. Para sukatin ang tatag ng sariling tuhod na marahas na pinapaluhod sa bigwas at bagwis ng agos.
May matining na tiwasay sa balintataw ng unos — payapang payapa doon. Doon ako nagaganyak lumusong. Lagi't laging lulusong.
Nawa'y sumanib sa ating pagkilos ang mapagpalang kamay ng Diyos!

Comments