Skip to main content

बलिन्ताताव नग dragon


PINAKASUWERTENG araw daw sa 2011 ang Abril 6 kaugnay sa maliyab na pagtatalik ng Araw at lagalag na Jupiter… nasa tugatog ang bulwak ng magkasanib na alimuom o katas nila sa pagitan ng alas siete’t alas nueve ng umaga.

Mapapasagunson—katagang Batangan ‘to, “sunduin” o “dalhin pauwi” ang kahulugan—ang ningning at ningas ng Araw kasanib ang pag-unlad at kasaganaan na hatid ng Jupiter kung gagawin ang isang payak na ritwal… ang paglalapat ng balintataw o inla sa mata ng dragon.

Hindi na kailangang bumili pa ng imahen o pigurin ng dragon sa Chinatown… download na lang sa Internet, naglisaw do’n ang samut-saring imahen ng dragon… ‘yung mga nais makatipid, puwede na ring lapatan ng balintataw ang mata ng kambal na dragon na nakataliba sa bukana ng Jones Bridge sa pagitan ng National Press Club at Philippine Post Office, o kahit ‘yung nasa bunganga ng Ongpin na nakatanaw sa simbahan sa Sta. Cruz…

Pinsel at tintang itim lang ang kailangan para lagyan ng tuldok na balintataw ang dragon… kailangan lang na may malakas na tugtugin na isasaliw habang idinuduldol ang brotsa (pinsel) sa mata ng imahen o pigurin… siyempre, masayang tugtog—sakto siguro ‘yung “I Want To Be A Billionaire” pero ‘yang pagwawalis-tambok, teka, masidhi (mula Sanskrit, saddha at siddhi, “disiplina” at “puspos ng liwanag na paham”) masinsinang pagbrotsa ay kailangan ng mas malibog na tugtugin… kaya mas angkop yata ang mga obra nina Antonio Vivaldi, Johann Sebastian Bach, Wolfgang Amadeus Mozart, at Richard Strauss… bahala kayo kahit “I Who Have Nothing” pa ang patugtugin n’yo, mwa-ha-ha-haw!

Sangkaterba raw ang nagbabasa sa pitak na ‘to, lalo na sa online edition… dahil yata sa mga ganitong pagsisiwalat. Meron daw antique value para sa mga mahilig maghalungkat ng kaalamang antigo.

Saka matagal ang tinatawag na period of obsolescence… kung ilang ulit daw binabasa ng mga nakatutok dito para lang maunawaan nang lubusan ang mga inilalahad. Lalim daw kasi.

Mas gusto raw nila ‘yung mababaw lang… ‘yung apat na pulgada lang sa kababawan because that’s the average length of the fifth limb for probing into lush, silken-wet depths… noblesse oblige. Ibinibigay ang hilig ng mga mahilig.

Dahilan: kung hindi maantig ang nasa pagitan ng dalawang mata, tiyak na mauuntag ang nasa pagitan ng dalawang hita…

Hindi na siguro uungot, uungkat pa ang mambabasa namin hinggil sa sagisag ng dragon… nakakubli ito bilang pantig sa katagang “tulong” at talagang marami—lalo na ang ilang nakaniig na dilag-- ang nangangailangan ng too long. Even for a short time.

Walang mawawala kung gagawin ang ritwal na inilahad… ilang patak lang ng tintang itim, ilang saglit na pagduldol ng brotsa, at ilang sandaling saliw ng liwanag at masayang musika.

Catch eternity’s bounty through a dragon’s eyes
...

Comments

Popular posts from this blog

ALAMAT NG TAHONG

SAKBIBI ng agam-agam sa kalagayan ng butihing kabiyak-- at kabiyakan, opo-- na nakaratay sa karamdaman, ang pumalaot na mangingisda ay napagawi sa paanan ng dambuhalang Waczim-- isang bathala na nagkakaloob sa sinuman anumang ibulwak ng bibig mula sa bukal ng dibdib. Pangangailangan sa salapi na pambili ng gamot ng kapilas-pusong maysakit ang nakasaklot sa puso ng matandang mangingisda. 'Di kaginsa-ginsa'y bumundol ang kanyang bangka sa paanan ng Waczim. Kagy at umigkas ang katagang kimkim noon sa kanyang dibdib: "Salapi!" Bumuhos ng salapi-- mga butil at gilit ng ginto-- mula papawirin. At halos umapaw sa ginto ang bangka ng nagulantang na mangingisda, walang pagsidlan ang galak, at walang humpay ang pasasalamat sa mga bathala. Nanumbalik ang kalusugan ng kabiyak ng mangingisda. At lumago ang kabuhayan, naging mariwasa ang magkapilas-puso na dating maralita. Nilasing ng kanyang mga dating kalapit-bahay ang mangingisda-- na hindi ikina...

Kuntaw

I T was more than an implement—tough as metal, soft as petal—wielded like lightning to repulse conquerors. Invading Mactan in 1521, Ferdinand Magellan and his men must have thought that their fabled Toledo steel swords would be more than a match more the island’s native defenders—they were dead wrong. The Spaniards never knew what hit them. In the 1900s, American occupation forces in Mindanao particularly in the Sulu islands found themselves under constant harassment from what they called “crazy hermits” or juramentados . The native fighters would fast for days, go through special religious rites, then go forth to storm American garrisons. Even as the .445 caliber pistol was plied out in 1911 to stop seemingly unstoppable fighters, the Americans still never knew what hit them. Looking back with pride at such points in history when their fighting mettle was unleashed in battle, Filipino Muslims, especially the Tausugs of Sulu will, with a little nudge and tug at their patriotic sentimen...

LARAWANG KAPILAS-PUSO (Dulang Kyogen sa Pag-ibig at mga Musmos)

Mga Tauhan: Gombei, ang maghahabi Mariko, ang mananahi-mananandata, kabiyak ni Gombei Daimyo, ang panginoon ng kastilyo Mga Kanayon ni Gombei – pintor, panadero, magbubukid, tindera, atbp. Tatlong Paslit Tatlong Alalay ng Daimyo Dalawang Korombo bilang mga Diwata/Apsara sa Hangin Ilang Kataga sa Pagtatanghal at Tanghalan: Halaw sa isang kuwentong katutubo mula Japan ang akda. Isinalin sa anyong kyogen – dulang katatawanan, mula rin sa naturang bansa. Inangkin sa puso at binigyan ng mga sangkap na Pilipino. Karaniwang sangkap sa kyogen ang kunwa’y di-nakikitang korombo, nakasuot ng itim at madalas na tagapag-abot ng mga kagamitan sa mga tauhang nasa tanghalan. Sa dulang ito, sagisag sa ihip ng hangin at pihit ng kapalaran ang dalawang korombo. Liban sa istruktura na anyong balkonahe sa kanan ng tanghalan at mala-balangkas ng dampa sa kaliwang panig, sayad sa lupa at hitik sa posibilidad ang pagiging payak sa kabuuan ng tanghalan. Sa ganitong kapayakan nakaka...