Skip to main content

Bulag kikita

MAY tagabulag at tagabulog sa balita na umabot daw sa $2,000 ang karaniwang kita santaon nitong 2010—enunciated as seamy sounding two-oh-ten—ng bawat Pilipino, mwa-ha-ha-haw!

Batay daw ito sa pagbubuhat ng sariling bangko, este, benchmark… gross domestic product na sumampa sa may 7.5% kaya umangat ang kili-kili, este, ang kabuhayan daw ng sambayanan— the operative word in GDP is gross o garapal.

May tagabulag sa balita—hindi kasi makikita kaya pilit na sinasalat, kinakapa, dinadakma yata ang anumang matambok na laman sa pagitan ng ibinukakang wallet… such economic analysis stems from paralysis, something’s got to turn stiff in such a process that shouldn’t be heard as it’s obscene.

Manigas ka! (Uh, even such an invocation won’t do any good to mental faculties beset with erectile dysfunction, mwa-ha-ha-haw!)

May tagabulog sa ganitong balita, we just went through a thorough… sa’n pa nga ba iduduldol ang ganyang ibinabandila kundi sa hiwa?

Trotting out GDP as indicator of a nation’s economic health has gone effete. Monies and sums can be thrown like caution to the winds for the most whimsical ends, say, to convince the electorate to vote for a convicted plunderer, pave the highway to hell with political intentions, or ask all and sundry, “naranasan mo na bang maligo sa dagat ng basura?”

Parang apoy lang ang GDP, kapag sinulsulan ng gatong—sisigla ang liyab… kahit walang pagkain na naluto.

Gano’n ang nangyari nitong 2010—naglustay-laspag ng sandamakmak na kuwarta. Walang inilaan bilang puhunan sa lalagong negosyo. Walang itinustos upang mapalaki’t mapadami ang mga mumunting industriya. Hindi napatibay ng bagong suhay ang mga haligi ng pambansang pamumuhay… kalusugan, kabuhayan, edukasyon.

Edukasyon? Aba’y masusukat ang lumalaking bilang ng mga bobotanteng gunggong nitong 2010… muntik nang maungusan ang naging Numero Unoo ng tutulog-tulog na senador na naging Numero Uno…

Umangat ang GDP, hindi umangat ang Pilipino.

Sabi nga ni Pablo Picasso hindi natin sisimulang mahalin ang sinumang babae sa pagsusukat ng mga numero sa katawan… susuyuin, bibigyan ng pagpapahalaga at kakalingain upang lalong tumingkad ang kanyang mga taglay na katangian.

That’s where the so-called Human Development Index (HDI) espoused by the United Nations and the Gross National Happiness (GNH) plied out by Bhutan, a kingdom in the Himalayan mountains get a better grip on what really works for people.

Nakatuon ang HDI at GNH (whose “most important goal is the peace and happiness of our people and the security and sovereignty of the nation”) sa pag-unlad ng tao—hindi pagkuwenta sa ginugol na kuwalta.

Kapakanan ng taumbayan ang tahasang batayan ng pagsulong ng bansa.

Professions of undying love or lust, indecent proposals, invitations to liquor-tasting sessions, PRoblem-solving tasks, marching orders, notices on collectible checks and airline tickets for two may be coursed through 0909-4777-438, 0929-4266-091 or noqualmasabomb@yahoo.com,
mwa-ha-ha-haw!

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...