Skip to main content

Sintunis

NAKAGISNAN nang ganoon ang tawag sa dalandan—sintunis,

Ilang ulit na nahapyawan ang ganoong taguri sa katutubong kahel mula sa ilang sinulat ni Apolinario Mabini, tubong nayon ng Talaga sa Tanauan, Batangas.

Mag-isa niyang binuno’t inakda ang unang Saligang Batas ng bansa na pinagtibay sa Malolos. Sa kanyang kabataan, araw-araw siyang naglalakad mula Tanauan tungo sa Lipa—higit 20 kilometrong lakarin-- para pumasok sa paaralan. Kaya marahil nalumpo.

Lumpo sa yapak, malawak gumalugad ang utak. Natukoy siya na utak ng himagsikan kontra sa mga sumakop na Amerikano. Nasakote. Ipinatapon sa Guam. Habang tiwalag sa sariling lupain hanggang sa pag-aagaw-buhay, nag-umalpas sa gunita ang mga hanay ng punong sintunis na kalapit ng tinubuang dampa sa nayong Talaga, nakadunghal sa Lawang Taal.

Nakalakhan na ang sintunis— mula uring Szinkom hanggang mala-mandarin orange na uring Ladu—na kabilang sa mga madalas lantakan noong kamusmusan. Mas mura kasi kaysa kahel-California o Perrante orange.

Lagi pang kakawing ang asim sa alaala ni Ka Pule Mabini, sa kanyang halimbawa ng sigasig sa pagtuklas ng kaalaman, sa talim-balisong ng kanyang talino. Pati na pagmamahal sa sariling bayan.

Baratilyong presyo: P10 sangkilo ng sintunis na Szinkom sa mga naglalako sa palengke ng F. Blumentritt (sunod sa pangalan ng katotong Aleman ni Dr. Jose Rizal, “bulaklak na tumatadyak” ang katuturan ng blumentritt).

Sasagi sa isipan na talagang may tadyak ang halimuyak ng bulaklak ng Szinkom. Naranasan nang mapadaan sa hanay ng mga namumulaklak na sintunis. Gabi. Kasabay sa paglalakad noon ang dating kaliyag na kabayan ni Ka Pule. Humahalimuyak din sa gunita.

Tadyak sa gunita nina Mabini’t Rizal ang presyo ng matamis na ponkan—P10 sampiraso ngayon. Babagsak pa ang presyo habang palapit ang Pasko.

Matamis man ang udyok sa panlasa ng banyagang bunga, higit na mataimtim ang anyaya ng maasim na Szinkom. Sa dalandan pa rin ako. Sa katutubong sintunis. Sa bunga mula sariling bayan.

Nitong 1988, lumalaspag ang bansa ng mahigit P3.5 milyon araw-araw sa pag-angkat ng mga banyagang bunga—oranges, grapes, apples, kung anu-ano para igayak sa hapag ng Pasko. Tuusin na lang sa isipan ang nasisimot na dollar reserves ng bansa sa pagtangkilik sa mga dayuhan. Saka humagulgol. Umalulong na tila asong ulol.

Tahimik pa rin kaming tagatangkilik ng sintunis.

May malalim na dahilan sa pagiging makabayan ng panlasa’t sikmura. Your ponkan, mandarin or California orange has an easy life thriving through one or two strains of virus that attacks citrus in the temperate zone nations. Tatawagin ko nang mga bunga’t punong lampa.

Hindi matatawag na lampa ni lumpo ang katutubong bungang citrus—it thrives through over hundreds of viruses, fungi, bacteria and such microorganisms that can zap out presto the life of your ponkan, mandarin or California orange groves.

Matibay ang sintunis.

Matatag sa mga salakay na kikitil ng buhay.

Call sintunis a hardy nutraceutical, a nutritious pharmaceutical—packing and providing the consumer immunity from hordes of crippling, disease-causing agents that the tropic citrus plant has become immune to. Walang ganoong katangian ang ponkan at iba pang banyagang bunga.

Sabi nga, you are what you eat. Namnamin natin ang kaloob na tibay at tatag ng sintunis—P10 sangkilo lang. Magaan sa bulsa. Matibay sa katawan.

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...