NAGLISAW na lagda ng salaula: samut-saring kalat sa bawat sulok at panig ng Picnic Grove, Tagaytay City.
Ilang saglit ding nakapulong ang isa sa mga tauhan ng naturang looban (tahasang salin ng “grove”). Hindi pa rin siya napuknat sa pagwawalis ng mga ikinalat ng samut-saring salaula na dumalaw sa lugar.
Kailangan kasing palisin ang mga lantad na patalastas sa lupa. Plastik. Bote. Tuhugan ng barbecue. Basyong pakete ng sigarilyo’t sitserya. Upos. Pira-pirasong papel. Pagkaing panis.
Bawat isa’y nagsusumigaw sa latag ng lupain. Bawat piraso’y tatawag ng pansin. Magpapahayag: “Hoy, mga hindot! Pumasyal kami dito’t heto ang iniwan naming bakas. Masdan at sumuka kayo!”
Hindi pa man naiimis ang iniwang kalat ng mga nakaalis, dadagsa ang panibagong kawan ng mga namamasyal. Muli: mag-iiwan ng panibagong dungis at dusing sa mukha ng lupain.
Kaya hindi makaugaga sa walang latoy pero walang patid na daloy ng pagwawalis.
Sinabihan ko ang nagwawalis na kung panay ganoon ang takbo ng gawain niya, walang bagong kaalaman siyang matutuklasan. Ginawa lang siyang timawa. Aliping saguiguilid ng mga walang pakundangan sa pagkakalat.
Mas mainam ‘kakong magpataw ng multa sa nagkakalat. Ganoon ang ipinapatupad sa Singapore, sa Subic Freeport Zone, sa alinmang lunan na may malasakit sa masinop at malinis na paligid.
Ginawa na raw ang ganoong hakbang. Nagpataw ng P150 multa sa mga nagkakalat. Inulan sila ng reklamo. Nagsumbong hanggang sa pamahalaang lunsod ng Tagaytay. Nagpapogi naman ang mga kumag sa local government unit—dinikdik ang pamunuan at mga kawani ng Picnic Grove.
Katwiran ng mga nagkakalat: nagbayad sila ng P25 per head entrance fee, bakit pa magbabayad na naman para sa pagkakalat?
Inalis ang multa. Balik sa nakagawian—ituring muli ang Picnic Grove bilang Payatas dump site.
‘Kako’y mas mainam sigurong ipagtabuyan ang mga dumadayo sa Picnic Grove sa mismong Payatas na—kailangan lang na kutusan ang Department of Tourism para simulan ang development ng Payatas at iba pang open garbage landfill bilang domestic tourist sites. Para lang sa Pinoy—exclusive.
Mababanggit na sa alinmang looban sa mga nayon ng Cavite o Batangas, papayag marahil ang maygawa ng looban na multahan ng P25 ang bawat papasok sa kanyang looban. Entrance fee gives the outsider and the curious a look-see into the grove. The fee solely covers entrance, a cost of admission into the property. Kapag tumuntong sa looban, tiyak na may pinsala agad sa soil density ng lupain—iyon ang saklaw ng entrance fee.
Kapag nagkalat ng anumang basura sa looban, napinsala na ang kaayusan ng looban, napinsala pa rin ang maygawa ng kaayusang iyon. Kaya kailangang patawan ng dagdag na bayad ang salaulang samlang. Mura ang P150 littering fee. P500 ang multa sa pagkakalat sa Subic Freeport Zone no’ng panahon ni Dick Gordon.
Bukod kasi sa pagsisinop sa mga naiwang kalat, tiyak na kasunod sa ikinalat—wala mang intensiyon o wala mang utak o talagang nakagawian nang walang intensiyon ni utak (‘trabaho lang, walang personalan’) -- ang ecological imbalance.
Drawn to the stench of corruption, the scavenging vermin come in unseen hordes. Ipis, langaw, daga, at samut-saring peste.
Kaya ‘kako umiiral ang kabulukan sa bansa dahil sa nakagawiang pagkakalat—in every level and dimension of our lives, in every sphere of our incessant activities.
So we welcome corruption and the descending vermin that thrives in such corruption, spawned in effortless ease by the salaula mindset.

Comments