Skip to main content

UNIFORMALDEHYDE

HUHUBARIN lang ang uniporma pagkatapos ng laban… mas masaya nga ‘yung laban na…uh, umpisa pa lang, hubad agad… at umaatikabong salpukan ang kasunod… na talagang kalugod-lugod hanggang gulugod.

Pero matagal nang bisyo ‘yang liga kapag bakasyon ang kabataan… tiyak na parang mga kandidato na magsasadya sa mga bahay-bahay. Hihingi ng limos. Pambili ng uniporma. Basketbolahan… na tinukoy minsan ng katotong Yen Makabenta na, “pathology.” Talamak na sakit.

Kaya pinaghahandaan ng pang-embalsamo ang mga tiyak na matitigok.

Uniformaldehyde solution!

Nahirang nga minsan bilang tournament director-chief arbiter sa Palaro sa Senado… gulantang ang mga kasamahan sa aming chess team nang mapansin nila na kami lang ang hindi nakauniporma… ba’t hindi raw ako umungot ng budget para do’n.

‘Kako’y ano ba’ng gusto n’yo, uniporma o laban?

Nang mahawi ang usok sa huling araw ng palaro, dalawa sa tropa ang pumitas ng medalya… aba’y talagang araw-araw na isinalang sila sa paghahanda bago sumagupa sa matinding paligsahan… ‘yung mga kabilang sa tropang todo-bihis, ipagpaumanhin na hanggang sa bihis lang pala.

Para nga tiyak na walang abala’t aabalahing bulsa sa uniporma, ako ang isinabak sa languyan… breast stroke… h’wag nang ungkatin kung anu-ano ang mga sukat ng pinaglalamutak para humakot ng medalya.

Nagbibihis habang nakamasid ako sa kanya, si Tinay Maralit na maghahasa ng mga paslit na lumahok sa summer taekwondo class ng National Press Club. ‘Kako’y umabot ako sa ikalawang antas ng kuro-obi or blackbelt rank in shorin-ryu karatedo… na hindi nakatikim na magsapin sa katawan ng uniporma… ‘yung mga aralin at kabihasaan lang ang lubusang sumalin sa katawan… hanggang sa mga himaymay ng laman.

Aba’y it takes some four years—give or take a few months—to get into the spirit of a ritualized execution of technique… ba’t pa kailangang bihisan ng uniporma… vital essence takes precedence and significance over put-on appearance, mwa-ha-ha-haw!

And with so many techniques to perform many times over, praxis takes an entire lifetime… hindi ‘to bisyo o libangan na pampalipas lang ng buryong sa tag-araw.

Wala pang P50 ang nalagas sa bulsa, chess set… iniregalo sa inaanak, na matindi ang bigat ng kamao… nagtagubilin sa kumare na sanayin ang bata sa ganoong laro… kailangan na maging matindi ang gagap sa mga pihit ng pagkakataon sa bawat tulak, tambang at abang ng mga puwersa.

Kapag nahasa ‘kako ang inaanak sa laro ng isipan, isusunod naman ang laro para mahubog ang pangangatawan… basic drills in the fighting arts that should entail a lifetime of dedication. That ought to build character. Steely character.

Mainit ngayong tag-araw… parang sumusuot na singaw ng masiglang apoy sa tunawan ng metal sa pandayan… pero ang mga tulad ng inyong imbing lingkod, matagal nang nahilig sa paglalaro ng apoy, mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...