Skip to main content

Mainitang taltalan, pagtatalo -- talo!

MADALAS na nakasungaw ang kakatwa na bungkos ng salita, "nauwi sa mainitang pagtatalo" bilang pasakalye sa mga kasong serious physical injuries, homicide o murder.

Gasgas na nga ang "mainitang pagtatalo" sa pahinang panlunsod at panlalawigan ng alinmang peryodiko-- sa aking bansa. Pilipinas. Ganoon ang palaging panimula ng krimen.

Payak ang tinatawag na operating parameters o balangkas na napapalooban ng pagtatalo. Laging pagtatalo. Hindi kailanman naging talakayan. Hindi kailanman naging paliwanagan.
Masisipat na susulpot lagi sa balangkas ng pagtatalo ang natalo at nanalo. Win-loss ang tuwinang kahihinatnan ng pingkian ng magkasalungat. Hindi kailanman nagbunga ng win-win o parehong nagwagi ang dalawang panig, pwe-he-he-he!

(Now, let me share my two cents worth as a cold-blooded reptilian. You read that right: reptilian. A highly evolved sort of reptile akin to the serpent, the basilisk, the dragon, the dust-crawling kind. See me as something less than the human species. So I could be wrong-- and I can take both lowly pride and magnificent meekness in that.)

Kutob lang naman: baka parehong utak abo ang mga nagtatalo. Hindi naiiba sa dapugan o lutuan sa sinaunang kusina: nakabaon sa bunton ng abo ang baga. Nakasindi pa rin. Kahit ilang tilad o mumunting tatal ang isusulong na gatong, uusok agad.

Saka tuluyan nang liliyab.

Kaya laging mainitin ang ulo. Puro baga't abo na kahit katiting lang na gatong, usok-sunog ang kasunod.

Kung hindi pataasan lang ng ihi, tiyak na pahabaan naman ng titi ang karaniwang pakay ng pagtatalo.

Walang mauungkat na paliwanagan. Kasi: sa utak na may liwanag lang magmumula ang liwanag. If you don't have it, you can't share it.

Walang makakalkal na kalinawan. Kasi: puro usok at abo lang ang aalimbukay sa kalooban ng tuktok. Kailan ba naging malinaw sa pananaw ang kulay ng abo't bulwak ng usok?

Walang masisipat na talakayan o masinsinang pagtutulungan para ugatin at himayin ang usapin.
Walang bukal ng lamig ni batis-tamis ng tubig na dadaloy mula sa ulunan.

At sa huling tuusan: walang aamin sa ganoon.

Kaya araw-araw na tatanggap ng ulat ang pahinang panlunsod ng paulit-ulit na pasakalye sa samut-saring alitan, sa mga walang patumanggang iringan. Iuulat sa bawat araw...na saanmang lunan sa lunsod nauuwi ang ganoong iringan, alitan, inggitan, kawalan ng unawaan at kakitiran ng pananaw...

"Sa mainitang pagtatalo."

(So, I've shared my two cents worth as a cold-blooded reptilian. You read that right: reptilian. A highly evolved sort of reptile akin to the serpent, the basilisk, the dragon, the dust-crawling kind. See me as something less than the human species. So I could be wrong-- and I can take both lowly pride and magnificent meekness in that.)

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...