Skip to main content

100 hagod, 100 kaldag

HABANG kinakapitan ng tahong at talaba ang sinakyang bus sa gitna ng trapik sa EDSA Megaparking Lot, nakatuwaang bilangin ang hagod ng suklay sa buhok ng kalapit na babaeng pasahero. May hitsura. Bihis pang-opisina. Kinosmetik na mukha. Bagong paligo. Amoy pabango.

Mahigit sandaang kalaykay ang naitakal sa ulunan. Wala namang napagpag, umalimbukay na balakubak o garapata kaya, mwa-ha-ha-haw!

Hardin din siguro ang ulunan. Kailangang kalaykayin at sinupin ang mga kalat, tuyong dahon at yagit sa panimula ng bawat araw. Nakagawian ng isa kong abuela ang ganoong tahimik na rituwal tuwing umaga. Nagsisinop sa paligid. Tila sariling ulunan ang paligid – higit sa sandaang hagod ng walis at kalaykay ang iniuukol.

(Kahit kutis-ampalaya, mas marikit pa rin sa paningin ang aking abuela. Kasi, ang kanyang gawain ang naglalapat ng kariktan. We define ourselves with what we habitually do. A chicken cackles all day and proclaims itself a cackling chicken. Unskilled dullards cackle all day and proclaim how dull and miserable their lives turn out. As I’ve learned ages back from Sunday school—“By their fruits ye shall know ‘em.)

Oo nga pala: "The bodymind once stretched by a new idea never regains its original
dimensions. It expands, grows.”

Iba ang pakay ng hagod-kalaykay sa buhok ng kapwa pasahero. Sa higit sandaang hagod, tiyak ang sagitsit ng static electricity sa ulunan. Siguro’y dagdag na pampaganda ang konting electric shock treatment. Teka, mas matinding boltahe ang itinatakal sa mga sinusumpong ng pagkabaliw.

Sa sandaang suklay-hagod, napupukaw ang elektrisidad. Dahil sa dumadaloy na static electricity sa buhok – na mapagsususpetsahang tila transmission line ng bangkaroteng National Power Corporation – powerfully electrifying ang ganda. Iyan siguro ang dahilan kaya nagbubuhos ng tiyaga sa pagtakal ng higit sandaang hagod sa buhok.

May naiimbak na muscle memory sa gayong pagsisinop ng panlabas na anyo, sa ganoong nakakagawiang imbay at kampay ng bisig at kamay. May kakayahan ang mga himaymay-kalamnan ng ating katawan na mag-imbak ng kakayahan at magpalago ng kaalaman sa laman. Ang taguri ng mga Tsino sa ganitong kaalamang tumagos, naging bahagi ng kalamnan: kung fu.

Batay sa angking katangian ng katawan na mapaunlad at sinupin bilang kakayahan ang iniimbak nitong muscle memory, mahigit sa walong oras naman ang itinatakal ng isang kaibigang classical guitarist. Pinaglalaro ang daliri’t kamay sa bagting ng gitara. Paulit-ulit na batak sa mga obra nina Fernando Sor, Antonio Molina, Antonio Vivaldi, iba pa. Napapakinabangan sa mga concert.

Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw, isa namang dating PBA import ang tumatagaktak na ang pawis sa praktis. Shooting ng bola sa lahat ng anggulo at distansiya. Ikawalo ng umaga natatapos ang kanyang araw-araw na rituwal sa paghahasa’t pagpapatalim ng muscle memory. Nagagamit niya sa laro.

(Sa pansariling pag-iimbak at pagpapatalas, sandaang hugot-bukas-kadyot ng balisong ang napagbalingan. Ganoon nga pala ang takda ng shrinkage-ryu kendo-- sa puso lang ng may gagap na patalim lalapat ang anino ng patalim. Kailangang hindi na makita ninuman ang igkas ng talim at talas. Dinadagdagan ng tig-50 kaldag-kamao’t tadyak paa. Nakagawian pero napapakinabangan sa pagpagpag ng sariling mantika sa katawan. Kahit 15 minuto lang.)

May tumatalim na kakayahan ang katawan sa pinipiling kagawian. Wala naman sa panlabas na anyo ang pinatalim na kakayahan at kahusayan…

Napakahusay humagod ng suklay sa buhok ang kapwa pasahero. Iniisip ko pa ang kabuluhan at katuturan ng gayong kung fu. Siguro, may nagsisikap para may maipakitang anyo o face value sa iba; meron ding nagbubuhos ng sigasig para may maipamahaging ganda, galing o kakayahan sa iba, pwe-he-he-he!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...